XXIV

285 17 3
                                    

KABANATA 24

'Darn, my very own ambrosio..' pilit na pinipigilan ni amara ang ngumiti habang pinagmamasdan si ambrosio na pilit pinapatahan ang bata. Nadapa ang bata sa tapat ni ambrosio at umiyak ng umiyak. Kung ano-anong kabaliwan at pananakot ang pinagsasabi ni ambrosio para tumahan ang bata ngunit sandali lang itong titigil sa pagiyak ngunit maya-maya ay papalahaw ulit ng iyak.

Tumingin si ambrosio kay amara, at isang tingin na humihingi ng saklolo. Natawa si amara sa itsura nito kaya napapailing syang lumapit rito at pumiwesto sa likod ni ambrosio.

"Bata..." tawag pansin ni amara sa bata. Tumigil ang bata sa pagiyak at tumitig kay amara. Pinigilang matawa ng malakas ni amara ng makita nya sa gilid ng kanyang mata ang paglukot ng muka ni ambrosio at pagnguso nito. 'Pikon..' "Gusto mo ba sakin?, halika." tumango ang bata kaya agad na kinuha ng ni amara ang bata.

"Bakit sa iyo tinawag mo lang ay tumahan na?" pagmamaktol ni ambrosio. Masama ang tingin nito bata bago lumipat ang tingin kay amara.

"Bata, naliligaw ka ba?. Asan ang magulan-"

"Hindi ako bata. Malaki na ako." napaawang ang labi ni Amara sa naging sagot ng bata, samantalang mas lalong nalukot ang muka ni Ambrosio at tinaasan ng kilay ang bata.

"Ganun ba.. hmm nasaan ang magulang mo?"

"No se donde estan."

"Hm.. Sabes donde esta tu casa.. aun recuerdas?"

"No, y no quiero irme a casa todavia. Dejame ir contigo."

Pigil ang tawa ni amara habang palihim na sinusulyapan si ambrosio. Nasa isang kainan sila kasama ang bata. Kanina pa may binubulong si ambrosio ngunit hindi marinig ng maayos ni amara ang sinasabi nito. Sa tingin nya ay masama ang loob ni ambrosio dahil sa pagsama ng bata sa dapat ay lakad lamang nila.

Sinubuan nya ng pagkain ang bata at ngumiti. Nakagat nya ang ibabang labi ng marinig muli na may binubulong si ambrosio. Napaigtad sya ng pabagsak na ibinaba ni ambrosio ang baso ng tubig sa lamesa na lumikha ng ingay. Sinamaan nya ito ng tingin ngunit lukot ang muka na umiwas ng tingin si ambrosio. Tapos na itong kumain, tangin si amara at ang bata na lang hindi matapos tapos sa pagkain. Napailing na lamang si amara at itinuon ang pansin sa bata.

Ilang minuto pa ang lumipas ay napagpasyahan nilang hanapin na ang mga magulang ng bata. Ngising aso naman si ambrosio ng pumayag si amara na isuli na ang bata dahil baka hinahanap na ito. Nagsimula namang umiyak ang bata habang masama ang tingin kay ambrosio.

'Ano ba ang gagawin ko sa dalawang ito? Ang isa bata ang isa naman isip bata. Sarap iuntog ang mga ulo.' ilang beses na humugot na malalim na hininga si Amara habang naglalakad sila pabalik ng kalesa. Karga-karga nya ang bata habang umiiyak.

Pasakay na sila ng kalesa ng may huminto na kalesa sa harap nila. Bumaba ang isang ginang habang tinatawag ang anak. Pumulupot ang braso ng bata sa leeg ni amara, dahilan kung bakit kumunot ang noo nya. Naluluhang tumigil sa harap nila ang ginang.

"Kayo po ba ang ina ng bata?" pinasadahan ng tingin ni amara ang babae, mula ulo hanggang paa. Mabilis na tumango ang ginang at walang paalam na kinuha ang bata.

Yumuko ang ginang at nagpasalamat bago sumakay ng kalesa. Naririnig parin nito ang pagiyak ng bata, nagkibit balikat na lamang si amara at hinawakan ang kamay ni Ambrosio. Tumaas baba naman ang kilay nito habang nakangisi. 'Nakuha na nya ang gusto nya, selosong katipunero tsk.'

"Halika ka na, magdadapit hapon na." pag-aya ni Amara.

Inalalayan ni ambrosio si amara sa pagsakay ng kalesa. Nang makaupo sila ay napansin ni amara ang ngiti nito habang nakatingin sa magkasiklop nilang mga kamay. 'ano naman ang nasa isip nito?' tinitigan lang nya ang binata hanggang sa maramdaman nya ang paghaplos ng mga daliri nito sa kanyang kamay.

Way back 1897 Series 1: KatipuneraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon