*****************
Aurora Isabelle Alonzo
Matapos ang nang yaring aksidente sa loob ng Cielo ay halos lahat kami ay late ng naka uwi, ang iba ay nanatili sa tabi ni Polaris at sinamahan si Captain Ahmed. Ako lamang at si ate Trinity ang umuwi dahil kanina pa umiiyak ang kambal dahil hinahanap ako, hindi na alam ni Psyche ang gagawin niya dahil si Cece ang nag papatahan kay Theo. Nag madali na kaming umuwi dahil ano mang oras ay baka masiraan ng bait si Psyche dahil sa anak ko, nagawa na niya daw lahat pati ang palitan ang diaper niya ngunit hindi pa rin daw ito tumitigil sa pag iyak at paulit ulit akong hinahanap.
Hindi naman sanay mag alaga ng bata si Psyche hindi katulad ni Cece kaya medyo mahihirapan talaga siya, isa pa hindi naman biro ang mag alaga ng bata lalo na kapag baby pa ang mga ito. Maseselan at mga iyakin pa sila, ni ayaw ring mahiwalay sa nanay kaya malabong makaka survive si Psyche sa ganong bagay unless kagaya ko rin siyang may anak na.
Inabot na pala kami ng alas otso ng gabi, nag palit muna kami ni ate Trinity ng pang opisinang damit para hindi mapag halataang galing kami sa kung saan. Hindi naman masyadong traffic pauwi ngunit kaylangan naming mag ingat dahil baka bigla nanamang may humabol na mga zombie dito, wala naman kaming kontrol sa mga ganong bagay katulad kanina na biglaang may sumulpot sa harapan namin kaya tuloy paikot ikot kami ng ilang beses.
"Dawn, hold tight. We have to hurry kanina pa daw umiiyak si Thea at Theo". Kalmadong paalala ni ate Trinity saakin. Para kaming nakikipag karera dahil sa sobrang bilis niyang magpa takbo, nakikipag gitgitan na kami kaya halos lahat ng dinadaanan namin ay bumubusina.
"Just step on it, anong oras na tayo naka uwi dahil sa mga sindikatong yon". Tugon ko sa kaniya. She smiled and literally flew away, sa sobrang bilis namin pakiramdam ko ay biglang humiwalay ang mga laman loob ko saaking sarili pati ata ang kaluluwa ko sandaling pumunta ng langit.
Tumawag ako sa telepono ko Psyche para at least tumigil ang kambal kapag narinig nila ang boses ko, nag pasya kaming dumaan muna sa mall upang bilihan ng pasalubong ang kambal at para na rin pasalamatan ang dalawang nag babantay sa kanila. Pumili ako ng laruan para sa kanila, isang manikang eroplano para kay Theo habang ang kay Thea naman ay isang ulap para terno silang mag kapatid, pag tapos naming pumili ng laruan ay dumiretso kami sa mga bilihan ng bag para bilihan si Psyche at Cece.
"Which one should we picked for those two?". Tanong ni ate Trinity saakin. Nag hahanap ako ng paniguradong magugustuhan nilang dalawa, babaeng babae si Psyche kaya karaniwan ng bag niyang dala ay kulay presa o kulay lila. "We should get a girly type of bag for Psyche while a vintage design for Cece". Masigla kong tugon sa tanong niya. Tumango siya saakin at nag simulang mag hanap, ako na ang nag nahap para kay Cece samantalang siya naman para kay Psyche dahil kilala niya ang mga gusto non.
May nag suggest naman ng magagandang designer bags saamin kaya hindi na kami masyadong natagalan sa pag pili, agad naming binayaran ang mga iyon atsaka dali daling pumunta sa parking lot. As usual si ate Trinity ang mag mamaneho dahil nasa mood siyang makipag karera sa mga sasakyan, nanggigitgit siya ng mga kapwa namin kasabayan kaya muntik pa kaming mahuli ng wala sa panahon.
Pag dating namin sa mansyon ay nasa sala sila at nanood ng cartoons, nandoon si West at North kasama nila. Naunahan pa kami ng mga to? Akala ko ba mananatili sila sa pag babantay kay Polaris? Nag bago isip? Himala iyon pero sabagay nandito kase si Cece kaya automatikong susunod si West sa kaniya at isa pa mag kasama sila sa iisang bahay.
BINABASA MO ANG
Before The Lightning Strucks (KOV #1)
Science FictionThis is King's Of Valentine #1- Before The Lightning Strucks. Far past the ocean and beyond the mountains, are you willing to sacrifice for love? She was a warrior with a fury of lightnings and thunder, her brightness captured the eyes of the ocean...