IX

750 46 1
                                    

KABANATA 9

"Binibini!" munting tinig ang nagpagising sakin. Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata kasabay ng pagsalag ng aking braso sa nakakasilaw na liwanag. "Binibini, gumising na kayo at kailangan nyo ng mag-ayos para sa pagdiriwang!" boses iyon ng batang babae, hindi lang ako sigurado. Kinusot ko ang mga mata ko dahil baka may muta pa. Nang masiguro na, ayos na, ay tinatamad akong bumangon.

"AYY JUSMEYO!" napahawak ako sa dibdib ko kasabay ng pag-atras sa kama dahil sa isang batang babae ang matiyagang naghihintay sakin.

Panong? Unti-unting bumalik sakin ang mga nangyari. Kung ganun totoong nasa ibang panahon ako? Hindi panaginip yun?

"Binibini, ano ba ang nakakagulat? Tila parang ikay nakakita ng isang kaluluwa?!" naguguluhan nyang sabi.

'Talagang multo ehh mga patay na kayo eh!'

"Wala" kinakabahan kong sagot. Sa sobrang kaba pakiramdam ko naapektohan ang tiyan ko kaya parang may gustong lumabas. Muka siguro akong constipated.

"Kung ganoon ay kailangan nyo ng maghanda para sa pagdiriwang." nakangiting sabi nya. Kahit halata ang pagkaweirdohan nya sakin pilit nyang itinatago iyon sa ngiti. Agad na napakunot ang noo ko sa sinabi nya.

"Anong party?!" takang tanong ko. Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo kasabay ng pagtabingi ng ulo na para bang sinasabi nyang may sira ako sa ulo.

"P-par-"

"I mean pagdiriwang" agad na agap ko ng ma-realize ko na ang shunga ko sa part na yun.

"I-mey?!" punyemas papatayin atah ako kakatagalog nito.

"Ang ibig kong sabihin ay anong ibig mong sabihin sa pagdiriwang?!" parang tangang tumangotango pa ako para ipaunawa sa kanya ang gusto kong itanong. Umawang ang bibig nya at tumango dahil naintindihan na rin nya sa wakas ang gusto kong iparating.

"Kaarawan po ngayon ng iyong Lola na ipagdiriwang mamayang hapon." lola?... patay na lola ko bata pa lang ako!... "Binibining Amara?!" pukaw sakin ng bata sa pagkakatulala ko. 'Amara.. tama ako na nga pala si Amara'. parang gusto kong pukpokin ng martilyo ang ulo.

"Ayy, ok. Sigi, sigi." natataranta kong sabi bago patalon na bumaba ng kama dahil sa bigat at laki ng barot saya na suot-suot ko.

"Binibining Amara, nakakatuwa ho ang pananatila nyo. Saan nyo ho natutunan ang klase at uri ng pananatila na ginagamit nyo?!" nangingiting sabi nya. Napangiwi ako at napakamot ng buhok. "Binibini!.. hindi nyo dapat kinakamot ng ganyan ang iyong buhok!" nanlalaki ang matang sabi nya. Nakataas ang isang kamay nya sa ere na parang pinipigilan ako.

"Bakit?!" kunot-noong tanong ko.

"Binibini, hindi magandang tignan sa isang binibining katulad mo ang gawin at magkamot ng ulo." pangangaral nya. Napatango na lang ako habang nakaawang ang bibig.

"Ok!" ngiting sabi ko. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko ng muli akong humarap sa kanya. "Hmm, ano nga uli ang gagawin ko?!" naiilang na tanong ko. Napailing na lang sya at lumapit sa akin.

"Dito po binibini, at tutulungan kitang mag-ayos." sinundan ko sya ng lakad hanggang sa makarating kami sa banyo.

Napanganga ako sa ganda pero makalumang banyo ng bahay na toh. May upuan na akala mo ay isa kang royalty pero isang inuduro pala, ang galing!. Parang gusto kung pumalakpak at magtatalon sa tuwa. Meron din silang salamin at table na parang kabinet ang ibabang bahagi. May malaking kabinet na sa tingin ko ay lalagyan ng mga gamit panligo. Merong jar? Jar na malalaki kung saan nakalagay ang tubig na panligo. Wala pa silang naiimbentong timba sa panahon na ‘to?! Omay nasa panahon na nga ako ng kastila.

Way back 1897 Series 1: KatipuneraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon