XXXII

308 14 0
                                    

KABANATA 32

Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa lahat ng mga nangyari.

Lumipas ang ilang buwan, natapos na ang taon ng 1897. Araw, linggo, buwan na ang lumipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Naging mahirap para sakin ang umuwi, at umapak ang mga paa sa pintuan ng bahay na mag-isa. Buwan ang binilang bago kami nakaahon, lalo na si mama at papa.

Nang gabi ring iyon, kung saan natagpuan namin ang katawan ni Irene napagpasyahan namin na duon na rin ilibing sa tabi ni kuya ang katawan nya. Linggo-linggo kung dumalaw si ina at ama sa puntod na iyon, tahimik lang sila at walang sinasabi. Para bang alam na nilang maaaring mangyari ito at tinaggap na lamang nila dahil alam nilang ito ang kapalarang pinili namin.

Lumipas ang buwan simula ng ihatid ako ni ambrosio sa bahay, simula nun ay bihira na lamang syang magpakita. Madalas ay puro sulat ang natatanggap ko mula sa kanya. Magkita man kami ay laging patago, para bang may pinagtataguan sya at sa pagkakataong makita nila kami ay katapusan na. Minsan ay tinatanong ko sa kanya iyon pero lagi nyang sinasagot ng may kahulugan.

“Binibining Amara, sulat po mula kay Ginoong Ambrosio.” napatayo ako sa kinauupuan. Lumapit ang isang tagapagsilbi at iniabot ang sulat. Yumuko ito bago nagpaalam.

Payapa ang umaga ngayon, nasa balkonahe ako para sa sulat na ipapadala ngayon ni ambrosio. Para bang tapos na nga ang labanan kahit ang totoo ay sandali lamang kaming namahinga. Umupo muli ako at maingat na binuklat ang papel. Tulad ng mga nakaraang araw ay may kasama ulit itong bulaklak, inilagay ko muna iyon sa mesa para mabasa ang liham.

Amara,

Ilang linggo na ang lumipas mahal ko, nangungulila ako sa piling mo.
Gustuhin ko man na makasama ka, ay hindi maaari.
Akala ko ay kapalaran ang ating kalaban, Ngunit maging ang buong mundo ay sumasang-ayon na sa kapalaran.

‘Anong ibig nyang sabihin?…’ tumigil ako sandali sa pagbabasa at napaisip. Kapalaran? Hindi ba dahil sa sitwasyon namin tungkol sa digmaan ang tinutukoy nya? Kung ganun ano ang mundo? Kalikasan? O di kaya ay tao….

Napailing ako para alisin ang iniisip ko. Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko, maging ang totoong pakay ko rito ay nababahiran ng kung ano-ano. Binasa ko na lang muli ang liham, may kahabaan rin sya at may mga ilang tanong tungkol sa kalagayan ko.

“Paglayuin man tayo ng dagat at lupa. Iisa naman ang tinitingalang tala, nagiisa ka lang sa puso ko kahit ilang kilometro pa ang layo mo…. nagmamahal ang iyong pinakamakisig mong nobyo, Ambrosio.” napangiwi ako sa huling nabasa. Maginoo na mahangin, sariling papuri. Sa huli ay napangiti rin ako, hindi parin sya pumapalya sa pagpapakilig. Kahit sino sigurong babae ay mahuhulog sa galing nyang mangbula, sa ganda ng pananalita, maging sa paraan nya ng pagsulat ng tula.

Ilang minuto akong napatitig sa bulaklak. Alam nya talaga ang hilig ko, napapakamot ka nga lang ng ulo paginamin nyang walang paalam nyang pinitas iyon kela mang berting. Kahit napakapilyo nya ang sarap parin nyang kasama.

“Binibini, may bisita ho kayo.” napatingin ako sa tagapagsilbi saka tumango. Yumuko muli ito bago umalis.

Sino naman kaya iyon? Sana ay wag si Heneral Cornelio. Inayos ko ang sarili bago naglakad patungong sala. Nadaan ko ang isang lamesa at duon ko muna inilagay ang sulat ni Ambrosio kasama ang bulaklak. Sa malayo pa lang ay alam ko na agad kung sino ito, si Heneral Prico. Ang lalaking nasa listahan ng mga pinaghihinalaan ko. Tulad ng mga nakaraang araw ay may dala na naman itong prutas at bulaklak. Binalewala ko ang mga dala nya na nasa lamesa. Agad syang tumayo ng mapansin ako na papalapit.

“Maupo ka, Heneral Prico. Anong maitutulong ko sayo?” agad na tanong ko pagka-upo. Sandali syang natigilan bago ngumiti.

“Nais ko lang matiyak ang kalagayan mo.”

Way back 1897 Series 1: KatipuneraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon