"Ambrosio!"
Pagkahalong takot, awa at galit ang naramdaman ko nang unti-unting lumuluhod ang lalaki na siya lang ang nakikita ko. Kasabay ng unti-unting niyang pagluhod ay pagsuka niya ng dugo. Buong damit niya ay nababahiran na ng sarili niyang dugo. Bumagsak nang tuluyan ang katawan niya at wala akong nagawa, kahit ang malapitan siya ay hindi ko nagawa.
"Lara!"
Isang tinig ng babae ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Agad akong napabalikwas ng bangon dahil sa sigaw ni Irene. Hawak niya ang balikat ko habang nakaupo paharap sa akin. Puno nang pag-aalala ang mga mata habang nakatingin sa akin. Napalunok ako habang pilit na kinakalma ang sarili.
"Arene, umiiyak ka na naman," magkahalong lungkot at pagtataka niyang sabi.
Napakunot ang nuo ko sa sinabi niya. Takang napahawak ako sa magkabilang pisnge ko. Meron ngang mga luha, agad ko iyong pinunasan bago pilit na ngumiti sa kaniya.
"Ayos lang ako, nanaginip lang. A worst nightmare na laging dumadalaw pagnatutulog ako." Pilit na ngiti ang ipinakita ko.
Tumingin siya sa akin na parang nawe-weirdohan sa kinikilos ko. Binalewa ko iyon at humiga ulit. Hanggang ngayon ay tulog pa rin ang mga kasama namin. Mabuti na nga lang at tulog mantika ang mga kasama ko. Ayoko na nakikita nila na nagkakaganito ako. Ako mismo nagtataka sa mga nangyayari sa akin paano pa kaya sila.
"Tulog ka na, I just woke up because naiihi ako... Anyway, pabalik na ako sa bed nang marinig ko ang paghikbi mo." Nakakunot-nuong sabi nito. Nakatingin siya sa akin at may nagtatanong na tingin.
Sumimangot ako sa paraan niya ng pagtingin. Umiwas naman siya ng tingin nang makita niya ang reaksyon ko. I actually don't like it when someone is trying to get some deeper topic with me. I asked her kung anong oras na, praying na sana ma-divert ang topic na gusto niyang buksan. Napalingon ako sa bintana at nakitang wala pang tumatagos na liwanag mula roon. Hindi pa ganoon kaliwanag sa labas.
"5:30 pa lang ng umaga... inaantok pa ako matulog na tayo," sabi nito sabay higa sa tabi ko.
Tumango ako bago umayos nang paghiga. Napatitig ako sa kisame. Nawala na ang antok ko. Marami na namang tanong ang gumugulo sa isip ko. Tanong na nadadagdagan pero hindi ko alam kung kailan masasakot o masasakot pa ba.
"Arene..." mahinang tawag ni Irene sa pangalan ko, pero sapat para marinig ko. I just create a ahm sound to respond to her call. "Kaibigan ka namin hindi ba?!" seryosong tanong nito.
Bigla ay nagtaka ako sa tanong niya. May gusto siyang alamin tungkol sa nangyayari sa buhay ko. I know her, I know how she provoked someone. Nagtataka akong umayos ako nang higa paharap sa kanya. Nakaharap na pala siya at ginawang unan ang braso niya. We are now facing each other while having a staring contest. Magdi-dikit na ang mga kilay ko sa ginagawa niyang pagtitig. Napabuntong-hininga ako at sumagot ako ng oo sa tanong niya. Ano kayang nasa isip ng bruha na 'to?
"Bakit hindi mo sinasabi sa amin ang problema mo?!" Naghahamon na tanong niya.
Nagkatitigan kami ulit. Parehas kaming kalmado, no one's dare to raise a voice. Nakakunot ang nuo ko samantalang siya ay nakataas ang isang kilay niya. Ito ang isa sa hinahangaan ko sa pagkakaibigan namin, walang plastikan. Kung ano ang nasa isip namin at ang totoong kami ang ipinapakita namin. Napabuntong-hininga ako bago umayos ng higa at tumitig sa kisame.
"Well, I don't know, Irene. Hindi ko rin alam... hindi ko alam kung ano ang mali sa akin.... kung anong problema, kung ano ba talaga ang problema ko," pagod na sabi ko habang nanatiling naka-tingin sa kisame.
"Anong ibig mong sabihin?!"
"Nagugulohan rin ako."
"Ayaw mo lang sabihin," mataray na sabi niya. Naramdaman ko ang masamang tingin nito kaya napabuntong hininga ako.
BINABASA MO ANG
Way back 1897 Series 1: Katipunera
Historical FictionShe's a college girl who dream to be a successful journalist, and she can do everything for her dreams that lead her to find out her past life She didn't expect that she's a reincarnated women, way back 1897 where every Filipinos fighting for our fr...
