Epilogue

1K 41 13
                                    

The last. Don't forget to vote and follow my account for my upcoming stories. Next na po ang story ni IRENE!❤️

Way back to you

Its been a month since the last time I came here with my friends. I thought I would never have the courage to come back here. after all that has happened, who would have thought that I could survive . I'm here in front of the church. Ang simbahan kung saan nangako kaming dalawa ni Ambrosio. At sana ang susunod naming pangako ay pangakong panghabang buhay na....

"Jutay!" pagtawag ko sa lalaking kanina pa kuha ng kuha ng litrato. Lumingon sya na may masamang tingin. Nakamulsang lumapit sya sakin habang nakasabit ang camera nya sa leeg.

"Flat, ano na naman ba ang pumasok sa isip mo at isinisigaw mo ang palayaw na yan?" sumingkit ang tingin nito at tinaasan ako ng kilay.

Napakalayo nya sa Ambrosio na nakilala ko sa panahon ng mga kastila, pero kahit ganon mahal ko parin sya. Hindi na mababago yun, kahit mag-iba pa ang anyo nya.

Nagugutom na kasi ako kaya naman tinawag ko sya. Kasama namin ang mga kaibigan namin papunta rito sa Cavite. Ang kaso nagkanya-kanya sila para daw magkatime kami ni Jutay. Palibhasa sa ilang buwan na, simula ng makabalik ako, ilan sa kanila ang nagkaruon ng lovelife.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na malaki 'to. So stop calling me Jutay." seryosong sabi nya saka pinagkruss ang kamay sa tapat ng dibdib nya.

"Hangga't di ko nakikita hindi ako maniniwala." nakangising sagot ko. Nanlaki ang mata nya at tumalikod bigla. Problema nito? Napansin ko ang pamumula ng leeg nya, maging ang tenga nya. "Jutay, anyare?" lumapit ako sa kanya pero nag-iwas sya ng tingin.

Madalas hindi ko sya maintindihan. Pilya talaga ako pag nasa mood pero sya para syang laging constipated, parang laging kinakabahan na iwan. Pagtinatanong ko naman, kung ano ang problema hindi magsasabi, puro wala.

"Tara na, sabi mo gutom ka na." mahinang sabi nya.

Nagtatakang napatingin ako sa kanya. Hinawakan nya ang kamay ko pero hindi parin tumitingin sakin. May nasabi na naman ba akong masama? Bakit nagkakaganto ang isang 'to?

Marahan nya akong inakay papasok ng sasakyan. Muntik na syang makabangga ng tao dahil nakayuko sya. Hinayaan ko na lang sya sa trip nya. Nang makapasok ako sa kotse nya ay inabot sya ng minuto bago pumasok sa driver seat. Namumula parin sya pero hindi na ganun kalala kesa kanina.

Tinawag ko sya sa callsign namin bago tinanong kung may problema ba. Lumingon sya sakin at umiling bago nya inis-start ang sasakyan. Oh diba, tinatanong ng maayos hindi naman sumasagot ng maayos.

Malapit lang ang kainan na pinuntahan namin, pwede ngang lakarin eh. Iwan ko ba dito nagsayang pa ng gas. Lutang na lutang sya to the point na limang bahay lang ang layo ng karideryang kakainan namin eh nagkotse pa sya.

Tahimik lang ako habang sa makarating kami sa kariderya. Hinayaan ko syang umorder bago umupo sa harap ko. Pinagmamasdan ko lang sya, sya naman ang iwas ng iwas ng tingin. Hanggang sa makakain kami at hanggang sa makatapos sa pagkain ganun parin sya. Pumasok ulit kami sa kotse, hinintay ko syang umikot at pumasok sa driver seat.

"Ehem, love. Magsabi ka nga? May tinatago ka ba sakin?" natigilan sya sa akmang pagpihit ng susi. Gulat na napatingin sya sakin. Napalunok sya, nakita ko pa ang pagtaas baba ng adams apple nyo.

"Wala naman." halata ang kaba sa boses nya.

"Isa.. dalawa.. tat-"

"Fine, its your fault. Hindi mo ba alam na nakaka turn-on sa lalaki ang sinabi mo. You should be careful. Pano kung walang control sa sarili nya ang lalaking nasabihan mo ng ganun?" mababang ang boses ang gamit nya pero naruon parin ang frustration at pagpipigil.

Way back 1897 Series 1: KatipuneraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon