Kabanata 23:
"Wala na akong nagawa, bakit ganun... bakit kung kailan hawak kamay mo na ang taong mahal mo, saka naman ito kukunin. hindi man lang hinayaan na makasama ko kahit saglit... inagaw agad, ang daya ng mundo."
"Wala na tayong magagawa, mahal." gulat na napalingon si Amara sa lalaking nagsalita sa likod nya. Ang lalaking pumigil sa kanya at ngayon ay yakap-yakap sya mula sa likuran. Hindi nya inaasahang ito ang pumigil sa kanya.
"Ambrosio...." tanging nasabi na ni amara. Naramdaman nya ang paghigpit ng yakap sa kanya ni ambrosio hudyat para manghina sya at tumulo ang mga luha sa mga mata nya na kanina nya pa pilit na pinipigilan. Kahit alam nyang mali ay yumakap sya pabalik kay ambrosio.
Wala na ang pamilyang Cortes, masakit para kay Amara. Ang buong akala nya ay namamalikmata lamang sya ng makita ang muka ng ina. Sobrang bata pa nito, kaya hindi nya agad lubos na maisip na ito nga ang kanyang ina sa kasalukuyan. Napagtugma-tugma lang nya iyon, nang maalala ang marka sa likod ng ina, na syang dahilan ng pagkamatay nito sa nakaraang buhay.
'Wala akong nagawa, ang tanga ko, nandito na ako, bakit hindi ko napigilan. hinayaan ko na mamatay ang mommy ko sa harap ko.'
Ang batang lalaki ay ang kapatid nya sa ama, anak sa ibang babae ng kanyang ama. ngunit kahit ganun ay napalapit na sya sa kapatid.
'Mga hayop, gustong gusto ko na mamatay na kayong lahat. Sana, SANA MAMATAY NA KAYO!.' kumuyom ang kamay nya at humigpit ang hawak nya sa damit ni ambrosio. Nakasuot pa ito na pang-opisyal.
Galit sya sa mga kastila pero mas galit sya sa sarili nya dahil wala man lang syang nagawa para iligtas ang kanyang ina at kapatid. Hindi nya makita ang dahilan ng lahat nangyayari, parang mas mabuti ng hindi nya naalala ang lahat ng ito. Mas nanaisin nyang kalimutan na lang ang lahat ng nangyari sa nakaraang buhay nya. Kung ganun lang rin kasakit ang dulot ng lahat ng alaala nya.
'Bat kailangan pati ito, ipakita pa, nakakagago. Ayoko ng maalala pa, hindi ko na kailangan maalala pa. Ayoko na..... Amus pleasee let me come back to my time' alam nyang hindi pa rito nagtatapos ang lahat ng sakit, nagsisimula pa lamang ito. Alam nyang meron pang parating na lalong ikakawasak nya, at iyon ay ang mamatay ang taong yakap-yakap nya ngayon. Makikita nya at sa mismong harapan nya iyon mangyayari, gusto nyang maging handa sa mangyayari.
'Fuck, that's my mom, fucking life. Fuck this world, full of cruelty. Ang bata ni joshua para mamatay sa ganung edad. Mga hayop talaga!.'
"Mabuti pa ay umalis na tayo rito." ibinulong ni ambrosio sa kasintahan. Tumango lang si amara at wala sa sariling sumunod sa pag-akay ni ambrosio. Sumakay sila ng kalesa na sinasakyan kanina ni amara at libet.
Hindi na sumunod si libet at nagpaiwan na lamang. Malungkot nyang pinagmasdan si amara habang inaalalayan ito ni ambrosio. 'Muka syang may matigas ang puso ngunit ang totoo ay napakabuti ng kanyang puso. kung hindi lang sya napigilan ni ambrosio ay maaaring ito na ang nabaril.'
Napabuntong hininga na lamang si libet nang makitang tuluyang umalis na ang magkasintahan. Plano ni libet na magtungo kay juancio para pag-usapan ang tungkol sa kanilang sitwasyon. Alam nyang nakakahalata na si amara, kaya nakapagpasya na sya at buo na ang desisyon nya.
"Juancio, salamat at nagpunta ka." napangiti si libet ng madatnan si juancio habang nakaupo sa ilalim ng puno. Agad na napalingon sa kanya si juancio.
"Elizabet..." marahang sambit ni juancio. lumapit si juancio para alalayan syang maupo sa kinauupuan nito kanina. Tabi silang umupo sa ilalim ng malaking puno. "Kamusta ka?, ang bata?. hindi ka naman masyadong nagpapagod hindi ba?." agad na bungad na tanong sa kanya ni juancio pagkaupong- pagkaupo.
BINABASA MO ANG
Way back 1897 Series 1: Katipunera
Historische RomaneShe's a college girl who dream to be a successful journalist, and she can do everything for her dreams that lead her to find out her past life She didn't expect that she's a reincarnated women, way back 1897 where every Filipinos fighting for our fr...