IV

1.1K 93 3
                                    

KABANATA 4

"Guys! Tara na! Ang babagal nyo talaga kahit kaylan." naiinip na sabi Ali. Nasa labas na sya ng gate habang kaming apat, ito nagkukumahog sa paglabas sa pinto. Ako na ang nagpresintang magsara ng pinto. Pinauna ko na ang tatlo kay Ali dahil nag-a-alburoto na sa sobrang inip. Tinawanan lang namin si Ali, always the impatient.

Pagkatapos ko isara ang pinto ay lumapit na rin ako sa kanila. Kagaya kahapon ganun parin ang mga dala namin dahil sa katamaran.

"Maam, sakay ho?!" pagkalabas ko ng gate saktong may dumating na tricycle. Kaya naman nag-unahan sila sa pagsakay. Ako ulit ang kumausap kay manong driver.

"Manong, sa simbahan po.” magalang na sabi ko. Sinabi ko ang pangalan ng simbahan na medyo may kalayuan. Agad namang napakamot si manong sa batok. Malayo-layo kasi iyon for sure hindi na sakop ng toda nya ang simbahan.

"Ang layo nun, hija. Ilang barangay pa ang dadaanan natin." nagdadalawang isip na sabi ni Manong. Agad akong ngumiti saka umiling.

"Naku, Manong. Kami na po bahala sa gasoline nyo papunta dun, saka ho pabalik. Magbabayad rin kami ng buong pamasahe kung ilan po ang aabotin." ilang segundo pang nag-isip si manong bago napipilitang tumango. Agad naman akong napangiti saka nagpasalamat kay manong. Patakbo akong sumakay sa loob ng sasakyan.

"Irene?!" nagtatakang tanong. Sya ang naabotan kong nakaupo sa loob ng tricycle. Madalas na katabi ko ay si Rene. Sya kasi ang laging nagpapaligtas sakin pagnatatakot sya, I always spoil her. Kaya kahit sa aso ako ang pinangsasalag nya.

"Yes, it me. Yeahhh oh oh oh" pakantang sagot nya. Parang tanga ghorl.

Naging maayos ang biyahe naman papunta ruon. Balak namin na magsimba muna bago mamasyal sa kung saan-saan.

Hindi matigil si irene sa kakaisip kung pano napunta ang 'pagmumuka ko raw' sa picture frame na yun, na halatang may katandaan na. Ibat-ibang teorya rin ang pinagsasabi nya na hindi ko alam kung saan nya nakukuha.

"A.L, hindi nga kaya? Isa kang tao na nabuhay sa panahon ng Amara na yun? At ang Amara na iyon at ikaw ay iisa lang?!" manghang sabi nya. Niyugyog nya ang balikat ko at pinalakihan ako ng mata "Amara, tama! Ikaw si Amara!" pilit nya. Binalewala ko iyon, dahil, napakaimpossible talaga ang mga teorya nya.

Sinigaw ni Irene ang pangalan ko. Unting-unti na lang talaga makakapatay na ako. Napatakip ako ng tenga nang sigawan nya ako, mismo sa tapat ng tenga. Isang matalim na tingin ang itinapon ko sa kanya pero ngumisi lang sya at hinawakan ang dalawa kong kamay, na parang walang ginawang masama.

"Arene, hindi ka ba naguguluhan sa lahat. Kasi kami nahahalata namin na may kakaiba sayo." ngayon ay nag-alalang boses na ang ginamit nya. Hindi ko alam kong bipolar sya o plastik, iwan. Napalunok ako bago nagbaba ng tingin. Nag-aalala rin at naguguluhan rin ako sa mga nangyayari.

"Hindi ko alam, Irene. Palampasin na lang natin ang nakita natin. Wala namang halaga yun." kinuha ko ang kamay ko at pinagsiklop iyon saka duon ko ipinatong ang nuo ko.

"Arene, alam natin pareho na, ilang daan taon na ang litrato na yun. Kahit na nabuhay ka na ng 20 years, hindi ganun kaluma ang mga litrato mo. Pero iba ang picture na yun inabot na ng daang taon!"

"Irene, wag mo ng gawing baliw ang sarili mo! Sa tingin mo ba may maniniwala sayo?!" natatawa kong tanong sa kanya. Ipinatong ko ulit ang nuo sa nakasiklop kong mga kamay at pumikit.

"Oo, dahil hindi lang ikaw-.... I mean, kung totoo nga, na nabuhay ka dati-"

"Irene, please. Lahat ng sinasabi mo isang fictitious lang and beliefs?" napabuntong hininga ako bago sinuot ang earphone at nagpatugtog ng kanta.

Way back 1897 Series 1: KatipuneraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon