KABANATA 21
"Libet may balita ka ba?" bungad na tanong ko kay libet pagkapasok na pagkapasok nya sa kwarto ko.
Inutusan ko syang maghanap ng balita tungkol sa nangyari kay flor at kung nasaan ngayon si binibinibing flor. Kailangan mailigtas ko sya, kung may magagawa ako ay gagawin ko.
"Ang sabi ni juancio ay dinala raw ni heneral cornelio si binibining flor sa piitan sa mismong tahanan nya."
"Anong ibig mong sabihin?!" takang tanong ko. Napakunot ang nuo ko dahil sa balita, hindi ba dapat ay diretso ito sa mismong piitan sa
"Iyon rin po ang ipinagtataka ko binibini, ang alam ko po ay dapat na si heneral cornelio ang mapapangawasa ni binibinig flor kaya malakas ang loob ko na may binabalak ang heneral cornelio." agad na nagtagpo ang dalawang kilay ko. Bakit parang masama ang pakiramdam ko rito, sa tingin ko ay may binabalak ang heneral.
"Hindi ba ang dinadala lang sa piitan ng bahay ni heneral cornelio ay mga taong hindi papatawan ng kamatayan o mapapalaya pa?!"
"Parang ganun na nga, binibini."
Mga kapwa nila espanyo at mayayamang angkan ang madalas na dinadala sa piitan na iyon. Mabilis ring pinapalaya dahil sa pera o posisyon na meron ang taong nakulong duon. Walang yaman o posisyon si flor, sa tingin ko ay dahil iyon sa nakaraan nila. Hindi kaya si flor parin ang mahal ni heneral kaya ganun, haytss pag-ibig nga naman.
"Kinagabihan ay umalis na ako kasama si juancio para magtungo sa bahay ng heneral. Mag-isa lang akong pumasok at naiwan si juancio medyo malayo sa tarangkahan upang mag-abang ng paglabas namin para narin mabilis kaming makaalis pagnaitakas ko nga si flor." pagkwento ko sa totoong nangyari. Umamin na rin ako dahil alam kung wala na akong kawala.
Maingat na umupo si papa sa tabi ko at inakbayan ako. tumingin ako sa kanya at nakita ang ngiti nya, mukang ipinagmamalaki nya ang nagawa ko, kaya napangiti na rin ako.
"Wag mong pansinin ang iyong ina, para sa akin ay napakagaling ng iyong ginawa." pabulong na sabi nito. tumango ako at naramdaman ang paghaplos nya sa buhok ko.
"Kayo talagang dalawa, hindi ko mawari kung sa akin ba talaga nagmana ang aking anak.... madalas mong kampihan ang batang iyan kaya nagkakaganyan." umayos kami ng upo ni papa ng magsimula na naman ang paninermon ni ina. 'Hindi ba sya napapagod?!'. parang gusto kung magkamot ng ulo dahil sa ingay nya.
"Ina, hindi ba parang mali na ang ginagawa nyong panenermon. dapat ay pinagpapahinga na ninyo ako." nakangiwing sabi ko habang nakayuko parin.
"Hanla sigi. magpahinga ka na pero hindi pa tayo tapos." huling sermon ni ina bago tuluyang umalis. nagkatinginan kami ni papa bago natawa, napa-apir na lang kami sa isat-isa. hayts mukang napagod din si mama kakasermon. makakapagpahinga narin sa wakas ang tenga ko.
"Sabi ko na nga ba at tutulungan mo ang binibining flor." maya-maya'y turan ni ama. napakunot ang nuo ko at nagtatakang tumingin sa kanya.
"Ano pong ibig nyong sabihin?!"
"Ako ang nagbigay ng impormasyon at tulong kay juancio"
"Oh!" gulat na reaksyon ko. papaanong nakapuslit ang ganoong impormasyon at tulong ni ama, gayong dapat ay dadaan sa kalaban ang mga ganoong kilos.
"Pinadalahan ko ng makakasama si flor, upang matiyak na sya'y makakarating ng ligtas sa paris, makakasama nya ang kuya mo."
"Papa-" agad nyang pinutol ang sasabihin ko.
"Alam ko ang nasa isip mo anak." napatango na lamang ako at umayos ng upo. umalis sya sa kama ko at kumaha ng bangko. inilagay nya iyon sa tabi ng kama ko at umupo ruon. "Hindi maganda ang paraan ng pamamalakad ng mga kastila sa ating bansa, alam mo iyan. marahas, malupit at hindi patas." napatango ako bilang pagsang-ayon
BINABASA MO ANG
Way back 1897 Series 1: Katipunera
Narrativa StoricaShe's a college girl who dream to be a successful journalist, and she can do everything for her dreams that lead her to find out her past life She didn't expect that she's a reincarnated women, way back 1897 where every Filipinos fighting for our fr...