New World

282 16 28
                                    

**********

Aurora Isabelle Alonzo

This sprain won't kill me, but what he said just now will! My heart won't stop beating crazily, it felt like my hearts gonna come out any time soon. That kiss thief! Napahiya na ako ng ilang beses sa isang araw! Then I assume that he'll kiss me!? What the hell?!

Nagpa tawag pala si kuya ng doctor para tingnan ang sprain ko, maya maya pa dumating din kaagad ang mga doctor.

"Ma'am, nandito na po ang doctor". Tawag saakin ni Ate Linda.

"Baba na po ako, paki handa po muna sila ng makakain". Sagot ko kay ate Linda.

Nagpalit lamang ako ng damit at nag suot na lamang ng Maong shorts at isang plain t-shirt sabay lumabas na rin kaagad.

Pag labas ko ng kwarto nandon si manang para umalalay saakin sa pag baba.

Naghahantay ang mga doctor sa living room at tumayo ang mga ito ng mapansin ako.

"Hello po, magandang hapon". Pag bati ko sa mga doctor na tinawag ni kuya.

"Sa'yo rin hija magandang hapon". Bati nung doctor na lalaki.

"Maupo ka Aurora para matingnan ko ang sprain mo". Wika naman ni doctora kaya umupo ako.

Nagsimula na siyang tingnan ang paa ko at base sa ekspresyon niya mukhang hindi naman malala ang nangyari.

"Hindi masyadong malala ang nangyari mabuti naagapan kaagad dito kung hindi siguradong mamamaga at hindi ka makakalakad pansamantala". Panimulang pag papaliwanag ng doctor.

"I suggest rest your ankle by not walking on it. Limit weight bearing and use crutches if necessary. If there is no broken bone you are safe to put some weight on the leg. An ankle brace often helps control swelling and adds stability while the ligaments are healing". Dagdag niya pa sa kaniyang sinabi.

"Ice it to keep down the swelling. Don't put ice directly on the skin, I mean use a thin piece of cloth such as a pillowcase between the ice bag and the skin and don't ice more than 20 minutes at a time to avoid frostbite". Singit naman nung lalaking doctor.

"Ah ganon po ba? Sige salamat po nagabala pa kayong mag punta dito dahil sa simpleng sprain". I smiled at them.

"Wala iyon hija, I'm Dr. Manuel by the way". At naglahad siya ng kamay kaya naman tinanggap ko iyon.

"Ako naman si Dra. Nora". Ngumiti lamang ang doctor saakin matapos niyang magpakilala.

"Mauuna na kami Dawn, alagaan mo ang sarili mo at wag mong kalilimutang ipahinga ang mga paa mo". Paliwanag ng doctor saakin at sabay umalis na rin.

Hinatid sila ni manang Susan palabas ng mansyon at ako naman ay naiwan sa living room.

"Ma'am hindi pa po ba kayo kakain? Mag aala sais na po at nakahanda na rin po ang pagkain ninyo". Wika ni ate Linda.

Hindi pa naman ako gutom at isa pa maaga pa naman, kaya hihintayin ko nalang si kuya Primo. "Hindi pa po ako gutom, pati wala pa po si kuya Primo. Paki init nalang po iyan mamaya kapag dating niya para sabay kaming kumain". Mabait kong paki usap.

Hindi na sumagot si ate Linda sa sinabi ko at dumiretso na ulit sa kusina habang ako naman ay dahan dahan nag lakad sa pool side para doon muna manatili.

Nakaupo ako sa tapat ng pool habang nakababad ang mga paa ko sa tubig. I can't stop thinking about what Thorin said, should I believe in those? Or should I not? I want to believe in it but what about the girl in Villa Amore? Who was that? Narinig ng mga tenga at nakita ng mga mata ko yon.

Before The Lightning Strucks (KOV #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon