XIV

486 25 0
                                    

KABANATA 14

"Nasan ako?!" napalunok ako sa kaba nang magising ako sa isang pamilyar na lugar. Inilibot ko ang paningin sa buong paligid. wala akong makita kundi mga puno, mga halamang bulaklak at isang balon.

"Balon.... Wishing will?!" naitanong ko sa sarili. Nanlalaki ang matang napahawak ako sa bibig ko ng hindi bumuka ang bibig ko pero narinig ko ang pag-echo ng boses ko sa buong paligid. "Anong nangyayari?!" kinakabahang tanong ko. Sa muling pagkakataon ay ganoon parin ang nangyari. Naririnig ko ang boses ko ngunit walang lumalabas na mga salita sa bibig ko.

Nagugulahan na ako. Nagpaikot- ikot ako sa kinatatayuan ko. Nasan ba ako? Bakit nandito ako? Gusto kong gumising sa bangungot na 'to. Kung panaginip man ito pero parang totoo ang lahat. Napapalunok ako habang pilit pinapakalma ang sarili, pinagpapawisan ako sa sobrang kaba. Malamig ang paligid pero hindi sapat para lamigin ka ng sobra. Napakapayapa, napakatahimik parang walang problema.

Inangat ko ang ulo at tumingin sa langit, tama may langit. Ngunit walang ulap tanging asul na kulay lang ang makikita. Maya-maya ay biglang lumakas ang hangin at tinatangay ang saya ng damit ko. Kakaibang kilabot ang hatid ng hangin na iyon. napalingon agad ako sa balon ng marinig ang malakas na pagtunog ng kampana. Panibagong takot ang naramdaman ko dahil sa tunog na iyon.

Mabilis na napaatras ako ng makitang kusang tumutunog ang kampana na nasa taas ng wishing well. Bumilis ang tibok ng puso ko na parang nakikipagkarerahan kay kamatayan.

'Patay na ba ako?!' wala sa sariling naitanong ko. Sa isip lamang iyon pero narinig ko kung pano mag-echo iyon sa paligid.

Walang tigil ang pagtunong ng nakakakilabot na tunog ng kampana. Kasabay ng paglakas ng hangin at pagsayaw ng mga puno sa hangin. Kung kanina ay payapa at tahimik ngayon ay naging nakakatakot at nakakakilabot na tunog ang maririnig. Napaupo ako at napatakip ng tenga dahil sa takot.
Naguguluhan ako. Kung totoong panaginip ito ay gusto ko ng magising.

Ilang minuto pa ay huminto ang nakakatakot na tunog, kasabay ng paghinto ng hangin. Dahan-dahan kong inangat ang tingin sa balon. Kinakabahan man ay nilakasan ko ang loob, hindi ako matatakotin pero sa mga nangyayari sakin nitong mga nakaraan ay nakakatakot na. Napaatras at napaupo ako ng tuluyan sa grass field ng makita ang isang muting ilaw.

'Amara....' tinig ng isang pamilyar na boses ang narinig ko. Agad na napalingon ako sa paligid ngunit walang tao. Ako lang at, wala sa sariling napapalunok ako habang marahang lumilingon sa balon kung nasan ang muting liwanag na hugis tao.

"Sino ka?!" gulat na tanong ko nang makita ang isang magandang babae na nakaupo sa palibot ng balon. Napatayo agad ako at napaatras sa takot.

"Wag kang matakot, Amara." mahinhin nitong sabi at umalis sa pagkakaupo sa balon. Agad na napaatras ako ng humakbang sya palapit. maging sya ay hindi bumuka ang bibig ngunit naririnig ko!.

"Wag kang lalapit." pagbabanta ko sa kanya. Mabilis kong pinagkrus ang daliri ko dahil baka masamang espiritu sya. Ngunit ngumiti lang sya at lumapit pa.

"Ang sabi ko ay wag kang matakot, Amara. Hindi kita sasaktan." nakangiting sabi nito. Wala sa sariling naibaba ko ang kamay ko at napatitig sa maganda nyang muka.

"Si-sino ho ba kayo?!" wala sa sariling naitanong ko. Kinakabahan parin ako sa kanya kahit maganda at marangya ang long gown na suot nya ay hindi ko parin sya kilala. White long gown na may kakaibang desenyo na di ko mawari ang suot nya. Parang isang diwata.

"Ako?!..." nakangiting sagot nito. Huminto sya sa tapat ko at inilahad ang palad. "Ako. Ako si Amos..." nakangiting sabi nito. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa palad nya at sa kanya. "Hawakan mo." pag-uudyuk nya sakin. Nagda-dalawang isip ako pero wala rin namang mawawala kung susubukan ko, siguro. nanginginig kong itinaas ang kamay ko at ipinatong sa palad nya.

Way back 1897 Series 1: KatipuneraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon