***********
Isaac Alonzo
Dumaan na ang 2 taon at masaya kaming namumuhay nila Adrianna, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay bigla itong magbabago bigla.
Nalaman naming si Dawn ay may sakit, meron siyang autoimmune disease. Hindi pa naman ito malala ngunit mahina ang immune system ng aking anak kaya madali itong mapagod at magkasakit.
(An autoimmune disease is a condition in which your immune system mistakenly attacks your body.)
Madalas naming sinusugod sa ospital si Dawn dahil bigla bigla na lamang siyang nilalagnat o may parte sa katawan nya na masakit.
Natatakot kami ni Adrianna para saaming anak ngunit kaylangan naming maging matatag at matibay para na rin saaming anak na si Primo.
"Mag pahinga ka muna Adrianna, iuwi mo na rin muna si Primo, ako na ang bahala mag bantay sa anak natin". I tried my best para mag mukha akong hindi masyado naapektuhan kahit ang totoo ay durog na durog na akong nakikita si Dawn na nahihirapan.
"Dalawang taon lang ang anak natin, bakit siya? bakit hindi nalang ako? Naiiyak na sabi ni Adrianna saakin.
"Mahal huwag ka namang ganyan, wag mong sabihin iyan. Meron pa tayong isang anak na kaylangan din tayo". Pagbasag ng aking boses. Hinawakan ko na lamang sya sa balikat.
Gustuhin ko mang saluin lahat ng sakit na nararamdaman ng asawa at anak ko, hindi ko iyon magawa. Kung pwedeng ako nalang, sana ako nalang wag na sila.
Naka tanggap ako ng tawag mula sa kaibigan ko sa Pilipinas, isa siyang Doctor at professor sa laboratoryo sa Pinas. Kaya umalis muna ako at sinagot iyon.
"Hello? Pablo?".
"I've heard what happened to my inaanak, how is she?". Tanong nya na may bahid ng pag aalala at simpatya.
"Ganon pa rin ang kanyang lagay at wala pa rin iyong pinagbago". Sagot ko sa kanya
"Naalala mo pa ba ang ating balak noong mga kolehiyo pa lamang tayo?". Tanong nya ng walang pag aalinlangan.
Para akong nabuhayan ng loob nang marinig iyon sa kanya.
Dahil plano naming gumawa ng medisina para sa kahit anong sakit. Ngunit hindi pa namin iyon nasubukan kahit isang beses."Naalala ko pa iyon Pablo". Sagot ko sa kanyang tanong.
"Nakagawa na kami ni Dra. Nora ng gamot gamit ang ating mga notes at mga experiments na prinserve ko para don. Ngunit wala pa kaming test subject para don, gusto namin iyon subukan sa mga may cancer at may diabetes ngunit wala pa kaming volunteer na magiging test subject". Pag tuloy nyang sabi.
"Sa madaling salita, Gusto mong maging baboy ang anak ko!? Gusto mo syang gawing daga na susubukan mo kung epekto?! Eh kung may mangyari sa anak ko?! Ikaw ba ang gagamot sa kanya?!". Galit kong sabi.
Hindi ko na napigilan ang aking sarili sa sobrang galit. Lalo akong naiinis dahil sa kanyang sinabi.
"Isaac hindi iyon ang ibig kong sabihin, wala akong sinabing gagawin namin syang daga o kung ano pa man. Gusto ko lamang tumulong sainyo". Mahinahon nyang tugon saakin.
"Gumawa rin kami ni Dra. Nora ng pang kontra kung sakaling may mali at hindi tanggapin ng katawan ang medisina". Dagdag nya pang sabi. Pinilit kong ikinalma ang aking sarili dahil tama naman siya, gusto niya lamang akong tulungan.
"Susubukan kong tanungin si Adrianna tungkol dito, at uuwi muna kami ng pinas saka tayo mag usap ng maayos". Ayun na lamang ang sinagot ko at nanghingi ako ng paumanhin dahil saaking inasal kanina.
BINABASA MO ANG
Before The Lightning Strucks (KOV #1)
Bilim KurguThis is King's Of Valentine #1- Before The Lightning Strucks. Far past the ocean and beyond the mountains, are you willing to sacrifice for love? She was a warrior with a fury of lightnings and thunder, her brightness captured the eyes of the ocean...