VI

1.3K 60 5
                                        

KABANATA 6

"ARENE!" isang pagyugyog sa balikat ang nakapagpabalik sakin sa kasalukuyan. Nanlalaki ang mga matang nilibot ko paningin sa buong paligid.

Walang kaguluhan, walang barilan, walang ingay at payapa ang lahat.

Kapos ang hininga na tumingin ako kay Irene. Sya lang ang may alam sa nangyayari sakin. Sya lang ang makakatulong sakin alamin ang lahat ng 'to. Pagod na pagod na ako, at siguradong matatawa ang sino mang makakarinig ng kwento ko.

Isang tawag muli galing kay Irene ang narinig ko. Marahan nyang niyugyog ang balikat ko. Kaya tumango ako at nagbigay ng may makahulugang tumingin sa kanya. Agad naman nyang naintindihan iyon at tumango. Binitiwan nya ang balikat ko at umupo na lang. Isang nagaalalang tingin ang itinapon nya sakin.

Parang hinigop ako ng kasalukuyan. Parang sandali akong nawalan ng hininga dahil sa pagbalik ko sa totoong kaganapan. Sigurado na ako, isang memorya ang mga napapanaginipan ko at hindi lang basta bangungot. Paanong napunta ako sa nakaraan. Kahit napakaimposible kailangan may gawin ako.

Hindi pa ako nakakapunta sa ganoong lugar. Sigurado rin akong hindi ko pa napapanuod sa tv ang mga ganoong lugar at senaryo. Now I can't help but agree to Irene's conclusion.

"A.L? Ok ka lang ba? Magsalita ka naman!" naluluhang tanong ni Rene. Nabaling sa kanya ang atensyon ko. Napalunok ako bago tumango ng marahan. Isa-isa ko silang tinignan, pero parang wala sa sariling nakita ko silang nakabarot saya, habang nag-aalalang nakadungaw sakin.

'No! Shit!' I blink my eyes multiple times but nothing happened they're still wearing filipiniana!

"Oo.." napaiwas ako ng tingin dahil sa sobrang kaba. Tumingin ako sa pagkain at iniwasang tumingin sa kanila. "Kumain na tayo.... gusto ko munang umuwi pagkatapos nating kumain." narinig ko ang pag-ingay at langitngit ng upuan. Senyales ng pag-upo nila.

Narinig ko ang mahina at pabulong na pagsang-ayon ni Ali.

"Tama, para naman makapagpahinga ka naman, A.L." nag-aalalang sang-ayon rin ni Rene.

"Yeah, this past few month, napapansin ko ang pagiging hargard at worried sick mo." may halong pagtatakang sabi ni Jena.

"Its just all about school stuff.." naiilang na sabi ko. I'm lying again.

Tahimik kaming nagsimula sa pagkain. Ramdam ko ang ilang beses nilang pagsulyap sakin. Alam kong nagaalala sila sakin. Pero wala akong lakas para ikwento ang mga kabaliwan na yun.

Pagkatapos namin kumain ay umuwi nga kami. Tulala ako buong byahe. Hindi rin nila ako nakausap ng maayos pagkarating na pagkarating namin sa tinutuluyan. Dumiretso ako sa kwarto ko at duon tulalang humiga sa kama habang nakatingin sa kisame.

Third person pov.

"Arene..." mahinang tawag ni Ali sa kaibigan pero parang walang narinig si Arene at nanatiling nakatingin sa kisame.

Pare-parehong nakatayo ang magkakaibigan habang nakatingin kay Arene na wala paring imik.

"Sa tingin ko, hindi sya ready, to talk about her problem. Not know." malungkot na turan ni Jena. "We should leave her alone, muna, guys. I think." napabuntong hininga si Rene at sumang-ayon rin.

"Jena is right, lets go." wala ng nagawa ang magkakaibigan. Magkasunod na nagpakawala ng buntong hininga si Ali at Irene. Nagkatinginan ang apat at sabay-sabay na tumango.

Marahang inakay ni Rene ang mga kaibigan palabas ng kwarto. Bago nya ito isara ay muli nyang tinignan ang kaibigan. Nakita nya ang paglandas ng mga luha nito sa pisngi ng kaibigan, ngunit pinilit na nyang balewalain iyon dahil baka hindi pa handa ang kaibigan na magsabi ng mga problema nito.

Way back 1897 Series 1: KatipuneraMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon