1

620 14 0
                                    

"She's fine. Nahilo lang siguro siya dahil sa init."

"Sige, thank you Miss Em."

"Maiwan ko na kayo, Ayako. May gagawin pa ako." rinig kong usapan ng dalawang tao malapit sa kung saan ako nakahiga ngayon.

Naramdaman ko na yung pag-alis nung nurse kaya minulat ko narin agad yung mata ko.

"Buti naman at gising ka na. I have to go." napalingon ako sa nagsalita.

Siya yung muntik nang makabangga sa'kin kanina. Mukhang Ayako yung pangalan niya, yon kasi yung narinig kong tinawag nung nurse sakanya kanina.

"You need something?" tanong niya nung mapansing nakatitig lang ako sakanya. Nakakunot pa ang noo niya.

"Thank you." may kahinaang usal ko.

"Psh. May kasalanan ka parin sa'kin. Ginambala mo yung practice ko." masungit na sabi niya at aalis na sana.

"Sandali lang!" tawag ko sakanya kasabay nang biglaan kong pagbangon. Lumingon siya agad na may halong inis ang ekspresyon pero agad ring nawala iyon nung makitang bigla akong napapikit dahil sa hilong naramdaman nang biglaang pagbangon ko.

"What is it?" she asked.

"Saan kita makikita ulit?" nakita ko ang pagtataka sa mga mata niya dahil sa tinanong ko. Bakit naman siya magtataka?

"Somewhere. Makikita mo ko kapag hahanapin mo ko." sagot niya saka nagmadaling umalis. Ano daw? Ang gulo naman niya.

Ay! Shit! Anong oras na ba?! Lagot ako! Hindi pala ako nakapagpaalam baka hinahanap na nila ako. Tumayo ako agad at nagmadaling makauwi.

-

"Oh Chasta is already here!" rinig kong sigaw ni Ate Chantal pagkapasok ko ng main door. Isa-isa ko silang tiningnan, lahat din sila ay nag-aalalang nakatingin sa'kin.

"Anong oras ka umalis ng bahay? Bakit di ka man lang nagpaalam? Pano kung may nangyari sayo? Saan ka ba nagpunta?" sunod-sunod at puno nang pag-aalalang tanong ni mommy saka ako nilapitan. Hinawakan niya agad yung pisngi ko at marahang cheneck yung mukha ko kung may galos ba ako, she even check my hands.

"Mom. Calm down. I'm fine."

"Fine? Chasta you left without even telling us! Kahit tawag man lang!" galit na singhal ni Ate Chazel.

"Buhay pa ako, okay? You guys stop overreacting." narinig kong napabuntong-hininga nalang si Chester sa naging sagot ko. Ate Chazel and Ate Chazen left without uttering a word. Hindi ko alam kung saan sila pupunta.

"Chantal samahan mo ko." biglaang aya ni Ate Chan kay Ate Chantal.

"Huh? Saan naman Chan?" Hindi na siya sinagot ni Ate Chan at hinila nalang papunta sa taas. Bumuntong hininga lang si daddy at humalik sa pisngi namin ni mommy bago naglakad papunta sa taas, mukhang magpapahinga na.

"What is it now?" tanong ko. Hindi man nila sabihin alam kung hindi nila nagustohan yung sinabi ko. But they are overreacting - - - uh I guess not really. Muntik na pala akong mapahamak kanina.

"Talk to your twin, Chester. She might listen to you, may tataposin pa ako. Be good girl next time Chasta okay? And about don sa dorm in your new school, let's talk about that later." paalam ni mommy bago humalik sa right side ng buhok ko at sumunod narin kay daddy paakyat.

Forbidden (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon