******************
3rd Person's Pov
Mundo'y sadyang hindi patas, marahil lahat ng bagay ay may dahilan. Mga bagay na hindi kayang sagutin ang lahat ng bakit, paano, saan, maaari at hanggang kailan, hindi magawang ipaliwanag ang mga katanungang paulit ulit niyang itinatanong sa kaniyang sarili. Bakit niya ba ito nararanasan? Paano ba kami nag ka ganito? Saan ba kami nag simula? Maaari bang ibalik ang nakaraan? Hanggang kailan niya kaylangang makipag laban sa mga taong pumipigil sa kasiyahan nila?
Hindi na niya hihingin ang mga sagot sa kaniyang katanungan dahil ang nalaman niya ngayon ay nag bigay ng ideya sa kaniya kung papaano mababawi ang kalasiyahang ipinagkait at kalayaan naming lahat na pilit sinasakop ng mga masasama, si siguraduhin niyang hindi sila mag tatagumpay at sa huli ay siya ang mananalo. Paunahan ang larong ito at ang mahuhuli ay siyang talo, hindi siya makakapayag na makukuha nila ang para saamin ng mga anak niya. Makikipag laban ako ng patayan para sa pamilya at kapayapaan ng buong mundo, at ipinapangako niyang mag tatagumpay siyang gawin iyon.
Kasalukuyan silang nasa loob ng isang laboratoryo, naalala niya ang lugar na ito. Tama nga ang sinabi ng kaniyang kuya na si Primo dahil talagang dito nag simula ang lahat ng gulong ito, ang gamot na dahilan ng lahat ng mga hinagpis at hinanakit ng isang doktor saaking pamilya. Ang dahilan kung bakit niya isa isang kinukuha ang mga taong mahahalaga saakin, ngunit hindi niya na magagawang hayaan pang may sumunod kay Thorin. Babawiin niya ang mahal niya mula sa kamay ng demonyong kumuha sa kaniya, isinusumpa niyang hindi siya titigil kaya sana lang ay nag hahantay siya saakin. Kung nasaan man siya ngayon ay sana palagi niyang iisiping hindi ko siya magagawang iwan sa kawalan.
Nandito ngayon ang mga magulang ni Aurora at ang kuya niyang si Primo, kasama sina Dra. Noella, Dr. Pablo at Dr. Manuel pati na ang anak nitong si Dominique. Wala pang nag sisimulang mag paliwanag sa kanila dahil may ipapakita muna si Dra. Noella, iyon ang lumang file kung saan ipinapakita kung papaano nagkaroon si Aurora ng isang nakapa lakas na abilidad na kahit sino ay hihilinging magkaroon ng ganon. Ngunit kung sa iba ay biyaya iyon, kay Aurora naman ay para iyong sumpa, hindi niya iyon hiniling sapagkat kusa itong ibinigay sa kaniya.
"Marahil ay napakaraming katanungan sa iyong isipan, ipag paumanhin mo ang pag tatago namin ng katotohanan sa iyo. Mali ang aming nagawa ngunit para iyon sa kabutihan mo, at inaasahan kong darating ang araw na ito na lalabas ang katotohanan mula saaming mga bibig kaya sana'y makinig ka at manatiling naka bukas ang iyong puso at isipan, maliwanag?". Aniyang kalmado ni Dra. Noella kay Aurora. Tumango lamang siya at hindi man lamang sumagot, marahil ayaw nitong sumagot ng palabang sa kaniya bilang nakaka tanda kaya nanatili na lamang itong tikom ang bibig.
"Operation X project, Begins". Wika ni Dr. Manuel. Ilang taon ng nakakalipas mula ng mang yari ang palabas na ito, labing walong taon na ang nakakaraan matapos ang napaka sakit na pang yayaring yumanig sa mag asawang Isaac at Adrianna Alonzo.
Nakikita ni Aurora ang batang siya habang naka suot ng isang pang ospital na damit at naka higa sa isang kama kung saan sisimulan ang operasyon, siya lamang ang nanood habang ang kaniyang mga magulang ay tila mga naka tungo ang ulo at hindi man lang nila ito magawang inaangat.
Napaka haba na ng taong nakalipas bago nasagot ang katanungan niyang bakit ako may ganitong abilidad? Na buong akala niya ay sumpa mula sa nakaraan, ito na ang matagal na niyang hinahanap ay ngayo'y malalaman na niya kung papaano siya maging si Missing Project X. Binansagan na nawawala ang proyekto ni Dr. Isaac dahil wala siyang maipakitang prowebang nag papatunay na epektibo nga ang gamot na ginamit niya. Mga record lamang ang maaari niyang ipakita ngunit ang aktwal na mga litrato at mga bidyong kinuhanan nila ay agad nilang itinago at ibinaon sa limot hanggang ngayon.
BINABASA MO ANG
Before The Lightning Strucks (KOV #1)
Ciencia FicciónThis is King's Of Valentine #1- Before The Lightning Strucks. Far past the ocean and beyond the mountains, are you willing to sacrifice for love? She was a warrior with a fury of lightnings and thunder, her brightness captured the eyes of the ocean...