XXXIV

347 20 1
                                    

KABANATA 34

Hindi na ata mawawala ang takot sa dibdib ko. Alam na ni Heneral Cornelio ang totoo. Alam na nya ang tungkol sa pagsama ko sa mga laban, maging ang pagtulong ko kay Flor at maging ang totoong katauhan ni papa. Nasa labanan kami ng mabalitaan ko na pinupunterya na kami ni Heneral Cornelio at si Flor, ngayon na alam nya na rin, na nakabalik na si Flor sa bansa.

Wala sa oras na umuwi ako ng bahay para masiguro ang kaligtasan ni ina. Ngayon na sigurado na ako na ligtas si ma'ma ay balak kong muli, na bumalik sa labanan. Hindi ako maaaring manatili rito, kailangan ko ring makita si Ambrosio. Sigurado ako na ngayong buwan sya mawawala sakin. 

Hindi ko alam, pero kahit alam kong wala akong magagawa para pigilan ang pagkamatay nya nais ko paring manatili sa tabi nya.

Magkaibang lugar at laban ang sinamahan namin ni Ambrosio, pero alam ko na buhay parin sya. Gaya ng huli naming pagkikita ay nakiusap ako sa sumama sa kanya. Kagabi lang ay nagpadala ako ng telegrama sa kanya. Sana lamang ay pumayag sya sa nais ko. Balak ko ngayong gabi na umalis. Pero hanggang ngayon ay umaasa parin ako sa sagot ni Ambrosio.

Malalim na ang gabi. Nakaayos na ako ng aking pantulog na damit. Nakaupo ako sa tapat ng bintana sa aking kwarto. Kitang-kita ang bituin sa langit, maging ang ganda ng buwan. Napatingin ako sa pintuan ng aking kwarto dahil sa tawag at katok ng isang tagapagsilbi. Lumapit ako ruon at ako na mismo ang nagbukas ng pinto.

"Buenos noches, Binibining Amara. Sulat po galing kay Ginoong Ambrosio." magalang na sabi ng katulong. Ngumiti ako at tumango lamang ako bilang sagot. Yumuko rin sya bago tuluyang umalis.

Takang nakatingin ako sa maliit na piraso ng papel. Parang pinunit iyon at nagmamadaling isinulat. Nagtataka tuloy ako kung kay Ambrosio ba talaga galing ito. Napailing na lamang ako bago bumalik sa kinauupuan ko kanina. Pagkaupo ko ay saka ko lamang binuksan ang piraso ng papel.

Magkita tayo, Amara. Bukas, martes sa dakong ala syete ng umaga sa loob ng Magdalene. Maghihintay ako, mahal ko.

-Ambrosio.

Sa isang simbahan? At bakit duon nya naisip makipagkita? Bakit parang masama ang kutob ko sa mga nangyayari sa kanya? Malapit na ba talaga? Pwede bang maghanda pa ako ng ilang araw o buwan?

Napailing na lamang ako. Kahit ganito ay may nararamdaman parin akong saya dahil sa wakas ay makikita kong muli sya. Alam ko na pipigilan na naman ako ni mamá umalis bukas, kaya pipiliin ko na lamang na magsinungaling at tumakas kesa makipagtalo sa kanya. Ang nais nya ay lumaban ako pagkinakailangan lamang, hindi ko lubos maisip na hindi nya nakikita na kailangan kami ng bansa.

Ilang minuto akong nakatingin sa papel bago pinunit iyon. Itinapon ko iyon sa ilalim ng kama at nagpasyang matulog na. Hinayaan ko ang sariling lamunin ng antok.

Kinaumagahan ay alas kwatro pa lang ay gising na ako. Nagsuot ako ng simpling barot saya. Napatingin ako sa sariling repleksyon ko sa salamin habang inayos ko ang damit ko. Simpling pusod ng buhok ay bumaba na ako para mag-almusal. Nakita ko si Ina nakaupo na, halatang hinihintay ang pagbaba ko. Tahimik akong umupo sa tapat nya bago ko sya binati. nakalapag na ang lahat ng pagkain maging ang plato ko. Tahimik akong nagdasal bago kumuha ng makakain.

"Saan ka patungo?" akmang susubo na ako ng matigilan sa tanong ni ina. Ibinaba ko muna ang kutsara bago sumagot.

"Magkikita po kami ni Ambrosio." kinakabahang sagot ko. Mabilis na kinuha ko ang kutsara at kinain ang nakalagay ruon. Hindi ko manguya ng maayos dahil kinakabahan ako kay ina. Ngayon lang sya nag-almusal ng napakaaga, para bang alam nya ang plano ko.

"Saan?" muling tanong ni Mama.

Chismosa naman si mama eh. Napaangat ako ng tingin at nakita ko ang hindi pa nagagalaw nyang pagkain. Maasyo ang pagkakaupo nito habang nakatingin ng diretso sakin.

Way back 1897 Series 1: KatipuneraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon