A Midnight Sky

122 6 5
                                    










****************








Aurora Isabelle Alonzo








Ngayon ang unang araw ko bilang bagong itinalagang CEO ng kumpanya, maaga akong papasok dahil hindi ko ba naiaalis ang iba kong gamit sa dati kong lamesa at paniguradong may mga importante pa akong naiwan doon kaya nag pasya akong ayusin muna iyon bago ko iyon lisanin at lumipat sa bago kong opisina. Mula sa araw na ito ay eleganteng uniporme na ang aking isusuot, hindi lang ako masyadong sanay at kakaiba ang pakiramdam ko dahil naninibago pa ako sa lahat ng mga bagay na kaagad nabago sa isang saglit lamang. Parang kahapon lamang ay nag mumukmok ako sa isang tabi ngunit ngayon ay isa na akong matatag na individual dahil sinubok ng lupit ng tadhana. 








Kasalukuyan akong nag aayos ng aking sarili upang maging presentable naman ang itsura ko sa unang araw ng pagiging bagong Chief Executive Officer, hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kahapon pero nasisigurado kong totoo ang mga ito at hindi panaginip lamang. Gusto ko sanang isama ang kambal sa opisina para naman malibang sila kasama ko, kaya lang naalala ko na aayusin ko pa pala ang bago kong lamesa dahil naiwan ko pa ang ibang gamit sa luma kaya baka sa susunod nalang kapag hindi na magulo.







Isa pa tulog pa sila hanggang ngayon, pinag bigyan kase ng mga lolo at lola nilang late sila matulog kakanood ng cartoons at kakalaro ng mga laruan nila kaya heto sila ngayon mga tulog pa sa pansitan. Hindi naman na sila humahabol sa tuwing umaalis ako, ngunit sila ang nag hahatid saakin palabas at nag hihintay sa pag uwi ko. Tumingin ako sa orasan at napansing alas otso palang pala, maaga pa kaya may oras pa akong hintayin ang pag gising nila bago tuluyang pumasok sa trabaho.









Maya maya pa may kumatok sa pintuan ko, hindi naman iyon literal na naka sarado kaya naririnig ko kung sino ang nasa tapat ng pintuan. Si manang Beth lang pala, akala ko yung kambal na, pumasok siya at lumakad papunta saaking direksyon. "Ma'am congratulations po, belated happy birthday na rin po pati eto po para sainyo ginawa ko kagabi". Masiglang aniya ni manang Beth saakin. Itinigil ko ang ginagawa ko para humarap sa direksyon niya, ngumiti naman ako ng malawak atsaka tinanggap ng maayos ang kahong binigay niya.







"Ube with cheese po yan ma'am, naalala niyo po ba noong bata pa kayo palagi niyo rin pong kinakain iyan kasama ni Sir Primo? Pasensya na ma'am wala rin po kase akong kaperahan kaya ayan lang po ang nakayanan ko". Nahihiya niyang dagdag sa kaniyang sinabi. Halata sa kaniyang ekspresyon ang hiya dahil sa maliit na handog niya para saakin, si manang Beth ay isa lamang sa pinaka matatagal ng kasambahay ng aming mansyon at tinuturing ko na rin siyang kamag anak kahit na hindi kami magka dugo.









"Thank you manang, I appreciate this and besides I miss this food so I'm bringing this with me to the office para doon na ako kumain. Paki balot nalang po yung isang lagayan tapos yung isa po ay para sa kambal, paniguradong kagugustuhan nila itong paborito kong ube". Magalang kong sagot sa sinabi niya. Siyempre masaya si manang sa sagot ko, kaya tumango na lamang siya saakin at ngumiti bago tuluyang lumabas ng silid ko para makapag patuloy na ako sa pag aayos. Pamilya na ang turing namin sa lahat ng mga taong nandito sa mansyon, nasa sa kanila na kung ganon din ang gagawin nila saamin dahil kami naman ay malinis ang intensyon sa kanila.








Pag tapos kong mag ayos ay nag pasya na akong lumabas at lumakad pababa ng hagdan papunta sa sala, nadatnan ko roon ang kambal na kapwa pa niyayakap ang isa't isa dahil sa lamig. Ano kaya ang ginagawa nila dito? Marahil iniisip nila na hindi na nila ako maabutan sa pag alis kaya ngayon ay nandito sila para masiguradong hindi ako makaka labas ng mansyon ng hindi nila ako hinahatid palabas, palagi na nilang ginagawa ang bagay na iyon at hinahayaan ko na lamang dahil mga bata sila at normal lang na hanapin pa nila ako.







Before The Lightning Strucks (KOV #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon