KABANATA 5
Palabas na ako ng hotel ng makita ko ang dalawa na nakaupo sa round table sa pool side. Si Patrick at James lang ang naruon. Nakangisi ang dalawa habang parang may pinapanuod sa harap nila. Wala pa si Hans at Jake, siguro ay nag-aayos pa.
"Yuthri! Bilis!" natatawang tawag sakin ni patrick. Binagalan ko pa ang paglalakad dahil sa nakakahiyang ingay nila. "Bilis! Pare!" tumayo ako sa likod ni James na nakangisi rin habang nakatingin sa harap.
"What! Patrick?!" irita kong sagot. Nagkakatuwaan sila ng hindi ko alam at wala rin akong pakielam.
"Upo ka muna, bilis!" binigay nya sakin ang upuan nya. Umupo sya sa katabing upuan. Bored kong pinaikot ang susi ng sasakyan sa daliri ko habang paupo. "Yuthri, tignan mo! Bili..." nangingising sabi nya. Nagtataka ako sa inaasta nya kaya napatingin na rin ako sa tinuturo nya. "Ano yuthri?!" nakangising tanong nya.
Nag-iwas ako ng tingin nang makita ang mga babae na nakikipaglandian kay Hans at Jake. Kaya naman pala si James at Patrick lang ang magkasama. Kahit kaylan hindi mawala-wala ang pagiging babaero ng dalawa. Inis akong tumayo at iniwan sila.
Hindi ko talaga lubos maisip na may ganung uri ng babae. Parang mga gamit na hada nilang ibenta ang mga sarili. Mauunawaan ko pa ang mga kapos na talaga at kapit patalim pero sila na kati at pang palipas lang ng oras ang hanap ay hindi.
"Hoy! Yuthri! Wait, sama ako!" narinig ko ang mga yapak ni james na sumunod sakin. Dumiretso ako sa parking lot kong saan nakapark ang sasakyan na dala ko. "Hintayin na natin sila, Yuthri!" hinihingal nyang sabi. Huminto kami sa tapat ng sasakyan ko, bago ko sya hinarap.
"I'm done with their bullshit, besides they have their own car with them." bored kong sagot. Tumalikod ako at sumakay sa driver seat. Narinig ko ang pagbukas ni James sa pinto. Tsk, susunod rin pala.
"Nagtataka lang ako sayo, pare." binalewala ko sya at sinimulang paandarin ang sasakyan. "Ikaw lang atah sa batch natin, ang hindi pa nakakaexperience ng sex." napreno ko ng wala sa oras ang sasakyan kaya naman parehas kaming nasubsob sa harap.
"Punyemas!"
"Shit, shit, pare!" sunod-sunod na mura nya sakin. Umayos ako ng upo at sinamaan sya ng tingin.
"Kung ano-anong lumalabas sa bibig mo! Nahawaan ka ng mga siraulo na yun!" inis na sabi ko bago inaadar ulit ang sasakyan.
"Pare! Nagsasabi lang ako ng totoo, besides mga lalaki tayo impossible na-"
"Na ano!..... Ang tunay na lalaki hindi kayang manakit ng babae, pisikal man yan o damdamin" agad na putol ko sa kanya. "Wait nga! Bakit ikaw? Nakapagsex ka na ba?!" natatawang tanong ko habang hindi inaalis ang tingin sa harap.
"Hindi pa...." nakita ko ang pagkapahiya nya. Natauhan sya sabay kamot ng ulo, kaya natawa ako. "Pero di gaya mo! Kahit nga atah makahalik ng babae di mo pa nagagawa, saka ni hindi ka tumitingin sa mga babae, parang allergic ka..... titingin ka man, madali lang saka parang wala lang, basta!."
"Tsk, anong gusto mo? Tignan ko sila na parang minamanyak?!" inis na tanong ko.
"Not that!"
"Tsk, wala akong interest sa kanila." pinark ko ang sasakyan sa tapat ng resto.
"Ayun nga eh! parang-" hindi ko na sya hinintay at bumaba na ako agad ng sasakyan.
Umupo kami sa pang-apatang table. I let him ordered for the both of us. Sya rin kasi ang magbabayad sa lahat. Naghintay kami ng ilang minuto bago isa-isang nilapag sa harap namin ang pagkain.
"What the fuck! James! Ang takaw mo talaga, pang limang tao na 'tong inorder mo!" nakangisi lang syang tumango-tango. Nagsimula na agad syang kumain. "Ang takaw talaga." napapailing na lang ako sa katakawan nya.
BINABASA MO ANG
Way back 1897 Series 1: Katipunera
Historical FictionShe's a college girl who dream to be a successful journalist, and she can do everything for her dreams that lead her to find out her past life She didn't expect that she's a reincarnated women, way back 1897 where every Filipinos fighting for our fr...
