XXXIII

310 18 0
                                    

KABANATA 33

Mabilis na nagdaan ang araw, dumating ang mga amerikano. Nagpasimula ng labanan, kumilos rin ang kilosan alin sunod sa pinunong aming kinikilala. Lumakas ang puwersa ng mga amerikano at nagdagdag pa ng mga sundalo.

Nakumbinsi ko si flor, gaya ng mga naunang labanan ay lagi akong may dahilan kay ina. Pumayag sya ngunit pagdating parin sa pakikipaglaban ay humahadlang sya. Nitong mga nakaraang araw ay si ambrosio ang madalas kong dahilan. Ngunit hindi gaya ngayon na talagang magkikita kami.

Hindi na ako nagpaalam pa kay ina dahil alam nyang aalis ako ngayon. Magdadapit hapon na kaya naman hindi na ganun kainit ang araw, sumakay ako ng kalesa. Akmang magsasalita ako para makaalis na ng makita ko si juancio sakay ng kabayo. Huminto ito sa harap namin kaya naman hindi rin kami makakaalis. Bumaba si juancio at inilahad ang kamay sa akin. Wala na sya sa mga pinaghihinalaan ko. Kaya naman wala akong takot na inabot ko ang kamay nya. Inalalayan nya ako sa pagbaba.

"Ano't naparito ka, juancio?" takang tanong ko. Umayos ako ng tayo maging sya sa harapan ko.

"Nais pong iparating ni ginoong ambrosio na hindi sya makakarating sa pinagusapan nyo." buong galang na turan ni juancio. Napakunot ang nuo ko. Bakit kaya?. may hindi ba sya sinasabi sakin?. alam ko na hindi dahil sa digmaang nagaganap ang pinagkakaabalahan nya.

"May ideya ka ba kung bakit?" nawawalan ng pag-asang tanong ko.

"Ayoko man pong makielam, ngunit sa tingin ay dahil sa magulang nya. Matapos po ng mga nangyari ay kay ginoong ambrosio na ako nagtrabaho at sa tingin ko po ay may problema ang kanyang magulang sa inyo." nagaalinlangan na sagot ni juancio. Natigilan ako sandali. Ilang beses akong kumurap bago tumango kay juancio.

"Iyon lamang ba?." wala pa rin ako sa sarili. Tumango si juancio at nagpaalam na. Ilang minuto akong natulala sa kinatatayuan ko bago ko hinarap ang tao na nakasakay sa kabayo. "Manong, pasensya na po. Hindi na po tayo aalis." iyon lamang at pumasok na ako sa loob.

Dumeretsyo ako sa loob ng aking kwarto. Naguguluhan ako, naiinis, nasasaktan at higit sa lahat nagtatampo pero alam ko naman na walang susuyo kaya wag na lang. Naiinis ako sa kanya dahil wala syang sinasabi sakin.

Dapat ko bang pagkatiwalaan si juancio sa sinabi nya?. totoo kaya na may problema ang magulang ni ambrosio sa akin?. ayaw kaya nila sakin?. dapat na ba akong matakot?. bakit kailangan nyang magtago sakin?. bakit hindi nya sinabi?.

Inabala ko ang sarili sa pagbabasa ng mga liham ni ambrosio. Hindi na rin ako maaaring lumabas pa dahil alam ko na alam na ni inang bumalik na ako. Hindi ko maidadahilan ang pagkikita namin ni ambrosio.

Ang sabi sa sulat nya. Akala ko ay kapalaran ang ating kalaban, Ngunit maging ang buong mundo ay sumasang-ayon na sa kapalaran. Ang tinutukoy nyang mundo ay ang mga magulang nya. ano pa bang magagawa ko?. pambihirang lovestory ko, sobrang tragic. Kamusta kaya ang wakas ng kwento namin.

Hindi kaya ang mga magulang ni ambrosio ang dahilan ng pagkamatay ko?.

Niligpit ko ang lahat ng sulat ni ambrosio at inilagay iyon sa isang amparador, dito ko inilalagay lahat ng mga natatanggap ko mula sa kanya maging sa ibang tao. Nag-ayos na ako para makatulog, habang ginagawa ko ang pagbibihis ng mas komportableng suot ay hindi mawala sa isip ko ang mga magulang ni ambrosio. Tanging si ambrosio ang makakasagot ng nito.

Ilan na lamang silang pinaghihinalaan ko. Tanging si heneral prico at tessa na lamang ang nasa listahan. Pero dahil sa ginagawang pagbabantay sa bawat kilos ko ni heneral cornelio ay pinaghihinalaan ko na rin sya. Kung bakit kasi hindi ko na itanong kay libet ang katauhan ni heneral cornelio at ang kapatid nito. Noon pa man ay pansin ko na ang mainit na ulo ng magkapatid na iyon sakin.

Way back 1897 Series 1: KatipuneraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon