XXXV

747 24 3
                                        

KABANATA 35

"Ambrosio....."

'Ambrosio, hihintayin kita. Nangako ka, hahanapin rin kita. Tuparin mo ang pangako mo.'

Hawak-hawak ko ang kamay ni Ambrosio. Ilang minuto akong nanatili sa posisyon ko at tahimik na umiiyak. Narinig ko ang ingay ng mga tuyong dahon na parang naapakan ng kung sino. Binalewa ko iyon sa pag-aakalang baka mga kasamahan lang namin sa labanan. Hindi ko inaasahan ang malakas na pagpukpok sa ulo ko, napahiga ako sa lupa habang hawak-hawak ang ulo ko.

"Dapat lang yan sa isang katulad mo..." galit na turan ng isang pamilyar na boses.

Nakabawi ako sa pagkakahilo. Nakita ko ang taong pumukpok sa ulo ko. Masama ang tingin nya sakin. May baril din syang nakasabit sa balikat nya. Sa tingin ko ay ito na, ito na ang araw na matagal ko ng hinihintay. Ang malaman ang taong nasa likod ng pagkamatay ko. Pero habang nakikita ko ang taong papatay sakin, isa lang ang nasa isip ko.

Anong dahilan nya? May nagawa ba akong kasalanan? Ganun ba kalaki ang kasalanan ko para humantong sa ganitong sitwasyon? Mababago ko pa ba ang nararamdaman nya sa kasalukuyan?

Hindi ko inaasahan na sa ganitong paraan nga talaga ako mamatay. Mas lalong hindi ko inaasahan ang taong papatay sakin. Sa dinami-dami ng tao sa mundo bakit ang mismong kaibigan ko? Bakit nga ba hindi ko sya nakilala? Dahil ba sa ayos nya? O sinadya ni Amos na hindi ko makilala ang kaibigan ko?

 Akmang tatayo ako. Kahit nahihilo pa ay pinilit ko parin. Pero hindi na ako nakatayo ng hampasin nya ulit ang ulo ko. 

"Mang-aagaw, impokreta, mamatay ka na!" rinig kong sigaw nya. Isang palo pa sa ulo ko ay nandidilim na ang paningin ko. "Inagaw mo sa akin ang taong mahal ko! At ngayon wala na sya, at iyon ay dahil sayo! Cumpliré tu deseo de estar con el! Se que eso es lo que quieres." 

Isang putok ng baril ang ingay na bumalot sa tenga ko. Unti-unti akong nanghihina. Hindi ko na kaya pa. Sa wakas makakabalik na rin ako. Sana lang ay hindi pa huli ang lahat.

'Naruon rin pala si Tessa para sumama sa labanan. Pero hindi para patayin ang mga kalaban kundi para patayin ang taong kinaiingitan nya, ang taong umagaw sa taong mahal nya, at ako yun....'

Kakaibang liwanag ang tumama sakin. Sumasakit ang mata ko, sobrang hapdi. Hindi ko magalaw ang katawan ko. 'Sleep paralysis again.' I tried to relax myself. Unti-unti ay nararamdaman ko na ang sariling katawan ko. Sinubukan kong galawin ang mga kamay ko maging ang mga paa ko. 

Kung ano-anong salita o dasal ang naririnig ko. Parang may ritwal na nagaganap, hindi ko lang matukoy kung saan pero parang malapit lang. Ano bang nangyayari? 'Nakabalik na ba ako? Mom, dad!' I tried to call my parents but I can't even open my mouth.

 Palakas ng palakas ang naririnig kong boses at ingay ng mga sasakyan. I feel like im home, noltasgia and the feeling of euphoria, im home. Hindi ko man magalaw ng maayos ang katawan ko, sobrang saya ko dahil nakabalik na ako. Sa wakas, mahahanap ko na rin si Ambrosio.

"Sandali lang tita, sigurado ka po ba rito? Tita think about it twice, thrice. Alam ko hindi parin sapat ang nalaman ko, pero.. this! This is ridiculous!" rinig kong reklamo ni Irene. My Irene.

"Irene...." wala sa sariling nabigkas ko. Narinig ko ang sarili kong boses sana sila rin dahil parang bumubulong ako sa hangin.

"Sir, sir, sir please stop. I made my mind. Ok na po..." it was mom. I can sense in her voice that she's so tried, it was so evident in her voice. I'm sorry, mom, for always making you worry and being so stubborn and also for not listening to you. 

Natahimik sila tanging buntong hininga lang ang mga naririnig ko. Sandali pang katahimikan ang namutawi sa paligid bago ko narinig ang pagbukas at pagsara ng pinto. Narinig ko ang ingay ng upuan at tunog ng string ng sofa, I think they seated.

Way back 1897 Series 1: KatipuneraMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon