Closer

219 15 31
                                    


***********

Thorin Odelle Alvarez


Shit! Bakit ako nangakong magpapakita ako sa kaniya? Damn it! If she caught me how the fuck will explain? I never like lies but am I really gonna lie to her? And make her believe that he exist?

Nag mamadali akong humarurot pauwi para maagang makapag palit at pumunta sa bar na sinasabi ni Eros.

Hindi naman traffic pauwi kaya maaga akong nakarating sa mansyon, at ang nadatnan ko lang roon ay si Maximus lamang. Siguradong late o hindi rin uuwi si ate Trinity ngayon dahil biyernes.

Binigyan ko muna ng tubig at pagkain si Max bago ako umakyat para maligo at magbihis. Sina manang ang nagpapaligo kay Max dahil busy kami ni ate ngunit ang pakainin siya ay gawain namin.

Matapos kong bigyan siya ay dumiretso na rin ako sa kwarto ko at nagsimula ng maligo. Tuwing biyernes kase maraming babae sa bar kaya naman tuwing biyernes ay nandon kaming lahat para mag inom habang sina Eros ay babae ang pakay. Nakasanayan na naming magkakaibigan ang bagay na ito dahil disesyete pa lamang ay nag iinom na kami, ngunit natututong mambabae si Eros netong taon lang para naman daw maiba.

Hindi na ako masyado nag tagal maligo dahil paniguradong uuwi rin naman kaming amoy suka. Nag suot na lamang ako ng Black jeans at white turtle neck longs sleeve, at dahil wala si ate makakakuha ako ng strawberry niyang pabango. Pagtapos kong mag ayos ay kinuha ko lamang ang wallet at cellphone ko pati ang susi ng kotse atsaka agad na bumaba ulit.

"Manang hindi po ako uuwi ngayon kina West po ako tutuloy, paki lock po ng maayos ang mansyon pag alis ko. Tatawag naman po si ate sainyo kung uuwi siya". Bilin ko kay manang atsaka lumabas at dumiretso sa parking.

"Young master, tumawag po pala si Ma'am Thalia kanina hinahanap po kayo". Paalala niya saakin, tumango ako at lumabas na sa mansyon.

Dinial ko muna ang number ni mommy para tawagan siya at kamustahin na rin, agad naman niyang sinagot ang tawag ko.

Mom: Hello anak? Kamusta ka na?

Ako: Ayos naman po ako ma kayo po dyan? Si tobi?

Mom: Okay naman kami lahat dito, ang ate Trinity mo?

Ako: Ayos lang din si ate, kaso wala pa po siya dito baka hindi rin po uuwi.

Mom: Sige anak mag iingat kayo ha?

Ako: Opo mom kayo din.

Ibinaba na rin kaagad ni mommy ang tawag kaya naman dumiretso na ako sa parking.

Maaga pa naman at ang usapan 9 pm pa kaya hindi ako nag mamadali, inistart ko ang engine atsaka nag simula ng mag maneho.

Bar at casino ang business namin ngunit hindi ako pumupunta saaming bar dahil paniguradong nandon si ate Trinity at ang mga kaibigan niya.

Meron kaming pinupuntahan na private bar at doon kami palagi naka tambay tuwing biyernes o kung merong celebration.

Alas otso ako nakarating sa parking at sa malayo pa lamang ay nakita ko na ang kotse ni West, siya pa lamang ata ang nandito dahil siya naman ang pinaka malapit.

Matapos ko makapag park sa tabi ng kotse niya at inoff ko ang engine atsaka lumabas ng sasakyan, sinigurado kong naka lock ang pintuan at kung wala akong naiwan. Dumiretso na ako sa loob ng bar at pumunta sa private room dahil paniguradong nauna na doon si West.

At tulad ng akala ko nandon na si West pero kasama niya si Eros na nagsisimula na sa katarantaduhan niya.

"Tol! Naks for the first time hindi ikaw ang magbabayad!". Masayang sabi ni West. Mukhang nasa mood ang gago.

Before The Lightning Strucks (KOV #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon