KABANATA 18
"Hanggang ngayon ay hindi parin sya nagigising, Doc. Ano po ba talaga ang totoong kalagayan ng anak ko? Mag-dadalawang linggo na simula ng magkaganito sya!" rinig ko ang pag-iyak ni mom.
Nagising ako at boses agad ni Mommy ang narinig ko. Mapapansin ang sobrang pag-aalala nya kaya sinubukan kong imulay ang mga mata ko at magsalita man lang para malaman nyang maayos ako pero nabigo ako. Nang sinubukan kong gumalaw ay bulto-bultong kuryente ang dumaloy sa katawan ko dahilan para mapatigil ako, kumikirot rin ang ulo ko.
"Pansensya na Mrs. Romez, pero kahit kami ay hindi maipaliwanag ang nangyayari sa anak mo. Nasa hospital na ito ang isa sa pinakamagaling na doctor. Kompleto rin ang mga kagamitan namin sa hospital na ito. Ginawa na rin namin ang mga test na sa tingin namin ay maaaring makatulong sa kaso nya, but those test always give us one result. Walang problema, walang mali at maayos ang bata." mahinahon na sagot ng doctor kay mom.
Muli kong narinig ang n
pag-iyak ni Mommy. Nakonsensya ako sa perwisyong nadulot ko sa kanya. Puro na lang alalahanin ang lagi kong naibibigay sa kanya."Hon, tahan na." it was dad. For sure ay nag-aalala na rin si daddy sakin. "Doc. Wala ba kayong kahit na anong magagawa para sa anak ko?!" mahinahon na tanong ni dad. Narinig ko ang isang buntong hininga bago magsalita ang doctor.
"Sa ngayon ay may ginagawa kaming test kay, Arene. Meron kaming tinitignan na maaaring malaman natin ang totoong kalagayan ng bata. Sa ngayon ay ginagawa namin ang lahat ng magagawa namin para maging maayos ang lagay ng pasyente." naging sagot ng doctor.
Gusto kong sumigaw na ok na ako, Mommy. Nakabalik na ako, nandito na ako Mommy. Nakabalik na nga ako pero parang wala ring kwenta ang kaya ko lang gawin ay makinig.
"Salamat, Doc." rinig kong sabi ni Daddy. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto, sign na lumabas na ang doctor. "Hon..." pabulong na tawag ni Dad kay Mommy. Naririnig ko parin ang pagsinghot-singhot ni Mommy. "Umiiyak ka na naman, magiging maayos rin Arene."
"How can you be so sure, hon? Even the doctors here! Can't even explain the situation of our daughter!" pasigaw na sabi ni mommy.
'Mom, i'm sorry.' sobrang bigat ng pakiramdam ko. Hindi ko kayang nakikita at naririnig na umiiyak si Mommy, kasalanan ko lahat ng ito.
"We can't do anything but to trust god." Daddy is always be the best, matapang pero may takot sa diyos.
Narinig ko ang paglakas ng iyak ni mommy. Kung bakit kasi hindi ko magawang imulat ang mga mata ko o igalaw man lang ang katawan, kahit mga kamay ko lang. Basta maipakita ko lang kela Mommy na ok na ako. I'm fine and i'm back.
"Hindi ko maiwasan na isipin na baka tama si Ali." naiiyak na sabi ni Mom.
"Hon, ikaw na mismo ang nagsabi impossible." agad na tutol ni dad.
"Hon, hindi kayang ipaliwanag ng doctor ang nangyayari sa anak natin. Malay natin may hindi kayang ipaliwanag ng sensya ang nangyayari kay Arene!".sumigaw na naman si mom, mukang ako pa ang magiging dahilan ng pag-aaway nila. Minsan na nga lang kami makompleto, sa ganitong sitwasyon pa.
Sila Ali? Ang mga sinasabi nila Irene! Sila Ali ang makakatulong kela mom, tama ang lahat ng mga haka-haka ni Irene. Kilala ko ang mga kaibigan ko, kung totoong nasabi na nila kay Mommy ang mga hinala nila. For sure gagawa sila ng paraan para mapatunayan ito.
"Anong gusto mong gawin natin?.... lumapit sa albolaryo, sa pari o sa paranormal expert?!" rinig kong hindi makapaniwalang sabi ni daddy. I'm sure it was mom who sigh. Sino ba naman kasi ang maniniwala sa mga ganong bagay? Lalo na generation ngayon.
BINABASA MO ANG
Way back 1897 Series 1: Katipunera
Ficção HistóricaShe's a college girl who dream to be a successful journalist, and she can do everything for her dreams that lead her to find out her past life She didn't expect that she's a reincarnated women, way back 1897 where every Filipinos fighting for our fr...