Reflection On A Window

122 6 0
                                    












******************








Thorin Odelle Alvarez








Sa tuwing makikita ko ang repleksyon ko sa mga binta ng bahay na ito ay hindi ko maiwasang tanungin ang aking sarili, sino ba ako? Paano ako napunta dito? Ni hindi ko alam ang pangalan ko o kung sino ang aking mga magulang? May kapatid ba ako? Saan ba ako nag mula? Pati totoo bang may asawa na ako? At may anak na kami? Hindi ko kahawig ang bata dahil berde ang mata nito ngunit kamukha siya ng kaniyang ina, ni wala rin akong maramdamang lukso ng dugo o kahit anong koneksyon sa kanilang mag ina ngunit kahit na ganon ay hinayaan ko lamang sila dahil itinuring na nila akong hindi iba.








Tahimik at masaya naman ang buhay dito sa San Luis, ngunit hindi ako sanay mangisda at maging hardinero kaya noong unang dating ko rito ay kinutsya ako ng mga trabahador at sinabing hindi ako nararapat dito at dapat na akong bumalik sa pinang galingan ko. Wala akong naalalang kahit na anong bagay, maski tirahan, o kahit na akong pagkakakilanlan ay wala rin ako kaya hindi ko alam kung talaga bang nararapat ako dito o kung may nag hihintay pa ba saakin. Patay na raw ang mga magulang ko at wala akong kapatid ni isa, naaksidente daw ako habang pangingisda kaya nawala ang mga alaala ko tungkol saaking nakaraan.








Sa dalampasigan na raw ako natagpuan at akala nilang wala na akong buhay ng mga panahon na iyon ngunti bigla akong gumalaw kaya agad nila akong isinugod sa isang maliit na ospital, kasama ng iba kong mga kagamitan pati na ang singsing na nag sisilbing tanda na kasal ako sa kaniya ngunit wala naman siyang maipakitang dokumentong magpapatunay. Naka tago lamang raw ang papeles na iyon at hindi niya lang maalala kung saan naka lagay, at palaging iyon ang dahilan niya saakin tuwing mag aaway kami at hahanapin ko ang bagay na iyon sa kaniya.








Ika dalawang pu't dalawa ng pebrero taong 2023 ako nagising dahil isang taon akong nasa comatose, pero hindi ko lubos maisip na nagawa nilang tumanggap ng ganong klase ng pasyente kung maliit ang ospital. Karaniwan dapat inililipat sa malalaki hindi ba? Isa pa puro inglesiro ang nandoon, umuwi kami dito sa Pilipinas matapos ang ilang buwan ng umayos na ang kalagayan ko. Hindi ko maintindihan ang dahilan kung bakit ayaw niya akong hanapin ang sarili ko, paulit ulit niyang pinag pipilitang wala na silang lahat pero pakiramdam ko walang katotohanan ang sinasabi niya.









Araw araw kaming mag kasama pero ni minsan hindi ko siya magawang titigan ng matagal, ni hindi ko rin magawang ilapat ang labi ko sa kahit na anong parte ng katawan niya. Kung may anak na kami paniguradong hindi na ito ang unang beses na may nang yari saamin pero bakit hindi ko man lang maramdaman? Maski katiting na pag mamahal wala akong ganong nararamdaman sa kaniya pati sa bata pero naawa ako dahil inaalagaan nila ako, pinili nila akong kupkupin kahit na tinataboy ko sila lalo na si Roxana. Iyon ang pakilala niya saakin, ang pangalan ko naman raw ay Timoteo Salvador.








Tatlong taon na akong nandito sa islang to kasama siya at ang anak naming si Samuel, limang taong gulang na daw ang anak namin at nag away kami noong mga panahong naaksidente ako at maaaring iyon daw ang dahilan kung bakit wala akong maramdaman para sa kanilang mag ina. Imposible iyon sa sarili kong pananaw, kung mahal ko talaga siya eh bakit puro galit at inis ang nararamdaman ko? Bakit hindi man lang awa o kahit anong klase ng pag mamahal? Ilang beses na akong nagpa doktor ng palihim ngunit iisa lamang ang sinabi nila, mayroong blood clot sa utak na unti unti ng nawawala kaya kasabay non ay babalik na ang mga tunay kong alaala at dapat lamang na mag hintay muna ako habang wala pa.








Hindi alam ni Roxana na sinuway ko ang utos niyang huwag mag punta ng ospital ng hindi siya kasama, si Maximo ang kasama ko tuwing pupunta ako doon para kitain at mag patingin sa mga doktor. Kapwa ko siya mangingisda pati na si Calvin habang may kaibigan rin akong diving instructor ngunit marunong din siyang mangisda at siya ang nag bigay ng mga trabaho saakin para makatulong ako sa gastusin, malaki ang binayad ni Roxana sa ospital pag labas ko at halos kapusin kami sa pag kain kaya naman nag pasya akong mag banat ng buto para hindi maging pabigat sa kaniya.







Before The Lightning Strucks (KOV #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon