Prologue

4K 159 18
                                    

Its on dreame now! Check and visit the revised version of this book in my dreame and novelcat account.

Novelcat- RainMaxxx

Dreame- Vakker

Hindi ko maiwasan mamangha sa dami ng babasahin sa silid aklatan ng campus namin, kung saan ko napiling mag-aral. Ang amoy ng bawat libro na laging nagpapagising ng diwa ko. I don't know why pero libro talaga ang buhay ko, mapa-fiction man yan o educational book.

Isa-isang na-aagaw ng libro ang aking paningin sa mga hile-hilerang aklat na nadadaanan ng mga daliri ko.

Nahinto ako sa paglalakad ng mapukaw ng isang libro ang atensyon ko. Book cover pa lang makukuha na nya ang interest mo. Isang fiction book ang nakuha ko. Pero gaya ng mga hawak kong libro sa kabila kong kamay ay tungkol din ito sa history ng bansa. I love history, I find it interesting and challenging, hindi gaya ng iba ng ibang student na tingin nila sa history ay boring. I'm always the curious cat, I like to take a risk just to shut my curiousity.

"Hija, Amara. Ikaw na naman pala, napapadalas ata ang pagbabasa mo rito, sadyang napakahilig mo talaga sa aklat maging sa panahon mong ito ay baon-baon mo. Hindi kaya lumabo ang paningin mo."

Agad akong nahinto sa paglalakad maging ang mga daliri ko sa isang libro. Kumunot ang nuo ko ng makita ang isang matandang babae na nakasuot na pag-janitress. I'm always came here at halos kilala ko na ang librarian at janitress dito, mukang bago lang sya.

"Pasensya na po, pero hindi ho ako si Amara. Ako po si Arene Lara" magalang na sagot ko. Nakita ko ang makahulugang pagngiti nito. Umayos ako ng tayo at niyakap ang libro na kanina ko pa hawak.

"Amara, Amara. Mabuti at bumalik ka na" nakangiti nitong sabi.

Nagtataka akong tumingin sa kanya, ano ba talaga ang kailangan nya? I think I should leave.

'Jusmiyo pordos santesima.. Bat ngayon ko lang napansin!' napaatras ako sa takot. She smile like an evil. Unti-unting nagbabago ang anyo nya. Naging kuba sya, and the fact na hindi sya pwedeng maging janitress because of her age, ibig sabihin gate crasher sya, what a scheme!

"Amara nahanap mo na ba si Ambrosio?!" nakangiting tanong nito habang paunti unting lumalapit sakin. Nanginginig naman akong umatras.

Lalapit sya, aatras ako. Hindi ako sure sa pwede nyang gawin, crazy may sounds like pero malay natin may powers sya.

"Sino ho ba kayo?!" kinakabahang tanong ko habang pinagpapawisan ng malamig, kahit na sobrang lamig sa library. Dagdag pa ang lakas ng hangin sa labas na pumapasok sa malaking bintana at tinatangay ang malalaking kurtina. "Hindi ho ako si Amara ako ho si Arene." pagpapaintindi ko sa kanya.

"Nakabalik ka na, Amara. Malapit na ang ika labing-walong kaarawan mo. Wag mong sayangin ang buhay na ibinigay sayo." makangiting sabi nito. Nagtaka ako sa sinabi nya, kaya napahinto ako dahilan kung bakit sya nakalapit at nahawakan ang kaliwang balikat ko. "Hanapin mo si Ambrosio, Amara. Bago pa mahuli ang lahat." makahulugang sabi nito, bago umihip ang malakas na hangin kasabay ng pagtaas ng kurtina. Tumagos ang nakakasilaw na sikat ng araw, kaya napapikit ako kasabay ng pagsalag ng braso ko sa liwanag.

Ilang segundo pa ay huminto ang malakas na pag-ihip ng hangin kaya bumagsak ang kurtina na syang tumakip sa bintana. Nawala ang nakakasilaw na sikat ng araw kaya agad kung binaba ang braso ko. Hinanap ko agad ang matanda pero walang kahit anong naiwan na bakas ng matanda. Paanong ang kubang gaya nya ay makakaalis ng ganun kabilis na walang kahit anong ingay. Sabi ko na nga ba may super powers ang matandang yun.

I want to ask librarian about that old lady, malay natin. Nakita ko itong nag-a-ayos ng mga flashcard. Kinakabahan akong lumapit rito dahil ang sabi-sabi ay nakakatakot raw ito hindi dahil sa kasungitan kundi sa kakaibang aura na nakapalibot raw rito.

I cleared my throat to get her attention. Agad naman syang tumingin sakin at nakakakilabot na ngumiti. Napalunok ako dahil naalala ko sa kanya ang manga toon na nabasa ko, yung teacher na pumapatay ng mga estudyante. "Pwede ho bang magtanong?!" kinakabahan na tanong ko.

"Nagtatanong ka na, Amara." makahulugang sabi nito. Kumunot ang nuo ko dahil sa pagtawag nya sakin ng amara. Problema ng mga tao ngayon, puro mga weirdo at Amara ang bukang bibig.

"Oum, may bago ho bang kayong janitress na matanda?!" buong galang na tanong at binaliwala ang pagtawag nya sakin ng Amara. Inayos nya muna ang mga flashcard at itinabi sa cabinet bago ako sinagot.

"Wala naman, Amara. Lagi ka rito at kung sino ang janitress rito noon ay iyon parin ngayon.." makahulugang sagot nito. Napatanga ako ng ilang segundo bago kinikilabotang tumango.

"Sigi ho. Mauna na ho ako." paalam ko rito.

Sa sobrang pagiisip ay nawala sa isip ko na ipa-credit ang libro na hiniram ko. Tulala ako hanggang sa hallway palabas ng building ng library ibat-ibang katanungan ang pumapasok sa isipan ko.

'Amara.. Ambrosio, Sino ba kayo ? Bakit pakiramdam ko ay parte ako ng pagkatao nyo... pamilyar ang mga pangalan nyo. I know I'm not Amara but why i have this feeling that i need to find ambrosio!..... Arghh... Sino ba talaga kayo?!'




----------

Ps. Guys, sorry sa napakabagal at magulong update. May problem ako sa eyes at almost one month na simula ng masira ang aking eye glass kaya naman hirap akong mag-type at magsulat so please bear with me. Revise lang ako ng revise since kakatapos ko lang sya. Salamat sa pag-unawa!

Way back 1897 Series 1: KatipuneraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon