XIII

635 33 2
                                    

KABANATA 13

Magagandang lugar ang nadaanan namin bago makarating sa isang bukid o kagubatan na matatawag. Kakaunti na lang ang bahay na makikita dito. Madalas ay magkakalayo pa. Huminto ang kabayo sa tapat ng bahay kubo.

Mabilis na bumaba si ambroiso at inilahad ang kamay sakin. Wala sa sariling napangiti ako sa pagiging maginoo nya. Ipinatong ko ang isang kamay ko sa kanya at ang isang kamay ko ay humawak sa balikat nya. ‘Hokage moves, may muscle, amp. Ito ang sinasabi ko kanina, pwede na akong mamatay. Ang manyak mo, Arene. Kaylan ka pa naging manyak?!’ maingat akong bumaba ng kabayo na agad naman nya akong inalalayan. Naramdaman ko pa ang matitipuno nyang katawan na umalalay sakin.

“Nasan pala tayo?!” naiilang na tanong ko.

Saktong pag-angat ko ng tingin ay halos kamuntikan akong atakihin sa puso dahil sa sobrang lapit nya sakin. Ngumiti sya bago marahan akong hinila palapit sa tarangkahan ng kubo. Hawak-hawak parin nya lubid ng kabayo. Very good si horse sobrang obedient, muy buena!

“Narito tayo sa mahiwagang balon.” ngiting sagot nya habang naglalakad kami.

Huminto kami sa tapat ng bahay kubo. Binitiwan nya ang kamay ko at pinapasok ang kabayo sa tarangkahan, itinali nya ang lubid ng kabayo sa tarangkahan na gawa sa punong kahoy. Nang maitali nya ay muli nyang inilahad sakin ang kamay nya. Mabilis kung tinanggap iyon

Buong akala ko ay sa likod ng bahay kubo ang balon na sinabi ngunit sa tapat mismo ng bahay kubo. Hindi mahahalata na merong balon duon dahil naging harang ang matatayog at mamumulaklak na mga puno at halaman. Ngunit may daan sa tingin ko ay sinadyang gawin ang daanang iyon dahil naging hugis pinto.

Napaawang ang labi ko sa pagkamangha. Madilim man ang gabi kitang kita parin ang ganda ng paligid dahil sa liwanag ng buwan, maging sa gaserang dala-dala ni Ambrosio na hiniram pa nya galing sa nakatira sa bahay kubo. Nagbibigay liwanag rin ang alitaptap. Para silang bantay ng balon. Wala sa sariling nabitawan ko ang kamay ni ambroiso at lumapit sa isang puno na pinalilibotan ng alitaptap. Nakangiting itinaas ko ang kanang kamay ko nagba-baka sakaling may dumapo.

“Sabi ko na nga at magugustohan mo.” rinig kong sabi ni ambroiso.

Tama, tama sya nagustohan ko nga, dahil sa panahon namin ay halos kakaunti na lang ang ganito o di kaya ay mahirap ng makita dahil madalas ay pinaglalaruan at hinuhuli ng mga tao.

Nakangiting sumang-ayon ako sa kanya bago bumaling sa kanya. Nandun parin sya sa kinakatayuan nya kanina at pinagmamasdan lang ako. Wala sa sariling sabi ko pasasalamat ko. Ngumiti sya at lumapit sakin.

“Sa tingin ko ay magugustohan mo rin ang kwento tungkol sa balon na ito.” nakangiting sabi nya at tumingin sa direksyon ng balo kaya napatingin na rin ako dun. Halos sabay kaming napatingin sa isa’t-isa kaya natawa kami. “Halika.” inilahad nyang muli ang kamay nya sakin.

Kumunot ang nuo ko dahil sa ginagawa nya. Nahawakan na nya ang kamay ko bakit hindi na lang nya hawakan agad. Need ba talaga laging may permission. Etchus, sa panahon ko kung ano-ano na lang ang hinahawakan ng lalaki sa parte ng babae at ito naman si ateng pumapayag. Hindi naman ako galit nagsasabi lang ng truth.

“Ang magandang kamay binibini, maaari ba?!” nakangiting sabi nito.

Binababa nya ang gasera sa grass bago yumuko at inilahad palapit sakin ang kamay nya, nilagay nya ang isang kamay sa likod. Para syang nagbibigay galang at humingin ng permiso sa isang royal princess dahil gusto nya itong maisayaw.

“May itatanong ako, Ambroiso.” seryosong sabi ko. Napaangat sya ng tingin sakin. Nagtataka sya ng makitang seryoso ako kaya umayos sya ng tayo.

Way back 1897 Series 1: KatipuneraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon