KABANATA 29
Nandito ako sa maliit na kwarto na pinagtaguan ko na kubo kanina. Hindi ako matahimik at kahit palalim na ang gabi ay hindi parin ako makatulog. Tinulungan na ako ng anak na lalaki ng magasawa na may ari ng kubo na ito, lumabas ang anak nilang lalaki para magtanong-tanong at hanapin ang kapatid maging si irene, pero hanggang ngayon ay wala parin ito. Kinakabahan ako na maging ito ay mapahamak, ngunit kahit anong pilit ko na lumabas ay pinipigilan ako ng magasawa kaya hindi ko na rin tinangka.
Nakatulogan ko na ang paghihintay kay pedro. Nagising ako ng umaga na naruon na sya sa hapag kainan. Inaya nila akong sumalo kaya umupo narin ako, sa una ay nahihiya akong magtanong kung may nalaman ba sya. Baka kasi inabot sya ng magdamag para mahanap ang kapatid ko at nakakahiya na yun. Umupo na ang magasawa na kanina ay umaasikaso ng kakainin. Napahigpit ang hawak ko sa kutsara at tinidor. Gusto ko malaman kung nahanap ba nya.
"Hmm, pedro. Nakita mo ba ang kapatid ko?... nahanap mo ba sya?." nahihiyang tanong ko. Kinakabahan ako sa susunod na sasabihin nya. Kanina ang makita nya akong palabas ng kwarto ay nagiwas sya ng tingin. Unti-unting umangat ang tingin nya sa akin at parang nagdadalawang isip pang magsalita.
"Binibining amara, makakabuti kung dadalhin na lamang kita sa kanila." isang pilit na ngiti ang nakita ko sa kanya, pero kitang-kita ko ang awa at lungkot sa mga mata nya, na ipinagtataka ko. Binalewala ko na lamang iyon at ngumiti. Nawala ang bigat na dinadala ko dahil sa wakas ay ligtas sila, sa wakas ay nagkamali rin ang kutob ko.
"salamat pedro." ngiting sabi ko. Ngumiti rin sya at tumango.
Hindi na ako nagusisa pa sa nangyari sa kanya, at kung anong oras sya nakauwi. Siguro ay mamaya ko na lamang sya tatanungin. Tahimik kaming kumain at mabilis ring natapos. Simpling pagkaing pilipino na ngayon ko lamang natikman. Nagboluntaryo akong maghugas ngunit gaya kagabi ay tumanggi sila at sinabing bisita ako.
Pinilit nilang umalis na kami habang maaga pa, para narin makita ko na ang mga kasama ko. Wala na akong nagawa nang ihatid nila ako sa labas at inalalayan ako ni pedro sa pagsakay sa kabayo. Sa huli ay puro pasasalamat ang tanging nasabi ko, nangako rin akong babalik at magbibigay ng tulong sa kanila bilang pagtanaw na utang na loob.
Naging alerto ako habang nasa daan, sinundan ko lamang si pedro. Tig-isang kabayo kami na hindi ko alam kung saan nya nakuha ang kabayong ito. Kabado ako buong biyahe, tingin ko ay malapit na magisang oras ay nandito parin kami sa daan. Napatingin ako kay pedro na tahimik lang na nangangabayo. Pano nya natunton ang kapatid ko kung ganitong malayo pala ang inabot ng kapatid ko. Sobra ang naging abala ko sa pamilya nila, nakakahiya.
"Malapit na tayo, binibini." pagbasag nya sa katahimikan. Tumango ako kahit hindi nya nakikita dahil sana harapan ko sya.
"Sigi, maraming salamat, pedro." tanging nasabi ko.
Ilang minuto pa ay nakita ko ang ilang kubo na sa di kalayuan. Bumilis ang tibok ng puso ko sa tuwa, sa wakas ay makikita ko rin silang ligtas. Tahimik ang paligid ng makarating kami, ilang babae ang tahimik na tumatangis sa bangko sa harap ng kanilang kubo habang inaalalo mga anak nito. Anong meron?, bakit maraming umiiyak?. pansin ko na marami-rami silang mga umiiyak pero binaliwala ko na lamang iyon.
Sa isang kubo na merong malalaking puno ng talisay kami huminto. Nang makitang bumaba na si pedro ay mabilis rin akong sumunod. Kinuha nya ang kabayo na sinasakyan ko at itinali iyon sa puno na malapit sa amin. Inaya nya ako na pumasok na, sumunod ako sa kanya at pumunta kami sa likod ng bahay. Nagtaka ako ng makita si irene na tulala lang habang nakaupo sa mahabang bangko. Ano ba talaga ang nangyayari?. tumingin ako kay pedro at tinanong sya gamit ang tingin. Umiling lamang sya at nagpaalam na mauuna na syang umalis. Tanging pasasalamat na lang ang nasabi ko.
BINABASA MO ANG
Way back 1897 Series 1: Katipunera
Historical FictionShe's a college girl who dream to be a successful journalist, and she can do everything for her dreams that lead her to find out her past life She didn't expect that she's a reincarnated women, way back 1897 where every Filipinos fighting for our fr...