XVI

438 21 0
                                    

KABANATA 16


Napatitig ako sa sariling repleksyon habang nasa hawak ang isang liham. Nasa tapat ako ng salamin habang sinisimulang basahin ang liham. Natanggap ko ang sulat mula kay juancio, kanina nang lumabas ako at nagpahangin ako sa labas kasama ang ina.

"Amara." mabilis kong tinago ang liham sa lalagyan ng mga palamuti sa buhok, nang marinig ko ang boses ni ina. Kumatok muna ito bago tuluyang binuksan ang pinto.

"Bakit po, ina?!" kinakabahang tanong ko. Ngumiti ito at lumapit sa akin.

"Wala naman, anak. Nais ko lang na makipagkwentuhan sa iyo." nakangiting sagot nya. Marahan syang naglakad palapit sa akin.

"Ano po ba ang gusto nyong pag-usapan natin?!" kunot-nuong tanong ko. Mukang mapapasubok na naman ang pagsa-salita ko ng wikang kastila. Wag naman sana malalalim na salitang kastila ang gamitin nya.

"Tungkol sa inyo ni Ambrosio!" masiglang sagot nito. Huminto sya sa likod ng upuan ko. Nakangiti nya akong tinignan gamit ang salamin.

"Ina naman!" naiilang at natatawa kong saway sa kanya. Lumipas ang ilang araw ay naging abala ang grupo pero tuwing uuwi ako ay laging si ina ang sumasalubong sa akin.

"Por qué no?!" mataray nitong tanong. Tinaasan niya ako ng kilay at hinawakan nya ang magkabilang balikat ko. Nakangiting umiling ako bilang sagot. "Bueno, cómo estáis?!" nakangiti na nyang tanong. nawala ang masungit na awra sa kanyang muka. Hinawakan ko ang kanyang kamay na syang nasa mga balikat ko.

"Si, estoy bien!" confident kong sagot. Mabuti na lang at medyo marunong akong magsalita ng espanyol.

"Si, si, me puedo sentar aqui?!" itinuro nya ang upuan na nasa tabi ko. Umupo sya ruon at tinignan ako ng mabuti. Kanina lamang ay si Libet ang nakaupo ruon. Si Libet rin ang naglagay ng upuan sa tabi ko.

"Opo." magalang na sagot ko. Bahagya akong yumuko at ngumiti.

"Pag-usap na natin si Ambrosio-" magiliw nyang sabi ngunit agad ko ring pinutol.

"Ina.. ano naman ang pag-uusapan sa amin ni Ambrosio, ina, bukod sa kami ay magkasintahan lamang, ay ano pa ba?!" tawawang sabi ko.

"Hmm, bakit hindi natin pag-usapan ang pagiisang dibdib nyo ni Ambrosio?!" nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat. Paniguradong sobrang pula ng muka ko hanggang batok!

"Ina!" suway ko sa kanya. Nanunuksa lang syang tumingin sakin kaya sumimangot ako para maitago ang mga ngiti. Ngiting hindi ko maintindihan. Siguro ay dahil sa ideyang ikakasal ako kay ambrosio kahit na malabo at napakaimposible.

"Haha hija, no hay, nada de malo, en hablar de tu matrimonio y en que, estás envejeciendo!." natatawang banat nya. Tinakpan nya ang kanyang bibig sa parang hindi dumidikit ang palad nya sa bibig. naging isang dalagang pilipina si ina sa paraan ng kanyang pagtawa.

"Ina, si, todo bien." naiilang ako sa usapin na iyon. napapailing na lang ako habang nakangiti. ang hilig nya talagang tuksohin ako kay ambrosio.

"Anak, nagtataka lamang ako, kung bakit ayaw nyo pang malagay sa tahimik?" maya-maya ay muling banat nyang tanong. naglalaro parin ang mga ngiti sa labi nya at maaliwalas ang kanyang muka.

"Do you really like him for me mom?!" nakasimangot kung sagot. na wala ako sa wisyo at iba ang nasabi kung lengwahe.

"Que?!" takang tanong ni ina. kita ko ang pagtataka nya mula sa salamin. napapalunok akong lumingon sa kanya.

"Hmm, ang ibig ko pong sabihin ay gusto nyo siya para sa akin!" nakangiwing sagot ko. Pinilit kong wag magmukang iwan sa harap nya.

"Ahh, ang gaya ni Ambrosio ay tiyak na maraming pamilya ang nais na mapabilang sya sa kanila." naging seryoso ang muka nya na para bang isang importanting tao si Ambrosio.

Way back 1897 Series 1: KatipuneraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon