XIX

367 16 4
                                    

KABANATA 19

Nasa loob na ako ng kwarto. tulala habang nakaupo sa gilid ng kama. iniisip ko ang nakita ko kanina, naaawa ako kay juancio. nagmahal lamang sya, gusto nya lang ay mabuhay ng payapa, kasama ang taong mahal nya. wala ako sa lugar para makialam pa sa kanila pero inaalala ko ang bata.

Napabuntong-hininga na lamang ako. hindi ko na itinuloy ang pagkuha ng gasera maging ang pagkuha sa first-aid kit nila. haytss sakit nila sa head at heart. humiga na lamang ulit ako ng patalikod para hindi malagyan ng dugo ang kama ko. sigurado ako na bumuka ang sugat ko kanina ang bumagsak ako dahil sa gulat.

Napabuntong-hininga na naman ako habang nakahiga sa kama. nag-aalala talaga ako sa kalagayan ni libet, mukang desidido sya sa mga plano nya.

Flashback

"Maglalakad tayo binibini hanggang maynila!" hindi makapaniwalang sabi ni libet. Pinisil ko ang kamay nya kaya napatingin ako sya sa akin. Ano bang nangyayari sa batang ito. Nakikita ko ang pangamba at takot sa mga mata nya. Yumuko sya at nakita ko ang paghawak ng isa nyang kamay sa kanyang tiyan. Mabilis akong nilukob ng kaba, imposible ang nasa isip ko. Agad kung pinilig ang aking ulo at napatingin ng mabuti kay libet.

End of flashback.

"Nagaalala rin sya..." mahinang turan ko. napabuga ako ng hangin dahilan para dumaloy ang kirot sa likod ko. Arghh kainis wala na talagang pag-asa ang sugat na ito.

'Biktima ng pagkakataon, biktima ng panahon. bakit kung kailan seryoso ang mga tao na magmahal, sila pa ang pinagkakaitan ng kapalaraan Ang daya ng mundo, ang daya-daya.' naramdaman ko ang pagpatak ng putil ng luha sa mga pisngi ko. maraming mga katanongan sa isipan ko na napahirap sagutin, o baka wala naman talagang sagot, kasi talagang madaya lang talaga ang mundo.

"Jusmeyo por dos san tesema, amara." nagising ako sa lakas ng boses ni ina. "Libet, Amado!." sigaw ni ina. narinig ko ang ilang sunod-sunod na yapak palapit sa kwarto.

"Jusmiyo, anak!" Rinig kung bulalas ni ama. anong bang nangyayari sa kanila.

"Binibining Amara!" sigaw rin ni libet. ayy bahala kayo, basta ako ay matutulog pa.

"Ang mga gamot, libet!" rinig kung muling sigaw ni ina. arghh pano ako makakatulog ng maayos kung panay ang sigaw nila. naramdaman ko ang paglubog ng kama malapit sa paanan ko. "Ano ba ang nangyayari sa anak natin amado" rinig kung naiiiyak na sabi ni ina.

"Wag kang magalala mahal ko. nagdurugo lang ang kanyang sugat dahil sa kanyang paggalaw." mahinahon na sagot ni ama.

"Heto ang gamot doñia alvira". rinig kung sabi ni libet. naramdaman ko ang paggalaw sa kama.

"Sa tingin ko ay kailangan ko ng umalis, tawagin mo na lamang ako pagmay kailangan ka" rinig sabi ni ama kasunod ng pagsara ng pinto.

Gumalaw ang hinihigaan ko at naramdaman ko ang paghawak ni ina sa sugat ko. mukang nakita ni ina ang dugo sa damit ko kaya sila nagsisigaw. napangiwi ako dahil sa sakit, dinadalaw na naman ako ng antok. hinayaan ko ang sariling lamunin ng antok, para na rin hindi ko maramdaman ang sakit ng sugat ko habang ginagamot ni ina.

Nagising ako ng maayos na ang pakiramdam. ramdam ko ang ihip ng hangin na pumapasok sa kwarto. napamulat ako ng mata ng bumukas ang pinto. tumingin ako rito at nakitang likod ni ina. narinig ko rin ang boses ni ambrosio. agad akong pumikit at nagpanggap na tulog.

"Sa tingin namin ay nagising na sya. maiwan na muna kita rito dahil may gagawin pa ako" rinig kung sabi ni ina bago muling nagsara ang pinto. naramdaman ko ang paglubog ng kama malapit sa paanan ko marahil ay duon umupo na si ambrosio.

"Alam kung gising ka, bakit kailangan mo pang magpanggap?!" natatawang tanong nya. dahan-dahan kung iminulat ang mga mata ko. punyemas pano nya nalamang gising ako. napangiwi ako ng makitang titig na titig sya sakin habang nakangiti.

Way back 1897 Series 1: KatipuneraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon