New Moon

164 10 13
                                    






*2 years later*




**************




Thorin Odelle Alvarez



Kasalukuyan kaming nasa Beijing, China ngayon. Nandito ang misyon namin at abala kaming lahat sa pag ligpit ng mga kalat sa daan. "99,999. 100.000!". Masayang sigaw ni Jared. Siya ang naka patay ng huling ZV95 infected. Tulad nga ng napag usapan naming magka kaibigan ay talagang nag bilang kami at mag paparamihan, ang tapos nito ay kung kailan matatapos ang virus.



"259, 799 na yung saakin kaya matagal ka pa bago makahabol". Aniya kong pag yayabang sa kaniya. Si West ang driver ngayon dahil wala si Abigail na sanang taga maneho namin, si North at Primo naman ang mag kasama habang si Eros at Jared ang mag kasama sa kabilang sasakyan. "Siyempre binabaril mo kahit hindi sayo madaya ka". Tugon niya saakin. Nag tatawanan sila habang pinakikinggan kami, sina ate Trinity at Nikka ang naiwan para imonitor ang mga pinag gagawa namin habang nasa misyon kami.



"Kahit mas marami ang sainyo, ako naman ang pinaka pogi saatin kaya lamang ako". Aniyang pag mamalaki ni Eros. Tinutukan ko ng baril ang sasakyan nila ni Jared kaya pinatakbo niya ng mabilis ang kotseng sinasakyan nila. "Anong magagawa ng kagwapuhan mo kapag nilapa ka na ng mga zombie sige nga? Kay Psyche lang eepekto yan". Tugon ni ate Trinity mula sa radyo. Nagtawanan kaming lahat samantalang si Eros ay paniguradong kumunot ang noo dahil doon.




"Turn left, may na detect doon na signal". Aniyang seryoso ni Nikka. Sunod sunod na pumakaliwa ang sasakyang sinasakyan namin at talaga ngang mayroon doon, siguro nasa dalawang daang mga zombie? Malapit ng mag 260, 000 ang record ko at mauunahan ko na si Primo na mayroong 259, 850.




"Alright let's get this over with to settle our scores for today!". Masayang tugon ni North. Pakiramdam ko ay nag lalaro lamang kami ng isang laro mula sa Xbox o hindi naman kaya'y sa PS4, parang VR effect kaso tunay na baril ang gamit naming sandata upang patayin ang mga zombie na ito. Umikot ang sasakyan ni Jared para walang makaka wala kahit isa sa kanila, delekado kase iyon dahil sa isang sandali lamang ay maaaring mahawa ang makakagat.



Ang mga taong napag experimentuhan ay mga uri ng zombie na nakokontrol ng kung sino habang ang mga indirect naman na may ZV95 virus ay mga nakagat lamang o nahawa dahil sa dugo o laway ng apektadong tao. Mabilis ang pag kalat kapag indirect dahil ang iba ay hindi na maka takbo dahil sa takot, partikular na dito ang mga may karamdaman, buntis, matatanda at mga batang edad isa hanggang pitong taong gulang.



Ang normal na mga tao nama'y nakakaramdam din ng takot ngunit nagagawa pa nilang iligtas ang kanilang sarili. "I detected some life form near that abandoned property, team 3 vehicle 2, go there and fetch them". Aniyang mautoridad ni ate Trinity. Sina Primo at North ang inutusan niya, agad namang iniliko ni Primo ang sasakyan papunta sa kinaroroonan ng mga sinasabi ni ate Trinity.



"Uh oh.... Nandito sila nang gagaling. Fuck!". Hindi mapakaling wika ni Primo. Naririnig ko na ang sunod sunod na putok ng baril mula sa armas ni Jared, tawa pa siya ng tawa habang nag yayabang na mauunahan na niya raw kami ni Primo. "Can we join the party?". Aniya ng isang pamilyar na boses. Napa ngiti ako dahil mukhang madadagdagan na kami ngayong araw na ito.




"Saang impiyerno ka ng suot Captain Light? Kanina ka pa namin hinihintay". Tugon ni Nikka sa kaniya. Narinig kong bahagyang tumawa si Light sa tanong niya. "Sus miss mo lang ako, sinundo ko ang bagong miyembro ng team 3 nasa opisina ni Vice Commander ang isa sa kanila". Natatawa niyang paliwanag sa kaniya. Nag hiyawan ang mga nag mamaneho ng sasakyan habang kami namang bumabaril ay nakikitawa lamang. "Ayieeeee si Nikka dalaga na hindi na tomboy, ninong kami sa kasal niyo ah!". Aniyang pang aasar ni North habang naririnig sa harapan niya ang sunod sunod na putok ng baril.




Before The Lightning Strucks (KOV #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon