Five Pillars Of The Sky

125 9 4
                                    







Pt. 2







****************








Aurora Isabelle Alonzo





Kasalukuyan kaming nakikipag habulan sa mga zombie ngayon, mabuti nalang may mga baril dito sa loob ng sasakyan ni kuya Primo kaya habang nag mamaneho siya ay kami naman ni ate Trinity ang bumabaril mula sa bubong ng kotse. Mabuti nalang malayo–layo pa kami sa Cielo ng bigla silang sumulpot, medyo may kaunting nadamay lang na mga sasakyan pero wala namang nadawit na tao. Infairness naman at mayroong naka tagong machine gun dito sa likod ng sasakyan kaya ako na ang gumamit non habang siya naman ang bumabaril sa gilid na bahagi namin.





Habang tinatadtad ko sila ng bala ay parang hindi naman sila nauubos, bawat kanto mayroong grupo ng mga patay na buhay. Wala ata silang katapusan kaya para mas mabilis ay nag hagis na kami ng dalawang bomba, medyo epektibo naman dahil nawala ang halos kalahati. Paikot ikot lamang kami sa lugar upang hindi nila kami magawang sundan, baka patibong lamang ito para matunton kami ng mga sindikatong gustong gusto akong mapasakamay nila.







Hindi ko naman hayaan na mang yari iyon, wala akong pakialam sa tunay nilang dahilan kung bakit nila ako gustong kunin at kahit pa gagamitin nila ako sa mabuti ay hindi ako makakapayag na mag pa alipin sa mga kagaya nila. Halos dalawang milyong tao na ang nawawala mula sa iba't ibang kontinente ng buong mundo, walang tigil ang mga taong nawawala at mamamatay araw araw dahil sa kanilang kasamaan. Maraming bata, matanda at mga hayop na inosenteng nadamay dahil sa kabaliwan ng doktor na iyon, sukat akalain mo ba namang gumawa ng sakit para takutin ang sanglibutan? Baliw lang ang gagawa non, at mukha ngang ganon siya.








"Parang sa train to Busan to ah, non-stop ang hanep. Pakiramdam ko tuloy tayo na ang bagong cast ng palabas, bwesit na mga zombie to". Walang ganang reklamo ni kuya Primo. Natawa kami sa sinabi niya habang patuloy saaming ginagawa, kanina pa kami dito pabalik–balik pero parang hindi talaga sila nauubos. "Ano ba tong mga to?! Kuto?!! Anak ng! Nakakangalay kaya! Mag pahinga na muna kayo!". Reklamo rin ni ate Trinity. Napailing ako sa sinabi nila at hindi na lamang ako sumagot, siguro nasa isang libo? O dalawang libo na ang napapaslang ko mula kanina.






"May marathon tong mga gagong to, kanina pa ako nahihilo dahil sa kakaikot ikot natin".  Muling aniya ni kuya Primo. Natatawa ako sa kanilang dalawa dahil habang nag mamaneho at bumabaril ay kaniya–kaniya silang reklamo dahil sa sobrang dami, nababawasan naman na sila dahil kapag namamatay ang zombie ay automatikong sumasabog ang device mula sa mga leeg nila kaya double dead sila na parang baboy lang.







Whoever did this to them is worse than a monster, they are lower than the ground and they don't deserve to live in this world. They're heartless, merciless and nothing but a piece of shits, mga walang hiya sila! Sobrang dami nitong mga taong nasa harapan namin ngayon at ang mas masaklap pa ang iba dito mga bata!! Mga wala silang alam, mga inosente lang sila pero bakit pati sila idinamay nila!?







"Dawn! Aim properly! They're dead either way!". Sigaw saakin ni kuya Primo. Bumalik naman ako kaagad sa realidad, naawa lang talaga ako sa mga batang nakikita ko ngayon. They're devouring one another to survive or else they'll starve and die eventually, these zombie are eating human flesh and if they don't eat something they're brains will give up and they'll die. "Sorry I was just thinking about something!". Tugon ko sa kaniya. Halos nakaka dalawang pu't isang ikot na kami sa lugar na ito, kaunti na lamang ang mga humahabol saamin. Ang daming dugo ng gulong ng sasakyan namin kaya medyo madulas na, tinadtad ko ng bala ang huling sampung zombie para matapos na kami.






Before The Lightning Strucks (KOV #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon