Rainbows After Storms

164 8 5
                                    






*4 months later*




***************




Avraham Primo Alonzo






Nalalapit na ang due date ni Dawn, I just can't believed that I'm actually an official uncle of twins! I'm grateful because of them, and I'll make sure to protect them like how I protect my sister. It's almost been a year since Thor and Eros disappeared without any trace, I don't know what is going on but I knew they're alive. Thor promised one thing when we were in fortune island and he informed me that he might be gone for a long time, he did broke his vows so when he got back the first thing he'll recieve is a punch on his face.




He'll be a responsible dad, I'm certain about it but is he even aware of my sister's pregnancy? I doubt that he knew, dahil kung alam niya ay paniguradong hindi siya aalis sa tabi ni Dawn. Hindi niya magagawang sikmurain na walang mag babantay sa mag ina niya, wala kaming kaalam alam sa misyon na inatas sa kanila. Maski si West at Jared ay wala ring ideya tungkol sa bagay na iyon, ang sinabi lamang daw sa kanila ay maaaring mawala sina Thor at Eros ng matagal kaya kaylangang protektahan at alagaan nila ang mga maiiwan dito lalo na ang kapatid ko.





Kasalukuyan kaming nandito ni Trinity sa kwarto ni Dawn dahil kami ang bantay niya, minsan ay nandito rin ang nobya ni West na si Cece na isa ring amazona kagaya nitong kasama ko. Mabuti na lang ay hindi masyadong kapeng barako si Psyche ngunit minsan ay masungit rin, napapa isip tuloy ako kung papaano naka tagal si West at Eros sa kanila. Hindi ko rin magawang ipinta ang itsura ni Reidly kapag mag kasama sila ni Trinity, wala siya dito ngayon ngunit alam niya ang lahat ng nangyayari saamin kahit ang pag bubuntis ng kapatid ko ay alam niya rin.





Si Avianna naman ay wala rin dito ngayon dahil lumipad siya sa bansang France para tapusin ang kursong kinuha niya, malinaw na ang relasyon namin at mag hihintay ako hanggang sa muli niyang pag babalik. Ngayon wala na akong paki alam kahit gaano pa siya katagal dahil sigurado na akong para talaga siya saakin, hindi ko na hahayaang makawala siya mula sa kamay ko.






"Hoy huwag kang matulog diyan, wala kang karapatang pumikit dahil tinulugan mo ko kagabi. Dapat ako ang natutulog ngayon". Reklamong aniya ni Trinity saakin. Minasahe ko ang sentido ko dahil dinadalaw nanaman ako ng antok, tuwing gabi ang oras ng bantay namin lalo na at isa sa mga araw ay maaaring biglaang mag pasyang lumabas ang kambal. Ang kalbaryo namin ay hindi pa kaagad matatapos dahil pag labas naman nila ay ganon pa rin ang nakikita kong senaryo namin, kambal naman huwag ninyong pahirapan ang nanay niyo lalo na wala ang ama niyong magaling.







"Naka kausap mo ba si Avi? Kamusta na siya? Bihira ko kase siyang maka usap eh". Pag iiba ko ng usapan para hindi ako antukin habang nag babantay. Tipid siyang natawa sa hindi ko malamang dahilan, nababaliw na ata ang reyna ng mga tigre na pati tuloy si Dawn ay nahahawa na rin. "Oo noong isang gabi nag ka usap kami, buryong buryo na raw siya don. Gusto na niyang umuwi sayo sabi niya saakin, ang ipinag tataka ko lang bat hindi mo siya sundan?". Tanong ang isinagot niya saakin. Napailing ako dahil don, kung maaari lang kahit ngayon susunod ako sa kaniya. Pupwede ko namang ipag paliban ang pag aaral ko dahil kaya ko namang ipasa iyon ng sabay sabay, isa pa hindi naman tumatakbo ang ospital nina dad.






"Yung totoo Trinity bulag ka ba? Siguro nga Oo kaya ng hindi mo nakitang nag babantay tayo ngayon". Sarkastiko kong sagot sa tanong niya. Hindi ako masyadong gising ngayon, kaya nagulat ako ng bigla niya ang batukan ng mahina ang tunog pero solid ang lakas. Para ka talagang sinunggaban ng leon habang abala ka sa pag kain, kawawa ka naman Reidly mag iingat ka dito sa babaeng to. "Gago, baka bulagin kita ganitong inaantok ako ngayon baka talagang dumilim ang paningin ko at ikaw ang tanggalan ko ng mata". Matigas niyang aniya saakin. Napalunok ako at hinawakan ang dalawang mata king nanahimik, pati sila nadadamay kawawa naman sila. Walang awa tong amazonang to, dapat sa kaniya nasa gubat kasama ng mga kauri niya.






Before The Lightning Strucks (KOV #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon