VIII

709 45 3
                                    

KABANATA 8

Arene POV

Natulala ako sa bintana at nalunod sa malalim na pagiisip. Naguguluhan na ako sa mga nangyayari. Ayoko mang aminin pero parang tama ang teorya ni Irene. Saan mang anggulo tignan ay iyon parin ang nakikita kong dahilan ng lahat ng ito.

'Ang picture!' naalala ko ang picture na kinuhanan ko. Mabilis kong tinignan ang phone ko na kanina ko pa hawak. Mabuti na lang ay pinicturan ko yun kanina.

'Tama, tama.....' tama ang hinala ko na sya ang lalaki na nakita ko sa isip ko at ang lalaking nasa picture frame na nasa baba. Natulala ako ng ilang segundo sa maamong muka ng lalaki. Si Mr. Dimple, ang ganda kasi ng ngiti nya at kitang-kita ang dimple nya. Zinoom ko ang picture kung saan may nakasulat na pangalan at pirma. Saka ko lang napansin ang kaunting panginginig ng kamay ko, siguro ay dahil sa lamig.

'Alvaro Castillo.' pamilyang ng mga Castillo. Kung ganun kaano-ano nila si Manang Judi?. Sa pagkakaalam ko ay sya ang may ari ng bahay na ‘to. 'Isa rin ba syang Castillo?!'
Bigla ay nakaramdam ako ng taong nakatingin sakin. Pinilit kong alisin ang takot na namumuo sakin at palihim kong tinignan ang paligid gamit ang peripheral vision ko. Pero walang ibang tao bukod saming magkakaibigan. Haytss, guni-guni ko lang siguro.

'Hindi ito ang tamang oras para matakot, Arene!' pilit kong kinalma ang sarili. Ito ang tamang panahon para buksan ko ang kabinet habang tulog pa ang mga kasama ko.

Mabilis kong kinuha ang jacket ko sa maleta at sinuot iyon. Tinignan ko ulit sila Ali nang masigurong tulog na sila ay dahan-dahan akong bumaba dala-dala parin ang cellphone ko. Madilim na ang buong bahay, tangin ilaw sa labas at kabilugan ng buwan ang tangin nagbibigay liwanag sa buong bahay.

Nasa tapat na ako ng hagdan nang buksan ko ang flashlight ng phone ko. Kailangan kong labanan ang takot ko, hindi naman talaga ako takot sa dilim, multo o kahit anong kababalaghan pero iwan ko ba ngayon dati pa man di na ako naniniwala sa mga supernatural.

Nasa tapat na ako ng malaking salamin. At gaya kanina ay nag-iba na naman ang ayos ng kasuotan at buhok ko. Natulala ako sa ganda ng repleksyon na nakikita ko. Hindi katulad kanina na nagugulat pa ako ngayon parang natural na ang lahat. Naibaba ko ang cellphone at natulala sa sariling repleksyon ko.

Humakbang ako palapit sa salamin habang nakatitig parin sa sarili. Parang isa ako sa mga babae na nabuhay sa panahon ni Rizal, ang bayaning kinikilala ng lahat. Napangiti ako sa naisip pero naglaho rin ng mapagtanto ko ang anong ginagawa ko.

'Nababaliw na ako? Dapat naghahanap na ako ng solusyon sa problema ko!' pinilig ko ang ulo ko para alisin kung ano man ang kabaliwan na inisip ko. Napatingin ako sa mga litrato at kinuha ang isang picture frame. Itinapat ko ang ilaw ng cellphone ko sa litrato. Nakita ko ang kamuka ko, muka ko o kamuka ko, hindi ko alam.

'Amara, parang Arene na nabuhay noon.' napangiti ako sa naiisip parang ang gandang isipin kung totoo nga. 'Syemay, kabaliwan yun, Arene! Nakakatakot!' napukpok ko ang sarili dahil sa naisip. Binalik ko ang picture frame sa dating ayos at sunod na kinuha ang nasa kanang bahagi. Isang ginang na nakangiti at suot ang barot saya.

"Alvira Castillo..." mahinang basa ko sa ilalim na bahagi ng picture. Nakatutok duon ang ilaw ng cellphone ko. 'Siguro ay sya ang modra nila Amara at Alvaro dahil makikita ang pagkakamuka nila.' binaba ko ang litrato at sunod na kinuha ang isa pang picture frame sa kaliwang bahagi ng mesa.

'Amado Castillo.' isang may edad na lalaki ang nasa litrato pero kahit na may edad na ay mapapansin parin ang matipuno at magandang pangangatawan nito, maging ang kanyang muka na may bigote at balbas ay makikitaan parin ng kagwapuhan noong binata pa ito.

Way back 1897 Series 1: KatipuneraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon