************
Thorin Odelle Alvarez
Huling araw ngayon ng klase dahil biyernes na, may mga guro na rin ata dahil naka balik na sila galing sa manila.
Maaga nanaman akong nagising dahil nasakanayan na at maaga akong napag pahinga kagabi. Maaga ring nagising si ate Trinity para mag work out, wala ako sa wisyo ngayon kaya hindi muna ako pupunta ng gym.
Tumayo at bumaba na sa kusina para kumain, nandon na kaagad si manang at nag handa na sila ng pagkain, at dahil sa wala rin ako sa wisyo kumain ay hindi ko kinain ang inihanda niya maliban sa luncheon meat, kumuha ako sa ref ng cereal at gatas at ayun ang kinain kong agahan.
Habang kumakain ay naka tanggap ako ng text message galing sa mga kaibigan kong hindi maintindihan. Maliban sa personal message meron din kaming sariling group chat at group page kaso ang namamahala non ay si Jared at Eros dahil sila ang mahilig sa mga babae.
West: Thor! Meron daw tayong group project sa English Literature..
Ako: Ano ngayon?
Jared: Ang bobo mo Thor! Classmate natin si Dawn sa English Lit.
Eros: As if naman igugrupo kayo ni Ms. Hazel kay Aurora.
Ako: Teka paano niyo ba nalaman?
West: Baka nakakalimutan mong sugo ako ni bathala Hahaha.
Eros: Ulol bathala pa nga.
Jared: Kay Avi ata niya nalaman.
Eros: Sabagay si Avi nga pala ang sugo ni bathala.
Ako: Mga gago, tungkol saan yung group project?
West: hindi pa ako sigurado ayun lang nakuha kong impormasyon eh.
Hindi na ako nag reply sa sinabi ni West at nag patuloy ng kumain. Maya maya pa ay dumating na rin si ate Trinity galing sa gym, mukha naman siyang nasa tamang pag iisip ngayon kaya niya pinakain si Maximus at hindi man lang ako binubulyawan.
"Thor? Hindi ako papasok sa school ngayon, may gagawin ako". Panimula niya saakin.
Tumango ako sa sinabi niya "Saan ka pupunta?". Simple kong tanong, mamaya kalokohan pala pupuntahan niya eh.
Nagtali siya ng buhok sabay umupo sa katabing upuan "Kasama ko sina Riane hindi kami papasok. Wag ka mag alala sa bar lang kami". Iyon ang sinagot niya saakin kaya naman napataas lamang ang kilay ko ngunit hindi na ako nag salita pa at kumain na lamang.
Nauna akong natapos sa pagkain kaya naman nauna na akong umalis at umakyat muli sa kwarto ko para mag ayos na ng aking sarili. Tutal naman hindi papasok si ate Trinity may bantay si Maximus kahit sandali isa pa iniwan niya na rin ng tubig at pagkain kaya tapos na ang gawain ko sana.
Kalahating oras lamang at natapos na akong mag bihis at mag ayos ng aking sarili, naisuot ko na rin ang contact lenses at napatakan na rin ng eye drops. Habang nag aayos ako ng necktie biglang isinigaw ni ate Trinity ang pangalan ko kaya halos mapatalon ako sa gulat.
"Thor! May bisita ka!". Sigaw niya saakin muna sa hagdan.
Dali dali kong inayos ang tie ko at kinuha ang mga gamit ko bago ako bumaba at tingnan kung sino iyon.
Nasa kalahati pa lamang ako ng hagdan at nandon si ate, pansin kong matalim ang mga tingin niya kaya naman nag madali akong tingnan kung sino iyo.
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon, nasa harapan ko si Camilla at naka ngiti ito saaming mag kapatid.
Si ate Trinity ay walang kibo at matalim ang mga mata nitong nakatitig kay Camilla, habang ako naman ay gulat pa rin. Sinong nag papasok sa taong to?
BINABASA MO ANG
Before The Lightning Strucks (KOV #1)
Science FictionThis is King's Of Valentine #1- Before The Lightning Strucks. Far past the ocean and beyond the mountains, are you willing to sacrifice for love? She was a warrior with a fury of lightnings and thunder, her brightness captured the eyes of the ocean...