********************
3rd Person's Pov
Kung pag paparaya ang kaylangan para makamit ang kapayapaan, handa ka bang mag bigay? Kaya mo bang isang tabi ang lahat ng galit at puot na nararamdaman mo para lang sa ikatatahimik ng lahat? Matatapos na ba ito kapag nag bigay na ang isa? Hanggang saan nga ba tayo dadalhin ng galit saating puso? Ang pang hahangad ba ng katahimikan ay ang pag sasakripisyo ng iba? Ilan pa ba ang buhay na kaylangang mawala? Ilang inosente at walang kamuwang–muwang ang dapat masawi?
Iyan ang mga bagay na hindi inisip ni Wilson ng simulan niyang itanim sa puso niya ang galit at pagka muhi sa mga taong inaakala niyang lumapastangan sa kaniyang pamilya, ang inosenteng batang Wilson ay namulat sa mga bagay na akala niyang tama at wasto kaya ang mula pa noon ay mali ang pinaniniwalaan niya at iyan ang tunay na puno't dulo ng lahat.
Gera, patayan at walang tigil na pag danak ng dugo ang nais niya para saan? Ano bang napala niya? Nagawa bang ibalik ng pag hihiganti ang mga mahal niyang namayapa na? Minsan ang tao gumagawa ng bagay na pagsi sisihan nila sa huli ngunit si Wilson lamang ata ang taong hindi ganon, dahil maski ang tunay niyang anak ay kaniya ng pinabayaang mag isa para ipagpatuloy ang nasimulang pananakit sa mga taong wala ng ibang ginawa kung hindi ang subukang bigyan ng liwanag ang buhay niyang matagal ng binalot ng kadiliman.
Para sa sariling hangarin, nagawa niyang isakripisyo ang buhay ng nakararami at hindi niya man lang inisip na katulad niya ay may pamilya rin sila. Ang ina niyang pinag sakloban ng langit at lupa ay namatay sa isang sakit, at bago siya namayapa ay kasama niya ang kaniyang matalik na kaibigan na sina Thalia at ang mag asawang Alonzo pati na ang mga kapwa nito doktor na sina Dra. Nora at Dr. Manuel na noo'y nag sisimula pa lamang gumawa ng pangalan sa industriya ng pag gagamot.
Taong 1999, ang pangalawang anak ni Thalia na si Thorin ay mayroong karamdaman at kaylangan nito ng bagong mga mata upang muling makakita ng normal. Katulad niya ay ina rin si Czarina at alam niya ang nararamdaman ng kaniyang kaibigang isa lamang ang ninanais at iyon ang makakitang muli ang anak niyang noo'y dalawang taong gulang pa lamang, bilang matalik na mag kaibigan ay nag pasyang mag paraya si Czarina para kay Thalia at binigyan ng pangalawang pag kakataon si Thorin na makakitang muli.
Hindi na mag tatagal ang hininga ni Czarina ngunit, maayos pa ang kaniyang mga mata at maaari pa itong magamit ng iba. Si Dr. Manuel at Dr. Alonzo mismo ang nag sagawa ng eye transplant at nag tagumpay ito dahil match sila at maaaring ibigay ni Czarina ang kaniyang mata sa anak ni Thalia. Ilang araw lamang matapos ang operasyon ay binawian siya ng buhay at tuluyan ng kinuha ng may likha, hiwalay na siya sa asawa at naiwan ang anak niya sa ama nito kaya ang huling kahilingan ng kaibigan nila ay ang kunin ang bata at ilayo sa ama upang hindi ito magaya sa kaniya.
Sinubukan nila ang lahat para gawin iyon, ngunit huli na ang lahat dahil nakita na ng anak ni Czarina kung papaano paslangin ni Adrianna ang ama nito kaya hindi sumama ang batang Wilson sa kanila at sa halip ay nag paiwan ito sa bahay ampunan kung saan siya lumaki at nagka isip. Ginawa nila ang lahat para subukang aluin at amuhin ang bata ngunit nagtahim na kaagad ito ng galit lalo na ng malaman nitong wala na rin pala ang ina niya.
Kung sinubukan sana ni Wilson na buksan ang puso niya marahil ay isa na rin siyang tinitingalang mabuting mamamayan at marami na siyang naligtas na buhay kaysa kunin ito, lahat ng tao ay pasasalamatan at kikilalanin siya bilang isang magaling na doktor at hindi nilang halimaw na bangungot ng buong mundo. Nagawa niyang yanigin ang buhay ng bawat isa at naging miserable ang karamihan dahil sa trahedyang dala ng kaniyang galit at puot sa puso, kung ikaw ang nasa posisyon niya gagawin mo rin ba ito?
BINABASA MO ANG
Before The Lightning Strucks (KOV #1)
Science FictionThis is King's Of Valentine #1- Before The Lightning Strucks. Far past the ocean and beyond the mountains, are you willing to sacrifice for love? She was a warrior with a fury of lightnings and thunder, her brightness captured the eyes of the ocean...