VII

864 48 7
                                    

  KABANATA 7

“Inaa!” sigaw ng isang batang paslit. Walang magawa para sa ina na hinihila sa buhok ang ina ng isang sundalo papasok sa kubo na tinitirahan nila. Walang magawa ang bata kundi ang umiyak habang ginagahasa ang kanyang ina sa loob ng bahay.

Isang senaryo na nakapagpaiyak kay Arene habang nakahiga sa kama. Wala syang kaalam-alam na unti-unti ay muli na namang bumabalik ang kanyang kaluluwa sa panahon ng pananakop ng mga kastila at amerikano. Nakatayo lamang sya sa bakuran at walang magawa para sa mag-ina.

‘Noooo!’ napasigaw na lamang sya sa isip habang pinapanuod ang batang umiiyak at pinapakinggan ang sigaw ng isang ina sa loob ng kubo.

Muli na naman nyang sinubukang humakbang ngunit nabigo sya. Agad syang napatingin sa likod nya nang marining ang sunod-sunod na yapak. Nakita nya ang mga kalalakihan na may mga armas. Dahan-dahang lumakad ang mga kalalakihan habang nakatutok ang mga baril sa tinaraanan. Napatingin sya sa bata at sa hindi inaasahan ay nakabalik sya sa kasalukuyan.

‘Anong nangyari?!’ napabangon sya ng bumalik sya sa kasalukuyan. Naramdaman nya ang pagtulo ng mga luha sa kanyang mga mata kaya, agad nyang hinawakan ang pisngi at nakita nya nga ang mga butil ng luha.

‘Ano bang nangyayari?!’ kinakabahan nyang inilibot ang paningin sa kwarto. Walang batang umiiyak, walang ina, sundalo na pilit na ginagahasa ang babae, at wala ang mga kalalakihan na puno ng mga armas. Bigla ay naalala nya ang muka ng isa sa mga sundalo na nangunguna sa pagpasok sa bakuran ng kubo.

“Sya, sya yung lalaki sa baba! Sa picture frame! Shit!” mabilis nyang kinuha ang cellphone. Sumilip muna sya sa pinto ng masigurong wala ang mga kaibigan nya ay dahan-dahan syang bumaba sa hagdan. ‘hindi ako pwede magkamali sya ang lalaking yun’ kinakabahan sya sa mga nangyayari at desperada na syang malaman ang puno’t dulo ng mga kababalaghang nangyayari sa kanya.

“Irene, alam kung may alam ka kahit papaano sa mga nangyayari kay Arene” napahinto sa pagbaba si Arene nang marinig ang usapan ng mga kaibigan. Kinakabahan sya sa maaaring sabihin ni Irene sa tanong ni Ali.

“P-paano mo naman nasabi, Ali?!” ramdam nya ang tensyon at kaba sa boses ni Irene.

“I heard you and Arene talking, this early in the morning, sa sobrang puyat, hindi ko na rin nasundan at pinakinggan ang usapan nyo.” seryosong tura ni Ali.

Nasa sala set ang magkakaibigan. Si Jena at Rene na nakaupo sa sahig. Si Ali at Irene na nakaupo sa sofa at malapit lang sa isat-isa.

“I-its just a r-random stuff. Yeah, right a random stuff.” kinakabahan na sagot ni Irene at napaiwas ng tingin. Di rin nya namamalayan ang pagtaas baba ng tapak ng kanyang paa sa sahig dahil sa kaba.

‘Arghh, Irene. Your not a good liar, either acting and hiding something.’ kinakabahan na pagkausap sa sarili ni Arene gamit ang isip nya.

“Not a good liar, Irene” sabi ni Ali. Mahihimigan ang pagkasarkastiko nito sa boses. Tumaas ang sulok ng labi ni Ali at humiga sa sofa na kinauupuan nito. Alam nyang ano man oras ay di rin matitiis ni Irene na hindi magsalita lalo pa’t buking na sya.

Napabuntong hininga si Arene saka dahan-dahang bumaba ng hagdan.

“Stop the interogation, Ali.” napatayo ang apat habang bumababa si Arene. Nagiisip ng pwedeng paraan para makatakas sa mga tanong at nagaalalang tingin ng mga kaibigan.

Napabuntong hininga si Ali dahil alam nyang magsisinungaling na naman si Arene. “tsk, bahala kayo.” inis na sabi ni Ali. Umupo ulit at nagpanggap na tulog.

Lumapit si Arene kay Irene at sabay-sabay silang na umupo. Napabuntong hininga sya bago umayos ng upo.

Tinawag nya si Irene at binigyan ng isang makahulugang tingin na agad naman nitong naintindihan. “Guys, I’m sorry…. kung madalas hindi ako nagsasabi ng problems ko. I don’t have any intention to put any boundaries to our friendship by keeping my problem to myself.” napabuntong hininga si Ali at umayos ng upo.

Way back 1897 Series 1: KatipuneraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon