AN: Kung mapapansin po maraming maling words and typo, kaya sobrang sorry. Malapit na po akong magka-eye glass kaya naman mas mabilis ko na syang marerevise. And thank u po sa mga naghintay ng story na 'to. Bilang man kayo sa kamay sobrang saya ko parin dahil nandyan kayo.
Salamat po sa kabitbahay naming nagpapa-connect ng wifi!
"Lara!"
Malakas na sigaw ni Irene ang bumungad sa akin. Ang sakit ng boses niya, mas masakit pa sa kaldero na nagbanggaan. Nayayamot na nagtakip ako ng tainga. Tang ano niya.
Sarap putulan ng dila. Tinanggap niyang unan sa tainga ko at itinapon sa kung saan. Nasa dulong bahagi siya ng kama, sa paanan ko. Komportabling naka-upo habang nakatingin sa cellphne niya.
"Arene," pakantang tawag ni Irene sa pangalan ko, na parang isang sirena sa dagat.
'Problema ng babaing to?!' Inis akong napatingin sa kanya.
"Istorbo ka alam mo," inis na sabi ko. Isang masamang tingin ang itinapon ko sa kanya.
Hindi siya nagpatinag at ngumisi pa ang bruha. Kinakalaban niya talaga ako. Alam naman niyang ayoko sa lahat ay ini-estorbo ang pagtulog ko, ginagawa niya pa rin.
"Witch, ikaw na lang ang tulog. Nakaprepare na kami lahat oh! Gogorabels na kami." Tumayo ito sabay pasada ng mga kamay niya sa damit niya pababa.
Nakapanglakad na nga ito. Napabuntong-hininga na lang ako, at nayayamot na napakamot sa buhok ko. Inaantok na pumasok ako sa bathroom. Nakita ko pang-sumalampak sa kama patihaya si Irene, at itinuon ang pansin sa cellphone niya.
Mabilis pa sa alas-kuwatro akong naligo. Nagising ako sa malamig na tubig galing sa jar na may lamang tubig. Wisik-wisik lang ang ginawa ko. Hindi naman kawalan sa akin ang hindi pagligo ng maayos. Mabilisan ang ginawa ko. Malapit na ako maligo nang maalala ko na wala pala akong dalang damit at maging tuwalya sa loob ng bathroom. Hay naku, kapag minamalas ka nga naman. Nilibot ko ang paningin sa buong bathroom. Naghahanap ng puwedeng pangtapis sa katawan. Isang modernong bathroom na ito pero naroon pa rin ang spanish style dahil sa kakaibang desenyo. Isang bintana sa kanan kung nasaan ang malaking bathtub at sa gitna ay shower, malaking jar, at toilet, sa kabilang banda ay naroon ang pinto at kabinet na puno ng iba't-ibang klase ng shower product, pero walang tuwalya. Napasimangot ako sa inis, mukang hubod-hubat akong lalabas ng banyo.
Tinapos ko agad ang pagligo, at malihim na sumilip sa pinto. Nang makita kong wala nang katao-tao ay nagmamadali kong kinuha ang maleta ko at tumakbo ulit papasok ng bathroom. Success, buti na lang walang nakakita. Alam kong muka akong tanga doon kanina pero wala akong choice. Agad akong pumili ng masusuot. Gaya ng lagi kong suot at kung saan ako mas komportable ay iyon ang pinili ko. I choice the black t-shirt and blue maong pants.
Nang makapagbihis na ako ay lumabas na ako bathroom. Itinabi ko sa kama ang maleta. Kinuha ko sa ilalim ng kama ang sapatos na suot ko kanina. Kinabahan pa ako dahil baka ma-trigger ko ang boses na narinig ko kanina at marinig ko ulit ngayon. Isang sapatos lang ang dala ko, paulit-ulit ko lang iyong susuotin sa isang linggo, I know medyo kadirdir pero thanks to my feet na hindi mabaho at hindi pawisin. Saka ayoko ng madaming bagahe.
I checked myself kung maayos na ba ako, saka ko naalala na hindi pa pala ako nagsusuklay. Madalas ay hindi talaga ako nagsusuklay dahil natural na bagsak na ang buhok ko. Kinuha ko ang bag pack ko para kuhanin ang camera at pen recording doon. Napadpad ang tingin ko sa cellphone ko na nasa kama kaya agad ko itong kinuha. Naroon na rin ang dalawang libo sa likod ng case. Hindi mabigat ang dala ko, mas okay na. Wala na akong balak magdala pa ng kung anu-ano na hindi naman kailangan. Bumaba ako at nakita silang kanya-kanyang nakatutok sa mga cellphone nila.
BINABASA MO ANG
Way back 1897 Series 1: Katipunera
Historical FictionShe's a college girl who dream to be a successful journalist, and she can do everything for her dreams that lead her to find out her past life She didn't expect that she's a reincarnated women, way back 1897 where every Filipinos fighting for our fr...