******************
Aurora Isabelle Alonzo
Wala ng mas isasaya pa ang araw ko ngayon, nagawa kong mag luwal ng dalawang bata at hindi ako makapaniwala doon. Kasalukuyan kaming mag kakasama ngayon, nasa bisig aking ina si Theodore habang si Althea naman ay hawak ng aking ama. Isinunod ko sa pangalan namin ni Thor ang pangalan ng kambal, matagal ko ring pinag isipan ang mga itatawag namin sa kanila at sa tulong nina ate Trinity at Psyche ay naka gawa kami ng pangalang babagay sa kanila.
Theodore Aurelius ang pangalan ng lalaki naming anak habang ang kakambal niyang babae ay si Althea Theresse, ayan ang napili kong itatawag sa mga anak namin ni Thor. Kakarating lang ni mom at dad galing sa ibang bansa, nang marinig nila ang napaka gandang balita ay agad silang nag atubiling lumipad pabalik sa bansa. Sina tita Tha– wait lang hindi ko pa naiisip ang parteng iyan, ano na ang itatawag ko sa kanila ngayon? tita at tito pa rin ba o? Eh kaya lang hindi pa naman kami legal na kasal ni Thor.
"Ang cute cute ng mga apo ko! Manang mana sa mga lola niya!". Masiglang aniya ni mommy habang buhat si Theo. Mga natutulog pa sila ngayon, hindi pa sila nakakakita pero ayos lang at least naka labas na sila sa mundong ito. "Mommy hindi po ba dapat saakin sila mag mamana? Ako po ang nanay nila". Pabiro kong paalala sa kaniya. Mom chuckled and kissed Theo one more time before she handed him to me.
Nasa bisig ko na ulit ang lalaki kong anak, kuhang kuha niya talaga ang mga mata ni Thor pati na ang labi habang ang ilong ay saakin niya nakuha kaya mukha siyang prinsepe. Sabagay kayang kaya namin silang bigyan ng sariling kaharian kaya ang prinsepe at prinsesa ay nababagay sa kanilang dalawa, nagulat kami ng biglang umiyak si Thea kaya agad nilang ipinag palit ang buhat ko. Mukhang nagugutom na siya kaya pinalabas muna lahat ng lalaki kahit sina dad at kuya Primo para makapag breast feed ako, kahit medyo masakit ay kaylangan kong tiisin dahil kung hindi ay magugutom siya.
"Dawn are you sure na hindi mo na kaylangan ng bantay? I can be their nanny for a while, I'd be happy to help you out". Pag kukusang loob na aniya ni ate Trinity saakin. Bahagya akong napapikit dahil masakit talaga, anak naman huwag mong saktan ang mommy mo. Kain lang walang kagat, mana ka talaga sa tatay mo eh, A–Althea!
"Ate Trinity salamat but I think I can handle this, masyado ko na kayong naiistress pati naiistorbo simula palang ng pag bubuntis ko". Malumanay kong tugon sa kaniya. Hinihele ko saaking mga bising si Thea na unti unti na ring nakaka tulog, sabagay puro nga lang pala tulog ang gagawin nila dahil kakapanganak palang nila. "Dawn, anak sila ni Thor and I'm their sexy aunt that's why I don't mind staying up late for them besides hindi naman sila habang buhay na baby". Katwiran niya saakin. I'm sure she'll argue to insist on helping me once in a while, I accepted her help cause she did have a point. They're twins if both of them are crying how am I gonna make them stop?
Hindi rin naman palaging nandito ang mga magulang ko eh kahit sina tita Tha– I mean Mamá rin ay abala sa mga kumpanya nila kaya dapat matuto akong alagaan sila ng walang masyadong gabay mula sa kanila. "Hija remember, you will adress me 'mamá' at hindi na tita okay? Kahit hindi kayo legal na kasal ng anak ko. Legal na anak ni Thor ang kambal and that's enough, you're always welcome to our family". Muling paalala niya saakin. I nodded and blushed, I'm delighted to hear that I am always welcome to them. I mean I've always been welcomed by all of them but this gives me a different feeling because what she meant is as their family member.
"Hindi ako makapaniwala na magkakatotoo ang biruan nating dapat magkatuluyan ang mga magiging anak natin at ngayon, may anak na sila tapos kambal pa!". Natutuwa sa galak na aniya ni mommy kay mamá. Kahit ako hindi ako makapaniwalang ang hari ng mga kutong lupa ang makakatuluyan ko, pakiramdam ko tuloy ako na talaga ang reyna nila. Pero nag papasalamat ako sa pag dating niya sa buhay ko, and he gave me these beautiful babies. I'm more than thankful for everything what he has done for me, when he comes home we'll be here waiting for him.

BINABASA MO ANG
Before The Lightning Strucks (KOV #1)
Science FictionThis is King's Of Valentine #1- Before The Lightning Strucks. Far past the ocean and beyond the mountains, are you willing to sacrifice for love? She was a warrior with a fury of lightnings and thunder, her brightness captured the eyes of the ocean...