XVII

370 22 2
                                    

KABATANA 17

Maaga pa lang ay gising na kami ni Libet. Hindi na namin kailangan magtago kay ina ng gagawin namin pero hindi ko parin sa kanya nasasabi ang tungkol sa pagsapi ko sa kilosan. Bago pa pumutok ang sikat ng araw ay maaga na kaming nagalsa balutan ng mga kailangan madala sa San Isedro. Tanging tatlong lalaki ang nakatulong namin sa pagbubuhat ng mga armas. Walang nakapansin ng pag-alis namin dahil masyadong madilim pa ng umalis kami.

"Unti-unti ng bumabagsak ang samahan sa maynila, Amara." sabi ni Flor sa kalagitnaan ng paglalakbay. Napalingon ako sa kanya at nakitang nakatingin sya sa dinaraanan. Tatlo lamang kaming nakasakay sa kalesa. Si Libet, Flor, at ako.

"Unti-unti nga bang bumabagsak o tuluyan na ngang nawala?!" tanging naisagot ko.

"Wala na. Ang ilang miyembro ay pumunta na ng San Isedro." malungkot nyang sabi at lumingon sakin. "Isang katangahann, kung itatanong ko pa ang ito, bakit nga ba kailangan may mamatay sa digmaan. Sa huli ay may mananalo at may matatalo. May mamamatay at may natitirang buhay, pero ang masakit ay kung panalig mo ang masasawi. Mapapatanong ka na lang ng isang tangang tanong, kung bakit kailangan may mamatay, gayong digmaan ang sitwasyon." tumatawa nyang dugtong, ngunit kita ang lungkot at galit sa muka nya.

"Palihim ang pagtulong natin ngunit hindi malayong madakip rin tayo." rinig kung bulong ni libet kaya napalingon ako sa kanya.

"Hindi ako natatakot." sagot ni Flor. Napabuntong hininga ako at muling napalingon sa daraanan.

"Para saan pa ang takot, saan pa ba natin ilulugar ang takot kung ang mga kastila mismo ang nagbibigay ang kamatayan na syang nag-impluwensya ng paniniwala sa dios. mamamatay rin lang tayo, Ngunit sisiguradohin ko na nagkaruon ng saysay ang buhay ko." wala sa sariling sabi ko.

Malayo-layo pa ang San Isedro at malapit ng lumitaw ang haring araw. Kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan, ang inaalala ko lang ay ang mga kasama ko. Matagal na akong patay sa panahon na ito, misyon ko lang ay malaman kung sino ang pumatay sakin, dahil sya ang maaaring pumatay samin ni ambroiso sa hinaharap.

Naging maayos ang paglalakbay namin at maaga kaming nakarating sa San Isedro. Sa imus kami dumiretso at dito na rin kami magpapalipas ng gabi. Wala kaming dalang kahit ano kundi mga armas lamang. Hindi ako sanay na pagkatapos ng malayong paglalakbay ay hindi magliligo pero wala akong mapagpipilian. Sa isang maliit na kubo kami pinatuloy malapit sa pinaglalabanan.

"Binibining Amara, Binibining Flor!" pabulong na tawag ni libet. Nagmamadali syang pumasok ng kubo at lumapit sa hapag kainan kung saan kami nakaupo ni flor.

"Ano ba yan Libet! Maghunos dili ka! Kalmahin mo ang iyong sarili." saway ko sa kanya nang akmang magsasalita sya ngunit hindi maituloy dahil sa sobrang kapos sa hininga.

"Oo nga libet. Kumalma ka." pagsang-ayon ni flor hinaplos nya ang likod ni libet at binigyan ng baso ng tubig para kumalma.

"Salamat, Binibini." medyo kalmado ng sabi ni flor. Umupo sya sa tabi ni flor at duon kinalma ang sarili.

"Binibining Flor at Amara, sa tingin ko ay nasa panganib tayo!." malakas na bulalas nya. Mabilis akong tumayo at tinakpan ang bibig nya. Pahamak ang kadaldalan ng batang ito.

Inutusan namin syang lumabas para magmatyag sa paligid at mukang nakasagap ng balita ang babaita. Nasa kabilang kubo ang ilang mga kasama namin at siguradong wala pang alam ang mga iyon. Mahigit kumulang benting kababaihan ang sumama papunta rito. Nagkanya-kanya kaming daan, at hiwa-hiwalay na naglakbay para walang makahalata.

"Anong ibig mong sabihin?!" bulong ko sa kanya.

Inalis nya ang kamay ko sa bibig nya, napangiwi ako ng maramdamang may kaunting basa ang kamay ko. Kadiri, laway! Nakangiwi kung itinaas ang kamay ko at tinignan ang munting basa sa kamay ko. Gusto ko mang amoyin para makumpirma eh wag na baka makapatay ako ng maaga.

Way back 1897 Series 1: KatipuneraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon