Identities

373 20 28
                                    



********


Adrianna Sanchez


Dahil sa kagustuhan kong gamitin ni Dawn ang kaniyang abilidad para sa tama at wasto, ipinasok ko siya sa aking pinagmulan. Kung saan ako natuto, at kung saan ang orihinal kong tahanan. Sa Cielo.

Ang Cielo ay isang sekretong organisayon na minsan ay nakikipag ugnayan sa gobyerno ngunit hindi ito sangay ng gobyerno, tago lamang ito at walang ibang nakaka alam maliban sa mga kasapi nito.

Isinali ko dito si Dawn, ganon din si Primo. Sinabi ko ito kay Isaac at pumayag ito dahil ganon din ang kaniyang gusto na mapabuti ang aming anak. Hindi malayong hindi kami balikan ng anak nung scientist na napaslang ko. At kapag bumalik ang anak niya ay siguradong hindi niya bubuhayin ang mga anak ko kagaya ng ginawa ko sa ama niya.

Nang tumungtong si Dawn sa pitong taon ay akin ng pinasimulan ang kaniyang training. Mula sa mga baril, mga bomba, kutsilyo at kung ano ano pa, pinaturuan ko rin sila ng self defense na siguradong magagamit nila. Alam kong hindi magandang impluwensya ang mga ganitong bagay sa murang edad nila ngunit kung di ko ito gagawin ay baka mahuli na ang lahat.

"1,2,3, sige pa Aurora! Harder!". Sigaw nung trainer sa kaniya. Nasa itaas lamang kami ni Isaac habang pinagmamasdan sina Primo at Dawn na sabay nage ensayo. Hindi naman sila mahirap turuan lalo na si Dawn dahil matalino sila parehas.

Hindi pa nila pinapasabak sa mission ang mga anak ko dahil masyado pa itong bata para sa mga delekadong misyon.

"Matuto kayong maging walang puso, hindi habang buhay ay mananatiling kakampi ang mga kaibigan, matuto kayong maging mapagmatyag at higit sa lahat matuto kayong mabuhay mag isa". Paalala sigaw nung nag tuturo.

Naalala ko sa kanila ang mga unang araw ko dito, bumabalik lahat ng mga alala ko na hindi ko akalaing mararanasan din ng mga anak ko. Ayoko man silang ilagay sa mundong ito ay wala akong magawa dahil hindi ko kakayaning mawala sila saakin, alam kong mas delekado dito ngunit mas makakabuti na matuturuan sila ng mga bagay na makakapag ligtas ng kanilang mga buhay kahit wala na kami ni Isaac para protektahan sila.

Lumipas na ang walong taon at patuloy na nage ensayo ang mga anak ko at kasalukuyan silang tinuturan mang hack ng mga account at kung ano ano pang mga importanteng impormasyon.

Naunang natapos si Dawn at pangalawa lamang ang kaniyang kuya, kaya naman sila ay nagtatalo kung sino ang mas magaling. Malapit man sila sa isa't isa minsa'y di maiiwasan ang kanilang pagtatalo.

"Nauna nanaman ako kuya sabi sayo mas magaling ako eh". Pag aasar ni Dawn sa kaniyang kuya.

"Mas magaling naman ako sa mga gamot". Bwelta ng kaniyang kuya sa kaniyang sinabi.

Sa murang edad ni Dawn ay nagawa na niyang ihack ang sariling sistema ng buong Cielo, samantalang si Primo ay sa medisina naman magaling. Sa mura nilang edad ay mga trained sila kung paano mangmanipula ng mga bagay bagay maski ng mga tao. Ngunit nangagamba pa rin ako kay Dawn dahil meron itong abilidad na maka patay kahit hindi gumagamit ng armas.

Normal ang katawan ni Dawn, hindi naman halata na malakas siya ngunit kapag bigla mo siyang inatake ay siguradong mababalian ng buto o mamatay ang taong iyon.

Ibinigay ang code na XXII kay Dawn at XI naman kay Primo. At pinalagay na tatoo iyon sa parteng tagiliran ni Dawn ang kay Primo naman ay nasa kaniyang kanang braso. Painless naman iyon kaya wala silang mararamdaman na kahit anong sakit at permanente na iyon katulad ng akin.

Isa na silang ganap na miyembro ng Cielo at isa sila sa mga pinakabatang nag training at kasapi.

May mga ibang bata din dito ngunit isa isang tinuturuan ang mga bata pero dahil mag kapatid si Dawn at Primo ay pinag sabay na lamang sila.

Before The Lightning Strucks (KOV #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon