Truth Over Lies

372 21 26
                                    


*********

Adrianna Sanchez

Lumipas ang mga araw na sa condo pa rin kami ni Primo nananatili, alam kong nagtataka ito dahil wala ang kaniyang ama, pero sa kabila nito ay nananatili itong walang kibo at hinahayaan lamang ang nangyayari.

Samantalang si Dawn ay nasa ospital pa rin kasama ng kaniyang ama at patuloy na ginagabayan at binabantayan ng mga doctor.

"Primo, hindi ka ba magtatanong saakin kung nasan ang iyong ama?". Ako na ang nagtanong sa kaniya baka nahihiya lamang siyang magtanong saakin kaya ako na ang nag simula.

"Bakit po? May nangyari po ba sainyo ni papa?". Tanong nito saakin, bakas sa mukha ang pagkalito ngunit kalmado pa rin ito.

Napabuntong hininga ako bago sumagot sa aking anak. Hindi ko naman pwedeng itago sa kaniya habang buhay ang nangyayari saamin at may karapatan siyang malaman ang nangyayari sa kaniyang kapatid, kahit di niya masyadong maiintindihan ang mga sasabihin ko atleast hindi ako nag tago sa anak ko.

"Makinig kang mabuti sa ipapaliwanag ni mommy ha? May sasabihin ako sa iyo at gusto kong makinig ka saakin, hindi mo man ito maiintindihan sa ngayon pero balang araw maiintindihan mo din ito". Malumanay kong panimula sa kaniya.

"Ang kapatid mo ay nasa ospital dahil may sakit siya, nagpapagaling ang kapatid mo ngayon. Nag away kami ng daddy mo dahil inilihim niya yon saatin". Dagdag ko pa.

"Sinabi ko ito sayo para hindi ka na mag taka, mahal ko ang daddy mo at sana di ka magalit sa kaniya dahil sa nag away kami. Kung ano man ang nangyari saamin, kami lang iyon anak maliwanag?". Patapos kong wika.

"Mommy hindi ko man po kayo naiintindihan, alam kong nag away kayo ni daddy. Hindi naman kayo ganito eh, pero sana po maging maayos na kayo ni daddy kung ano man po ang itinago niya siguradong may rason iyon". Mabait na sagot ni Primo saakin.

"Isa pa mommy, hindi magugustuhan ni Dawn na makita kayong ganito, paniguradong iiyak iyon". Pagtapos niya iyong sabihin ay lumapit siya saakin at yumakap ng mahigpit.

May punto naman si Primo, bata pa sila parehas at kahit may alam si Primo sa nangyayari hindi niya pa rin gugustuhin na magka hiwalay kami ni Isaac. Lalo na si Dawn na dalawang taon pa lamang, at hindi ko rin gusto na kakamuhian nila ang kanilang ama.

Biyernes ngayon at may pasok pa rin si Primo kaya matapos kaming kumain at mag usap ay pumasok na rin sya sa eskwelahan.

Nag leave ako ngayon para papuntahin si Isaac sa condo para makapag usap kami, gusto ko nang magka ayos kami habang nasa ospital pa si Dawn. Kahit may parte pa rin saakin na galit sa kaniya, mahal ko pa rin si Isaac ngunit nasasaktan ako dahil naglihim at nagsinungaling siya saakin. Wala akong itinago kay Isaac pero may isang bagay lamang akong hindi sinabi sa kaniya. Iba ang hindi sinabi at naglihim.

Mag text lamang ako kay Isaac para ihabilin sa kaniya ang pagpunta niya dito.

Ako: Isaac mag punta ka dito mag usap tayo, gusto kong malinaw ang lahat. Para saatin at sa mga bata.

Isaac: Miss na miss na kita Adrianna, mahal na mahal kita palagi mong tatandaan yan.

Ako: Ako rin Isaac, ako rin pero oras na para aminin at ilabas natin ang dapat ilabas na mga lihim sa parte ng buhay natin. Hindi matatahimik ang pamilya natin kung patuloy tayong magtatago at magsisinungaling sa isa't isa.

Isaac: I'm on way Adrianna, I love you.

Hindi na ako sumagot sa kaniyang huling sinabi at naghantay na lamang, medyo malayo ang mansion sa condo ko kaya aabutin siya ng kalahating oras o mahigit pa.

Before The Lightning Strucks (KOV #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon