***************
Aurora Isabelle Alonzo
Labing apat na oras akong nasa loob ng eroplano papunta sa London kung saan nag punta si Thor, habang nasa byahe ay paulit ulit akong humihiling at nag dadasal na sana hindi pa siya kinukuha saakin. Hindi ko pa siya naka kasama ng matagal, dalawang taon akong nawala dahilan kung bakit siya nangulila. Hindi pa sapat ang pitong buwang nakasama ko siya, hindi ko pa kakayanin ang mawala siya.
Walang tigil sa pag agos ang aking mga luha, iniisip ko kung ano bang mali ang ginawa ko at nang yayari ito saamin. Akala ko magiging maayos na ang lahat, akala ko ayos lang ang lahat. Ni walang pumigil sa pag alis ko dahil kahit si ate Trinity ay hindi ako magawang pigilan sa pag alis, paniguradong susundan ako ni kuya Primo at ng mga magulang ko.
"Ma'am kayo po ba si Aurora Alonzo? May nagpapa bigay po nito sainyo kanina". Aniya ng isang babaeng flight attendant. May inabot siyang sulat saakin kaya kinuha ko iyon sa kaniya, tipid lamang akong ngumiti sa kaniya at binuksan ang sulat na inabot niya.
"When truth is replaced by silence,the silence is a lie". Iyon ang naka sulat sa papel, nag abala pa ang nag sulat nito dahil maganda at mamahaling papel ang ginamit. Kung titingnan mula sa labas ay mukha itong isang magandang imbitasyon ngunit tama nga ang katagang huwag huhusgahan ang pang labas na anyo.
Kung sa sarili ko nga ay hindi ko alam kung ano ang katotohanan at kasinungalingan, kung kanino man ito galing ay wala na akong panahon makipag laro at mag encrypt ng mensahe niya. Pinunit ko ang sulat at ipinatapon ng maayos sa stewardess, halos buong mag damag akong gising at ni hindi man lang dinadalaw ng antok dahil sa kakaisip kay Thor.
Pinag mamasdan ko ang engagement ring na ibinigay niya saakin noong nasa fortune island kami, muling tumulo ang luha ko ng hindi ko man lang namamalayan. Nakakaramdam ako ng labis labis na hinanakit at pighati sa aking puso, ito ba ang kapalit ng lahat ng kabutihan ko? Inosente ako! Wala akong ginagawang masama sa kapwa ko, kaya bakit!? Bakit kami ni Thor ang kaylangang mag ka ganito!? Anong ginawa ko sainyo!?
Wala akong ideya kung ano ang kasinungalingang tinutukoy ng nag bigay ng sulat, wala akong maalala na kahit anong tungkol sa tinutukoy niya. Kung mayroon lamang ay inayos ko na, hindi ko man mababawi lahat ng sinabi ko ngunit maaari ko pang itama ang mga kilos kong hindi kaaya aya. Handa akong gawin ang lahat huwag lang mawala si Thor saakin, siya ang buhay ko.
"Ma'am para po ito sa inyo, ayaw ko hong makialam kaya hindi na po ako mag tatanong. Kung ano man po ang dinadala niyo ay siguradong malalagpasan niyo rin po iyan". Another flight attendant randomly spoke and handed me some tissues. I accepted it and gave her a light smile, I wiped my tears using what she gave me. I find it hard to smile specially when you really can't but you kept on forcing to.
Naka tingin lamang ako sa ulap habang papalubog na ang araw sa kanluran, ang liwanag ng araw ay unti unting nawawala at napapalitan ng buwan. Kasabay ng pag dilim ang sakit na nadarama ko ngayon, tila para bang dinadamayan ako ng kalawakan. Sinusubukan kong ipikit ang mga mata ko upang maka tulog ngunit hindi nito magawang matulog, kaya kinuha ko ang telepono ko at pinag masdan lahat ng litrato namin ni Thor na mag kasama kami.
Noong nakaraan lamang ay kasama ko siya, nagagawa niya pa akong ikulong sa mga yakap niya at mag kasama pa kaming lumakad habang mag kahawak ang aming mga palad. Talaga bang binabawi na siya ng karagatan saakin? Alaala nalang ba ang lahat? Hindi na ba kami makakarating sa simbahan? Mag isa ko nalang bang tutuparin lahat ng ipinangako namin sa isa't isa? Mga tanong iyan na paulit ulit kong itinatanong saaking sarili habang pinag mamasdan ang mga litratong nag sisilbing alaala niya saakin.

BINABASA MO ANG
Before The Lightning Strucks (KOV #1)
Fiksi IlmiahThis is King's Of Valentine #1- Before The Lightning Strucks. Far past the ocean and beyond the mountains, are you willing to sacrifice for love? She was a warrior with a fury of lightnings and thunder, her brightness captured the eyes of the ocean...