27

161 6 1
                                    

"Flynn." agad na sabi ko sa taong bigla nalang humarang sa'kin.

Naunang pumasok sa'kin si Mau kaya mag-isa lang akong naglakad papunta sa room pero ito nga at hinarang ako nina Flynn.

"Akala ko ay nakalimutan muna kami, Cha. Bumalik lang siya ay nakalimutan mo na ako." napakunot -noo ako sa sinabi niya.

"Ano bang sinasabi mo?" tanong ko sakanya. Naramdaman ko yung mahigpit na paghawak niya sa braso ko. Pinilit kong bawiin iyon pero masyado siyang malakas

"Bitawan mo ko! Ano ba!" sigaw ko at pilit paring inaagaw ang braso ko.

Nasa may hallway pa kami at wala ng masyadong estudyante kaya walang nakakita sa nangyayari sa'min.

"Kung hindi naman kita mapapakinabangan, mabuti na ngang tuluyan ka niya." galit na bulong ni Flynn at hinila ako papunta sa kung saan.

Nagpumiglas ako pero wala ring nagawa iyon dahil malakas siya. Nakasunod lang din sa'min si Justine at Phene na tahimik lang.

"Saan niyo ko dadalhin?! Ano ba!" sigaw ko parin nung hindi parin niya ako binibitawan.

Narating namin yung gitna ng bakanteng lote at doon ako patulak na binitawan ni Flynn. Bumagsak ako sa lupa na ikinasigaw ko dahil medyo masakit yung pagbagsak ko.

"Ang tapang mo parin." may diing sabi ng babaeng nasa harapan ko kaya dahan-dahan ko siyang tiningala.

"Mirtle." napangisi siya nung banggitin ko ang pangalan niya.

"Ako nga. Napakadami nga ng buhay mo at hindi ka parin namatay nung sinakal kitang babae ka!" sinipa niya ako na naging dahilan kaya napasigaw ako.

Mahina ang katawan ko at madali akong masaktan kaya wala akong nagawa.

"Ano? Hindi ka lalaban? Diba ito yung gusto mo?! Kinalaban mo na naman ako ulit!" galit niyang sigaw na ikinangisi ko.

Pinilit kong tumayo ng maayos kahit medyo masakit yung tiyan ko.

"Hinding-hindi mo makukuha si Ayako. Hindi ka niya mahal, Mirtle." matapang kong sagot na hindi niya nagustohan.

Sinampal niya ako.

"Fuck you. I will kill you - - "

"Touch her again and I will surely kill you in an instant, young lady." malamig na sabi ng bagong dating na ikinatigil ni Mirtle.

Dahan-dahan naming tiningnan yung nagsalita at nakitang si Ayako iyon, mag-isa lang siya.

"Ava.." gulat na usal ni Mirtle.

"Angel." baling sa'kin ni Ayako na hindi pinsan ang pagtawag sakanya ni Mirtle.

Dahan-dahan akong naglakad palapit sakanya. Hinawakan niya rin ako agad at hinila papunta sa likod niya.

"Narinig mo naman siguro ang anunsyo ko kahapon, Mirtle." seryosong sabi ni Ayako.

"What? Tinatakot mo ko? Baka nakakalimutan mo yung napag-usapan natin Ava." matapang na sagot sakanya ni Mirtle.

Nagulat nalang ako nung bigla siyang sakalin ni Ayako at hindi man lang nagawang makisali nina Flynn.

"Hinding-hindi mo ko matatakot, Mirtle. Hinahamon mo ba ako? Gusto mo bang laruin ko ang laro mo?" may diin at puno ng may pagbabanta sa boses na tanong ni Ayako.

Nakita ko yung pagpumilit ni Mirtle na makaalis sa pagkakasakal ni Ayako.

"B..Bitawan mo k-ko! Hindi ako.....m-makahinga Ava! A-Ano ba!..." natataranta niyang sabi.

Forbidden (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon