XI

641 32 0
                                    

KABANATA 11

Nasa garden parin kami ng bahay. Nakaupo sa butaka chair na pinagigitnaan ng mesa na gawa rin sa punong kahoy. Hindi ko alam kung anong ginagawa nya dahil kanina nya pa hawak kamay ko at hinahaplos iyon. Tahimik lang rin sya at parang napakalalim ng iniisip.

Kinakabahan ako hindi dahil sa presensya nya kundi sa naalala kung isa sya sa mga sundalo na may mataas na katungkulan at maaring mamatay rin sya sa laban. Bukas na ang paghahanap para sa karadagdagang mga sundalo at pagnangyari yun, ay maaring ano mang araw mula ngayon ay mangyari na ang mga hinala ko.

"Alam kong sumapi ka rin sa kilosan, Amara." halos pabulong na sabi nya.

Napakunot ang nuo ko sa sinabi nya. Ang ibig nya bang sabihin ay hindi man lang ako nagpaalam sa kanya na sasali ako sa kilosan? Well, baka ito talaga ang kagustohan ko. Unang tapak ko pa lang rito ay pagtulong agad sa digmaan ang nasa isip ko.

"Wala na akong magagawa, kung iyan ang nais mo. Ngunit alam natin na, ano mang oras sa laban na ito ay nasa libingan na ang isang paa natin." nakatingin lang sya sa kamay ko habang sinasabi iyon.

"Alam ko." wala sa sariling sagot ko. Bumigat ang paghinga ko na para bang may nakadagan sa dibdib ko. Pakiramdam ko ano mang oras ay mamamatay ako.

"Sana hindi ito ang huli nating pagkikita, Amara. Bukas at sa makalawa ay paparito ako sa Maynila para makasama ka." napaangat ang kanyang tingin at ngumiti kahit naruon ang pangamba at lungkot sa mga mata nya.

Napalunok ako bago tumango ng marahan ng maalala ko ang sulat at ang lakad ko para bukas.

"Ngunit may gagawin ako bukas." mahinang sabi ko.

Pakiramdam ko tuloy ay napakamahinhin ko na ay mali napakapabebe ko na. Kulang na lang ay mag-gesture ako ng ala-yaya dub. Nakakahiya pagnakita ako ng mga kaibigan ko ay siguradong pagtatawanan ako!

"Oo nga pala. Bukas magaganap ang paghahanap ng mga karadagdagang sundalo. Ang totoo ay tutol ako sa pagsama mo sa kilosan, maaaring ikapahamak mo ito. Bakit hindi mo na lang ako hayaan ang lumaban para sa atin?" nagaalala nyang sabi.

Ganito ba pag may boyfriend? Ang bilis palang mamamatay dahil kailangan mong magsakripisyo ng magsakripisyo.

Hindi ko alam ang sasabihin kaya nanahimik na lang ako at nag-iwas ng tingin.

"Mukang hindi na kita mapipigilan pa." nanlulumo nyang sabi. Napatango na lang ako kahit ang totoo ay nawawala ako sa usapan.

Iniisip ko ang labanan na magaganap. Hindi lang mga lalaki ang lumaban para sa kasarinlan kundi mga kababaihan rin. Naging kasapi rin ba ako ng samahan na iyon. Kung ganun ay maitutulong nga ako. Na muling pagkakataon ay muli naming ibubuhis ang buhay ko, namin, para sa kalayaan at hindi mababago yun kahit malaman namin ang sanhi ng kamatayan namin.

ALi POV

Naalipungatan ako at parang gusto kung uminom ng tubig. Tinatamad at inaantok akong bumangon sa kama ng mapansin na wala si arene. Mabilis kung kinuha ang cellphone sa ilalim ng unan ko at tinignan ang oras. 1:23 mag-one thirty na? Saan naman pupunta si arene ng ganitong oras?

Bigla ay nakaramdam ako ng kaba. Nagdadalawang isip ako kung gigisingin ko ba ang kasama namin o hindi na dahil baka nandito lang si Arene. Napahinga ako ng malalim bago umalis sa kama. Kinuha ko ang jacket sa maleta ko bago maingat na lumabas ng kwarto. Pagkasara ko ng pinto ay mabilis kung binuksan ang flashlight sa phone ko. Hindi ako takot sa dilim, kaya wala lang sakin ang patay ang ilaw. Mas kinakabahan ako para kay arene dahil na rin sa mga kakaibang nangyayari sa kanya.

Nasa huling baitang na ako ng hagdan ng mapansin ko ang kaunting ilaw na nagmumula sa kusina. 'Nagutom ba ang babaing yun, kaya pumunta ng kusina?'.pinatay ko ang ilaw ng cellphone ko habang mabagal na naglakad papuntang kusina.

Way back 1897 Series 1: KatipuneraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon