*********
Thorin Odelle Alvarez
Hinatid ko lamang pabalik sina Eros sa condo ni West, naiwan pa daw kase nila don yung ibang damit nila.
Pagtapos ko silang ihatid ay bumalik ako sa bahay at naligo muna bago pumunta sa HQ ng Cielo.
Nasa tapat ako ng gate ng mansyon at napansin ko ang sasakyan ni ate Trinity, yari ako nito akala ko ba sa susunod pa monday pa uwi niya? Friday palang ah?
Nagbukas ang gate at dumireto na ako papasok, hindi pa ako nakakababa ng sasakyan ay nandon na kaagad si ate Trinity at naka pamaiwang ito.
In-off ko ang engine ng sasakyan at lumabas. Naka ngiti saakin si ate Trinity at akala ko ay sasalubungin niya ako ng yakap hindi pala yakap ang sasalubong pingot at batok.
"Aray! Ate naman! Masakit! Bitaw!!!!". Pero patuloy pa rin siya sa pag hatak ng tenga ko.
"Ate Trinity naman! Kaka uwi mo lang nangbubugbog ka nanaman!". Binitawan niya ako at binatukan naman ng malakas.
"Nakakarami ka na ah!". Ramdam ko na lalong kumirot ang ulo at tenga ko. Grabe lalo atang sumakit ng ulo ko.
"Una late ka sa piano lessons mo". Panimula niya.
"Pangalawa hindi mo pinakain si Maximus at huli bakit wala ka dito sa bahay". Ngayon hawak na niya ang bamboo stick, uh...oh... Hindi ito maganda.
"Sandale! Mag papaliwanag muna ako!". Paki usap ko sa kaniya. Akma na sana niyang ipapalo saakin yung hawak niyang bamboo stick ngunit ibinaba niya ulit yon.
Napabuntong hininga ako dahil kaylangan ko nanaman mag paliwanag. Mga tao talaga hilig sa paliwanag tapos sasabihin nag dadahilan, ang labo niyo ah.
"Una birthday ni West At North, kaya di ako nakauwi dahil isinama nila ako sa bar at nag inom kami buong mag damag kaya rin ako late sa piano lessons". Pag papaliwanag ko sa kaniya.
Nakataas ang kilay ni ate Trinity saakin at tila hindi ito kuntento sa sinabi ko.
"Uh huh? Kaya pati si Maximus ay pinabayaan mo, pasalamat ka ako lang tinatawagan ni Ms. Aya kung hindi siguradong wala ka nanamang allowance". Oo sigurado yon kapag nag ingay ka.
"Pinapatawag ka sa HQ hindi ba?". Tanong ni ate Trinity saakin.
"Oo kaso paano ako pupunta? eh nandito ako nakikinig sa sermon mo". Walang gana kong tugon.
"Mag madali ka na importante ata iyon". Sabi niya at saka umalis at iniwan ako.
Tulad nga ng sabi niya ay nag madali akong naligo at nag ayos. Nag suot na lamang ako ng normal na damit tutal naman hindi pa naman ata kaagad ang misyon ko.
Pagtapos ko ay nag lagay ako ng pagkain sa bowl ni Max at umalis na rin dala dala ang tinapay na nasa bibig ko.
Hindi ako gumagamit ng kotse kapag pumupunta sa HQ kaya naman ang paborito kong motor ang gamit ko ngayon.
Nag suot na ako ng helmet at saka inistart ang motor. Humarurot na kaagad ako dahil mukhang sila naman ang sesermon saakin dahil late ako.
Hindi ako inabot ng isang oras sa byahe dahil naka motor ako at pwede namang sumingit na lamang. Pag dating ko don dumiretso ako sa monitor at nag tanggal ng lenses kung saan nag che-check ng iris, naka suot ako ng contact lenses na may kulay kaya natatakpan ang mga totoong kulay ng mga mata ko.
Pag tapos ma verify ng mata ko ay agad nag bukas ang pinto. Habang naglalakad ay di ko maiwasang isipin ang nakuhang note sa kotse ko, kung si Luke yon parang masyado naman atang Oa yon? Wala naman akong ibang kaaway? Malinis naman din ako mag trabaho, kaya sino kaya yon at bakit?
BINABASA MO ANG
Before The Lightning Strucks (KOV #1)
Science FictionThis is King's Of Valentine #1- Before The Lightning Strucks. Far past the ocean and beyond the mountains, are you willing to sacrifice for love? She was a warrior with a fury of lightnings and thunder, her brightness captured the eyes of the ocean...