XV

494 24 1
                                    

KABANATA 15

"Binibining Amara, sa tingin nyo ay marami ang mapapasang-ayon natin na umanip sa ating pangkat?!" mababang boses na tanong ni Libet. hindi sya huminto sya pagsuklay ng buhok ko habang itinatanong iyon.

'Sana... sana nga!' nag-aalinlangan akong sumagot. Gusto ko pero mahirap, ayon sa nabasa ko ay naging magulo ang gobyerno o samahan ng presidente kaya naman naging mahirap para sa mga heneral na kumuha ng mga bagong miyembro dahil maraming naniwala na magiging palpak ang kilosan.

"Sana nga." naisatinig ko. napatitig ako sa sarili kung repleksyon. muling naglakbay ang isip ko sa mga pangamba at alalahanin. maging ang panaginip ko kanina-nina lang ay nadaan ko.

Ayon kay Amos ay hindi dayuhan ang papatay sakin. Maaaring kakapi o kasapi sa kilosan. Ngunit anong dahilan nya may nagawa ba akong hindi tama sa panahon na ito.

Madilim pa sa labas ng ayain kung umalis na kami ni Libet. mabuti ng walang nakakita samin sa daan. maingat ang naging paglakad ko upang hindi makalikha ng ano mang ingay. nasa likuran ko lamang si Libet na ganoon rin ang ginagawa.

Nagustohan ko ang suot ko ngayon dahil hindi naging marangya tignan at hindi mabigat sa katawan. hindi tulad noong mga nakaraan na mabibigat at magaganda ang tela.

Naging maingat kami hanggang sa pagbaba sa hagdan. Si Libet ang nagbukas ng malaking double door. syembre ay isa lang ang binuksan nya at hinayaan lang ang isa na sirado. Nagpalinga-linga ako sa paligid dahil mabuti na ang sigurado.

Naging malamig ang hangin dahilan kung bakit napayakap ako sa sarili. Nanguna sa paglalakad si Libet. Malapit na kami sa pinakakalsada ng mapansin ko ang isang kalesa sa di kalayuan, may sakay itong isang lalaki. Agad kong hinila si Libet at nagtago sa halamanan.

"Binibini, hindi kaya sya ang susundo sa atin?!" pabulong na tanong ni Libet ng mapagtanto nya kung anong tinitignan ko.

"Ngunit walang sinabi sa liham." agad na pagkontra ko. Hindi ba dapat ay hindi basta basta magtiwala.

"Binibini, walang nakakaalam ng gagawin natin kundi ang miyembro lamang ng samahan!" pagpupumilit nya. Sinamaan ko sya ng tingin bago tinignang muli ang kalesa.

"Tama ka.. pero kailangan parin nating mag-ingat." seryosong sagot ko. Kung totoong may susundo samin ay bakit walang isinulat sa liham.

"Sigurado ako, at para mapanatag ka ay ako na mismo ang lalapit duon." matapang na sagot nito. tumayo agad sya at hindi nagdalawang-isip na maglakad palapit sa kalesa.

Halos tumakas ang dugo ko sa kaba. hindi ba dapat ay mangangabayo na lamang kami. Hindi dapat sya basta-basta na lamang naglalakad. Ang alam ko ay maraming naging traydor sa bayan.

"Naku, naku, Libet. Sandali libet!" natataranta kong tawag sa kanya pero hindi sya nakinig.

Napipilitang tumayo ako at lumabas sa pinagtataguan. Mabilis ko syang sinundan. Hawak-hawak ang laylayan ng saya ko ay tumakbo ako kahit pa paika-ika dahil sa hindi ako komportable sa sapin sa paa.

Nakita kong nakalapit na sya sa kalesa at kinakausap ang lalaking nakasakay sa kabayo. Huminto ako sa tapat nya at napahawak sa mga tuhod ko. Hinihingal akong napabulong sa hangin.

"Nakakaloka naman ang babaeng 'to." kapos ang hiningang bulong ko.

"Maraming salamat, Juancio." rinig kong sabi ni Libet. Napatingin ako sa kanya na syang sabay na tumingin rin sakin. "Binibini, sya nga ang pinadala ni Binibining Flor. Halika na, hindi na tayo mahirapan sa pangangabayo papunta ruon." nakangiting sabi nya. Napipilitang ngumiti ako at tumango. Umayos ako ng tayo at malakas na bumuntong hininga.

Way back 1897 Series 1: KatipuneraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon