X

977 45 5
                                        

KABANATA 10

Nasa gilid ako ng kama habang tulala na nakatitig sa sarili kong repleksyon. Malapit ng maghapon, natapos ang tanghalian na hindi ako lumalabas. Pinadalhan na lang ako ng pagkain dito at dito ko na rin kinain. Ilang oras na nga ba ako nagiisip kung anong mga hakbang ang gagawin ko. Nasa kalagitnaan ako ng pagtitig sa salamin ng may kumatok at bumukas ang pinto. Pumasok ang isang matandang babae na pamilyar sakin. Nag-aalalang lumapit ito at umupo sa tabi ko.

"Apo, nagaalala ako para sayo kaya naman pumarito muna ako bago magsimula ang pagdiriwang" nag-aalalang sabi nya. Hinawakan nya ang kamay ko at hinaplos iyon.

"Ok lang po ako, lola." naiilang na sabi ko. Nagtataka syang tumingin sakin at may nagtatanong na tingin kaya kinabahan ako bigla.

"O-K?!, kakaibang lengawahe saan mo natutunan iyan, apo?!" natatawang tanong nya. Parang nailabas ko ang malaking bato sa pwet ko at nakahinga ng maayos ng marinig ang sinabi nya. Akala ko ay mabubuking ako o kaya ay naghihinala na sya agad sakin.

"Ahh ehh narinig ko lang po sa kanto." naiilang na tumawa ako kasunod ng sagot ko. Pakiramdam ko ay ano mang oras magpapatwag sila ng Carabineros celestiales dahil sa pagaakalang nasasaniban ang katawang ito. well nasaniban ko totoo naman kung sakali. Sandali hindi pa naman ako patay bat ako sasanib sa katawang ito.

"Kanto?!" muling nagtatakang tanong nya. Bakit wala bang kanto na salita sa panahon na ito?.

Iba't-ibang palusot ang pumasok sa isip ko. Sa huli ay nakatakas ako sa mga pagdududa ni lola. I can't help but to pray na sana makabalik na ako sa panahon ko. Sa tingin ko ay hindi ako makaka-survive dito. Ayokong umabot sa point na meron darating na Carabineros celestiales dito. At ang malala ay baka igapos nila ako gaya ng mga napapanuod ko sa tv pagpinapaalis ang kaluluwa. No way!

"Mabuti pa at maghanda ka na, darating ang iyong nobyo. Napapaisip ako kung bakit hindi pa kayo malagay sa tahimik?!" nanunudyong tanong nya. Biglang kumabog ang dibdib ko sa kaba.

Makikita ko si Ambrosio? Kung tama ako ay sya boyfriend ni Amara.

"Lola, hindi pa ho sa ngayon." pilit na ngiting sabi ko. Napapailing na lang sya habang may ngiti parin sa labi. Mukang gustong-gusto nya si Ambrosio para kay Amara.

"Kung ako sa iyo ay magiisang dibdib na kami sa lalong madaling panahon. magandang lalaki ang iyong nobyu hija siguradong maraming nagnanais na pamilya ang nais na maging parte sya pamilya nila." nakangiting sabi nya. Bigla ay naexcite akong makita at makilala sya. Nasa katawan ako ni amara hindi naman siguro masama kung gugustohin ko syang makita.

"Mapag-uusapan naman po namin iyan, lola." nakangiting sagot ko.

"O sya at ako'y maghahanda na." masayang sabi nya bago tumayo at binitiwan ang kamay ko. "Maghanda ka na hija." napatayo na rin ako at nakangiting tumango.

"Sigi po, lola. Maligayang kaarawan sa po iyo, lola." nakangiting bati ko. Yumakap sya sakin ng ilang saglit at bumitaw rin.

"Salamat, apo." huling sinabi nya bago tuluyang umalis. Napaupo ulit ako sa kama at nahulog sa malalim na pagiisip.

Nasa katawan ako ni Amara, o ako mismo si Amara? Magkamuka kami, hindi lang magkamuka parang original to original copy pa.

'30 days, 50 days, 20 years, 50 years, 100 years, mga taon at araw na lilipas bago mareincarnate ang isang tao, taon at araw na gugululin ng kaluluwa ng isang taong namatay para pumili at mapunta sa 5-6 months na batang nasa sinapupunan pa ng isang inang buntis.' kung totoong nabuhay ako sa panahon na ito, maaring malaman ko ang taon ng pagkamatay ko at taon na ginugol ng kaluluwa para pumili at maglakbay. at kapag sumakto iyon ay maaaring ako nga, ako nga si amara.

Way back 1897 Series 1: KatipuneraMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon