XXVI

265 17 1
                                    

KABANATA 26

"Irene....." kumurap ako ng ilang beses para masiguro ang nakikita ko pero kahit na anong gawin ko ay muka parin ni irene ang nakikita ko.

Buhay sya sa panahon ko, maging sa panahon na 'to. Sinampal ko ang sarili para magising, pinigilan naman nya agad ang kamay ko na gawin ulit iyon. Nagtataka na sya sa ginagawa ko pati sa reaksyon ko, isa pa ay kilala nya ako. Kaibigan ko rin ba sya sa panahon na to?.

"Ano bang nangyayari sa iyo, amara?." napapitlag ako ng magsalita sya. Maging ang boses nya kuhang kuha, kakaiba sa pakiramdam. Nakakatakot na iwan, hindi ko maipaliwanag. Ilang minuto pa ang lumipas bago ako tumango.

"Ayos lang ako." napalunok ako ng ngumiti sya. 'Creepy.. parang ngumiti ang patay sayo.' inalalayan nya ako hanggang sa tapat ng kubo na inuukupa ko. Nakakatitig lang ako sa kanya at hindi umiimik.

"Narito na tayo ang mabuti pa ay magpahinga ka na, nagulat ka lang siguro sa pagdating ni juancio."

Hindi na nya pinatagal pa ang pag-uusap namin at umalis na rin agad sya. Sa tingin ko ay mas mataas ang katungkulan nya sa samahan. Ano kaya ang pangalan nya?, anong dahilan ng muling pagkabuhay nya?. wala ako sa sarili ng umakyat ako ng kubo. Humiga ulit ako sa kinahihigaan ko kanina, dahil sa kumot ay hindi masakit sa likod ang sahig.

Maraming nabuo sa palaisipan sa akin, ayoko mang sabihin ito ay maaaring isa si irene sa mga tao na sinasabi sa akin ni amos. Tama, pinaghihinalaan ko rin si irene, kahit alam ko na malabo iyon. Pero possible rin, dahil ang sabi ni amos ay nasa malapit lang sya, kakasabi lang nya na malapit na sya sa akin, at nakilala ko si irene. Hindi ko pwedeng malampasin iyon ng dahil lang sa kaibigan ko sya.

'Makinig ka amara.... nasa paligid lang ang kalaban, ang pumatay sa iyo, ang papatay sa inyo ni ambrosio.' iyon ang sabi ni amos, nasa paligid lang.

"Amara makinig ka." hinawakan ng dalawang kamay nya ang kamay ko. Nanghihina akong napatingin sa kanya. "nasa paligid mo ang kalaban. Hindi ang mga dayuhan. kamatayan mo ang magiging dahilan ng pagkawala ng iyong mga alaala ng nakaraan."

'Hindi dayuhan, kundi kaibigan...' hindi ko alam kung alin ang mas masakit. Ang sugat na galing sa kalaban o ang sugat ng pagtatraydor ng kaibigan. Pinusan ko ang luhang pumapatak sa gilid ng mata ko. Hindi, hindi pa ako nakakasiguro, ito na ang simula. Tama, nagsisimula lang ang totoong laban ko.

Nagdarasal lamang ako na sana ay hindi ang kaibigan ko na si irene. Wag si irene, ayoko na sya ang taong tinutukoy ni amos. Kailangan na maging handa ako sa totoong mangyayari, sa katotohanan.

Nakaidlip ako ng ilang oras, nagising na lamang ako na maliwanag na ang buong paligid. Patay na rin ang apoy ng gasera, maingat akong bumango ng marinig ko ang mga yapak ng tao sa loob ng kusina. Rinig na rinig iyon dahil sa katahimik sa labas, siguro ay tahimik parin na nagluluksa ang buong bayan.

Lumabas ako sa maliit na kwarto at nakita ko si irene na naglalapag ng plato sa mesa. Mabilis na dinalaw ako ng kaba, napalunok at kinalma ang sarili. Wala pa ako sa katotohanan, hindi dapat ako basta basta gumawa ng konklusyon sa utak ko, lalo na at kaibigan ko si irene.

"Hmm, magandang umaga." umangat ang tingin nya sa akin at ngumiti. Sinuklian ko rin iyon bago sya naglakad sa lababo. Bumalik syang hawak-hawak ng palayok.

"Halika ka na. Sigurado ako na gutom ka na." hinila nya ang upuan sa tabi nya bago sya umupo sa katabi nun. Wala na akong nagawa kundi ang lumapit at umupo sa upuang hinila nya.

"Salamat."

Tahimik lang kami habang kumakain, nagpasalamat ako para duon. Nanginginig pa ang mga kamay ko habang kumakain, sana lang ay hindi iyon napapansin ni irene. Ngunit ilang minuto lang ay binasag nya iyon, nais nyang sumama ako sa pagbalik nya sa maynila, nang sabihin nya na may mga kasama kami ay pumayag na ako. Ayoko rin naman umuwi ng magisa, siguradong maalala ko lamang si libet.

Way back 1897 Series 1: KatipuneraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon