*********************
Aurora Isabelle Alonzo
Isang linggo na ang nakakalipas mula ng maka balik kami galing sa Fortune island, saya at mga tawanan ang binaon namin pauwi at kasabay non ang balitang ikakasal na kami ni Thor pag tapos ng graduation namin. Sabay lang naman kaming makaka tapos dahil may isa pa siyang kursong tatapusin, naibalita ko na rin sa mga kaibigan ko ang tungkol doon kaya pati sila ay nasasabik sa araw ng kasal namin. Wala pang tiyak na araw ang magaganap na kasalan dahil marami pa kaming dapat tapusin at ayusin, isang partikular na doon ang pagiging tagapag mana namin ng mga kumpanya ng aming mga magulang.
Bilang susunod na CEO ng Chez Cosmetics ay kaylangan kong mag aral kung papaano mapapatakbo ang kumpanya upang mas mapalago ito ng mas higit pa, may ideya na ako dahil minsan na akong naka pasok sa loob ng kumpanya at nakita ko doon kung papaano ihandle ni mommy ang mga empleyado niya. Kapag naka pasa ako sa pag susulit na ito ay maaari na akong mag simula sa pag sasanay upang maging isang ganap na tagapag mana ng kumpanya ni mommy. Ang kapatid kong si kuya Primo ay nag sisimula na ring mag sanay upang sumunod sa yapak ni daddy na patakbuhin ang ospital, ang papalit kay daddy ay wala ng iba kung hindi si kuya Primo lamang.
Ngayon ang araw ng exams ko para makapag accelerate sa kursong kinuha ko. Nakakaramdam ako ng kaba saaking dibdib ngunit pinilit kong pakalmahin ang sarili ko, alam kong kakayanin ko to. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa loob ng silid, pag pasok ko roon ay may mga kasama rin pala akong kukuha ng pag susulit. Katulad ko ay tila nakakaramdam rin sila ng kaba at takot ngayon, isang beses lang maaaring kumuha ng ganitong exam kaya kapag naibagsak ito ay hindi na pupwedeng umilit sa pangalawang pag kakataon.
Naupo ako sa isang upuan malapit sa bintana, gusto ko sana sa bandang likuran pa kaya lang mayroong nakaupo doon. Pakiramdam ko ay kaedaran siya ni Thor, hindi na ako namili ng mauupuan at umupo na lamang sa isang pagitan.
Nang makumpleto na ang mga estudyante ay nag simula ng kunin ng mga bantay ang mga iba naming gamit kasama ang telepono at bag ngunit iniwan lamang nila ang lapis at pambura saamin. Pag tapos nilang alisin ang ibang gamit namin ay itinabi nila iyon sa lamesa at nag simula ng ibahagi ang mga papel, kung hindi ako nag kakamali ay kinse kaming nandito ngayon. Ang kwento saakin ni Avi out of 15 people na nagte take ngayon ay isa lamang ang nakaka pasa at kung minsan raw ay wala pa, hindi biro ang mga sasagutan kahit na galing ito sa librong ginagamit.
Mas mahirap ang ganito dahil pang isang buong taong aralin ang test ngunit naka buod na ito kaya hindi na masyadong mahaba at ang bawat isang pag susulit ay mayroong isang daang bilang, sa kabuoan ay limang parte ang sasagutan namin kaya kung sa bilang ay limang daang tanong ang kaylangan naming masagutan. Tatlong oras lamang ang oras namin para sagutan ang mga ito, kaya nag aalinlangan ako ngayon dahil baka hindi ko matapos o mag kamali ako dahil sa kakamadali.
Nang may mag abot saakin ng test paper ay agad ko itong tinggap at ipinasa sa likuran ang sobra, hindi niya ito kinukuha mula sa kamay ko kaya inikot ko ang katawan ko at tumingin sa direksyon niya. Natutulog ba to? Malakas ang music ng airpods niya kaya paniguradong hindi niya ako naririnig, inilapag ko na lamang sa mesa niya ang papel dahil wala na akong panahon para mag effort na tawagin ang atensyon niya.
"Once you're caught cheating there will be no exceptions and you will immediately get punish, so if some of you are thinking about cheating think twice because we will not tolerate any despicable actions". Mautoridad na paalala saamin ng isang guro. Mayroong dalawang guro sa likod, sa kanan at kaliwa pati sa harapan kaya malabong may mag tatangkang gumawa ng kalokohan unless may kapit siya sa may ari netong eskwelahang ito.
BINABASA MO ANG
Before The Lightning Strucks (KOV #1)
Science FictionThis is King's Of Valentine #1- Before The Lightning Strucks. Far past the ocean and beyond the mountains, are you willing to sacrifice for love? She was a warrior with a fury of lightnings and thunder, her brightness captured the eyes of the ocean...