Time Stopped

159 11 20
                                    







***************






Avraham Primo Alonzo






Kasalukuyang kaming nag babantay sa kapatid ko, wala pa rin siyang malay matapos tumigil ang pag tibok ng puso niya. Maaaring sanhi daw iyon hypoxia, habang sina Thor at Nikka ay kapwa niya rin walang mga malay dahil sa aksidente. Pansamantala muna kaming hindi kikilos dahil kaylangan maka recover ni Dawn, Nikka at Thor sa nangyari. Si Dawn ang may pinaka malalang kalagayan dahil hindi lang puso niya ang naapektuhan, pati ang utak niya ay maaaring maapektuhan sanhi hypoxia.






(hypoxia - caused by a severe drop in oxygen levels.)






"Anak Primo mag pahinga ka muna kasama ng mommy mo, ako na muna ang bahalang tumingin sa kapatid mo". Ani ni dad saakin. Hindi ako sumagot sa kaniya at nanatili pa rin sa kinauupuan ko, alam kong may hindi sila sinasabi saaming mag kapatid. Hanggang kailan nila balak itago ang katotohanan sa saaming dalawa ni Dawn? Hangga't wala pang namamatay saamin?! Ayun ba ang hinihintay nila!?





"Ayos lang ho ako dad, kayo nalang po ang mag pahinga". Walang emosyon kong tugon sa kaniya. Naupo siya sa tabi ko at pinag masdan ang kapatid kong walang malay, kung alam ko lang hindi ko na sana siya pinayagang sumama saamin. Kung ako lang ang masusunod hindi ko na sana pinapasok sa loob si Dawn, sana pinigilan ko siyang lumapit sa bata. Damn it... Napaka walang kwenta kong kapatid, I failed as her brother. I couldn't protect my little sister.






Maya maya pumasok rin si mommy sa loob, mugto at namamaga ang mga mata niya. Naupo siya sa tabi ni dad at dahan dahang hinaplos ang buhok ng kapatid ko, mukhang kagabi pa siya walang tigil sa kaka iyak at paniguradong hindi pa siya nakaka tulog ng maayos kagabi namin ni dad. Tumingin siya sa direksyon ko habang naiiyak. "Pri..mo anak? Mag pahin..ga ka n..a mu..na kami.... na ang... bah....ala s...a kapa....tid m...o". Mom brittle. This feels like beating someone to death, alam nila kung bakit to nangyayari, kilala nila ang mga gumawa at may pakana ng lahat ngunit hindi man lang sila gumagawa ng paraan para pag bayarin ang mga may gawa nito kay Dawn.





"Hanggang kailan niyo balak itago sa kapatid ko ang tungkol sa sarili niya? Kapag wala na siya? Kapag nasa loob na siya ng kabaong?". Seryoso kong ani sa kanila. Parehas nilang inilipat ang tingin nila saakin dahil sa lumabas saaking bibig, hindi ko magawang pigilan ang galit ko ngayon. Pakiramdam ko ay mababaliw ako kung wala akong sisisihin. "Anak? Ano bang sinasabi mo? Sabihin ang alin?". Malumanay na tanong ni mom saakin. Tangina, seryoso ba talaga sila? Hindi na ako bata, for heaven's sake! Alam kong alam nila ang tinutukoy ko pero ngayon nag tatanga tangahan pa rin sila.





Nakatungo pa rin ako sa posisyon ko, I smirked. "Ang alin? Yung totoo mom, kilala ninyo ang may gawa nito sa kapatid ko. Baka gusto ninyong ipaliwanag saakin iyon". Walang gana kong tugon sa tanong niya, hindi ko mapigilang hindi mapa yukom ng mga palad. Sinasagot nila ang tanong ko pero tanong lang din any nakukuha ko at hindi kasagutan.





"Hindi madali ang sinasabi mo Primo, alam mo iyan. Hindi titigil si Wilson hangga't wala siyang nakukuha sa mga anak ko, gagawin niya ang lahat para makuha ang gusto niya". Malungkot na paliwanag ng aking ina. See? They knew who did it. Impossible na wala silang alam dahil una sa lahat sila naman parehas ang puno at dulo nito. Nadadamay lamang kaming mag kapatid. "May alam kayo pero hindi ninyo pinigilan ang misyon? Para niyo na ring hinayaan na mang yari to kay Dawn, anong klase kayong mga magulang!?". Pasigaw kong tanong. Ayokong magalit sa kanila ngunit wala akong masisi sa nangyari, lahat sila may kasalanan kung bakit nasa ganitong kalagayan si Dawn!





Before The Lightning Strucks (KOV #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon