XX

321 22 0
                                    

KABANATA 20

Flor POV

Dinala ako sa isang piitan, na dalawang guwardiya sibil ang ang nagbabantay. Hanggang ngayon ay wala akong ideya kung bakit ako narito. May gumugulo sa akin na ilang mga katanungan, ngunit hindi ko mahanapan ng kasagutan. Isa lang ang sigurado ako at iyon ay dahil sa kasamaan ni Cornelio. Tiyak na gagawa si Cornelio ng paraan para makuha ang kanyang nais na syang ikinatatakot ko.

Nilibot ko ang paningin sa kabuoan ng piitan. Isang kama kung saan ako nakaupo, isang mesa na may dalawang bangko. Bakal na bintana sa aking harapan ngayon, na syang pinapasokan ng sariwang hangin. Dalawang maliit na kabinet, kung saan nakapatong ang dalawang gasera. Wala akong maaaring gawin para makatakas.

Muli akong nagbalik tanaw sa mga oras na sinabi ni Ina ang nais nyang ipakasal sa akin. Habang inaalala iyon ay hindi ko namalayan ang pagdalaw ng antok at nakatulog ako.

"Hindi sya ang nais kong pakasalan, ina....." agad na pagtutol ko sa nais ng aking mga magulang.

Nais nilang pakasalan ko si Heneral Cornelio upang maging ligtas kami sa kahit na anong nagaganap na labanan at kilosan. Gagamitin ako ng sarili kong mga magulang para sa aming kaligtasan. Hindi ako makakapayag. Isa lang ang nais kong pakasalan at iyon ay ang aking nobyo. Sagrado ang tingin ko sa kasal. At ang kasal ay para lamang sa taong nagmamahalan ng totoo.

"Gagawin mo ang nais ko, Flor!" pagalit na sabi ni Ina. Napaayos sya ng kanyang pagkakaupo sa aking harap. Nasa hapag-kainan kami upang mananghalian ngunit nawawalan na ako ng gana.

"Ina, kahit anong mangyari ay hindi ko papakasalan ang Heneral."

"Sinusuway mo ba talaga ang nais ko, Flor?" nagtitimping tanong ni Ina. Napaangat ako ng aking ulo at tinignan sya.

"Kung patuloy nyong ipipilit ang nais mo, Ina." umawang ang kanyang bibig sa gulat ngunit mabilis ring nakabawi at itinapon sa aking muka ang panyo, na kanina na nya pa hawak.

"Lumayas ka!.. Ang akala mo ba ang hindi ko alam ang tungkol sa inyo ng bastardong iyon?!.. Hah! Lumayas ka sa pamamahay ko-" napatayo ako ng makitang napahawak si Ina sa kanyang dibdib.

Wala si Ama sa bahay dahil sa kanyang tungkulin maging ang aking kapatid. Mabilis kong dinaluhan si Ina ngunit hinawi nya ang aking kamay. Naruon ang pagkamuhi sa kanyang mga mata. Hindi ko matanggap na ganito nila ako tratohin, sa kadahilan na isa lamang akong hamak na babae. Papatunayan kong may kaya rin akong gawin.

"Lumayas ka sa aking pamamahay, Flor." nanghihina nitong sabi. Hinawakan ko ang kanyang braso at inalalayan syang umupo. Mabuti at hindi na sya umangal pa.

Isang mahihinang daing ang nagpagising sa akin. Napabalikwas ako ng bangon at napatingin sa pinto ng aking piitan. Madilim na sa labas kaya mabilis akong nilukob ng kaba. Tanging ilaw ng buwan nagbibigay liwanag sa buong piitan. Maingat akong umalis sa aking higaan at marahang lumapit sa pinto ng aking piitan. Napaatras ako ang nang biglaang bumukas ang pinto, at pumasok ang isang babae na hindi ko mamukuan dahil sa kadiliman ng paligid.

"Flor, bilis! Umalis na tayo rito." nanlaki ang aking mata sa gulat nang marinig ang pamilyar na boses ni Amara. Mabilis syang lumapit sa akin at hinila ang aking kamay palabas ng piitan.

Nadaanan namin ang guwardiya na syang nagbabantay sa akin. Nakahandusay na ang mga ito sa lupa. Napatingin ako sa kamay ni Amara na nakahawak sa aking kamay bago nabaling ang tingin ko sa likod nya. Mag-isa lang ba syang magtungo rito? Kakaibang kaba ang bumalot sa akin dahil siguradong hindi lang ako ang maaaring pwedeng mapahamak kundi maging sya. Huminto sya sa isang pader kaya napahinto rin ako. Nagpalinga-linga sya sa paligid kaya ganoon rin ang ginawa ko. Laking gulat ko ng malaman na nasa bakuran kami ni Heneral Cornelio.

Way back 1897 Series 1: KatipuneraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon